Thursday, March 02, 2006

First Time Weekend

Nung Monday pa ako nangangating mag post, kaso I don't wanna post anything na walang pics. So kahapon, I met up with Cloyd (na syang may ari ng camera! Thanks!).

Saturday, February 25, 2006. First Attempt to Row.


Akala ko hindi ako mag eenjoy. Pano, on time sana ako kaso maling Figaro ang napuntahan ko. Anyway, buti na lng, sinundo ako ni Abet. hehehe. Nagstart na silang magwarm-up nung nakarating kami sa Figaro sa CCP.

Masayang mag row. Panalo ang mga tao. Panalo ang form. ang hindi lng panalo, medyo mabilis akng mapagod. so, the first 5 na hagod medyo in-synch with the rest, kaso the next na mga hagod, nagkakahampasan na kami ng oar nung nasa likod o nasa harap ko.


After naming mag-row bago dumaong medyo lumayo layo kami ng kunti, parang naghanap sila ng medyo malinis na parte ng Manila Bay. Then, apat kaming newbies: si Terrence & Marns (on their second week na) Clarence (on his third week) at Ako (na first time talaga). Pinalubog kami sa Manila Bay. nakakaaliw. :D

After makaligo, kinukulit ko sila Kuya Richard, Cloyd at Abet na turuan akong mag-Bike, at since hindi ko abot ang mga bike nila, nagpicture-taking na lng kami.

OCMI Rowers that day: Cloyd, Abet, Me, Clarence, Ava and Kuya Richard


since I don't know how to bike, daanin na lang natin sa porma!

Magrorow pa ba ako ulit??? Of course! pero... I don't think ka-career-in ko sya.

========
Sunday, February 26, 2006. First Time sa Kairukan, Morong, Bataan.

Kahit nagsisimula nang sumakit ang likod ko ng dahil sa pag-row, sumama pa rin ako kina Kuya Richard mag-recon sa Mt. Kairukan, Morong, Bataan. Ang aga ko pa ngang nagising sa sobrang excitement e. Kaso due to some uncontrolled factors tulad ng bus, nalate ako. :(

Anyway, we started our trek at around 11:40am and we reached the campsite at around 2:15pm. Grabe hirap na hirap ako (as always!) I don't know if I should blame the fact that I am not eating properly lately and dahil pagod na din ako ng saturday. The trail reminded me of Mt. Susong Dalaga sa Talim Island, Rizal. Dalawang paahon lang na mahahaba na walang malinaw na trail dahil natatabunan sya ng mga tuyong dahon. Bago dun sa may gitna na nabinyagan ng "pinagsukahan" binitbit na ni Cloyd yung backpack ko.

Sa campsite, may falls. kumain lang kami sandali at dahil naghahabol ng oras, nagsipaglusungan na kami. Picture-picture na walang katapusan.

sa hanging bridge bago makarating sa may community

ang tatlong magigiting na lalaking kasama ko: si Kuya Richard (EL); si Cloydie-Cloyd (me ari ng camera); and si Pareng Abet (ang may mapa)

Huntahan muna habang nakain

Ganda no?

Playtime sa Falls

Pang-poster!

Diosko! nahiya pa kayong tatlo!

Kita nyo si Kuya Richard!? ayun sya o, nagsasalok ng trail water sa falls.

self portrait. sariling sikap.

Pagbaba namin nagpapicture pa kasama si konsehala.
(konsehala sya di ba? dahil nasa olongapo si kapitana)

Tired but still very pretty, indeed!
ha-ha-ha

hanap nyo away?!?
nah, pacute lang ako. Last shot before leaving.

Hindi masyadong easy yung experience ko sa bundok na to, sumusuko na ako pero buti na lng ineencourage ako ni Cloydie-cloyd at saka hiya ako kay Kuya Richard. Nung pabalik ayos naman na, ikaw nga ni Cloydie-cloyd, nadaan daw ako sa wento. hahaha (actually nakakain na kasi ako e.)

Galing ni Abet, sya ang aming navigator, sya may dala ng mapa. impressive!

Babalik pa ba ako dito sa bundok na to??? hmmm... yup... I will definitely be visiting back... unless...

11 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Stay happy girl! That's good keep yourself busy. Bsta I'm always here for you. Thanks for trusting me and for the friendship. Love you!

12:58 PM  
Anonymous Anonymous said...

hmmm parang interesting ang rowing ah. =)

1:05 PM  
Blogger Maniniyut said...

kay bibilis naman mag comment ng mga ito. kasasabi o pa lang mag-update ka aba may 2 na nauna sa akin ah, hehe...peace!

habang sinusulat ko ito hindi ko pa binabasa yung entry. teka...

1:10 PM  
Blogger binx said...

ang ganda ng mga pix. sge n nga, sasama na ko!

1:14 PM  
Anonymous Anonymous said...

ang ganda ng hanging bridge and waterfalls!! sama ako dyan! :D

1:50 PM  
Anonymous Anonymous said...

ang angas mo tiiiiiin!!:)
bangis chiongz!!

4:56 PM  
Blogger Unknown said...

bagsik ng mga falls! init dito parang gusto ko tuloy maligo!

turo mo naman sa akin kung paano pumunta dyan. email ko cruise247@gmail.com

10:56 PM  
Blogger Unknown said...

bago na pala URL ko its cruise247.blogspot

10:56 PM  
Anonymous Anonymous said...

wow..ang sarap naman! adventure ah!

1:37 AM  
Blogger Unknown said...

ganda pics.. mukhang masaya mag-row.. hmm masarap din mag-bike.. :)

tc!

8:51 AM  
Blogger risk said...

wow!!! mukhang maganda dyan a... pwede bang makahingi ng IT? para naman mabisita rin namin yan.. tnx...

12:34 PM  

Post a Comment

<< Home