Tuesday, August 01, 2006

rainy = gloomy

ok... it's been raining... minsan parang may switch: on-off-on-off, minsan walang tigil, minsan malakas, minsan parang tanga lang gusto ka lang ambunan. Naiinis na ako. ulan ng ulan.

I don't really hate rainy days, I just miss the sun!
At saka pag naulan...
  1. Palagi akong tuliro. nabaha kasi sa may amin. Lagi kong naiisip kung bumaha na ba sa min o hindi pa, kung gano kataas, kung tuyo pa ba ang mga pictures, libro, at mga gamit ko sa bahay. Lalo tuloy akong nalelate, lalo na pagnaunahan ako ng baha sa tapat ng bahay. grrrr.
  2. Nagiging malulungkutin ako pag naulan. Hindi ako makagala ng maayos. Hindi ako makakilos ng maayos dahil natatamad ako.
  3. At nadedepress ako! pakshet! ewan ko ba, masyadong madaming magagandang memories pagkana-ulan. hayyy, sabi nga isang barkada ko nagiging romantic ata ang mga tao pagnaulan dahil mas gusto nilang mag-cuddle na lang. hayyy peste. At dahil hindi ako makapaglagalag ng maayos at natatamad akong kumilos ang tendency... mag-isip na lang.
Pero masaya pag naulan, lalo na sa tapat ng bahay namin. pakiramdam ko nagiging isang malaking public swimming pool ung tapat namin. San damakmak ang mga batang naglalabasan, ages range from 5-15. Makikita mo silang sumisisid (ewww talaga!), nagswiswimming with matching salbabida pa, naghahabulan at mga nagdadive.


Yun nga lang pag ganyan na ang scenario malamang sa luob ng bahay namin (kung hindi kami maging maagap) e lumulutang na din ang mga sofa namin, ang mga pocketbook na nakakalimutan kong itabi (ang pinakahuling nagswimming ay ung The Fifth Mountain ni Paulo Coelho, buti na lng loner sya! hehehe), at malamang isang linggong alang TV na naman dahil lumubog lahat ng outlet.

Sabagay madaming magandang mga maliliit na bagay after na umulan... dami tuloy pedeng pagpractisan ng photography. hehehe.


Wala lang. nabwibwisit na kasi ako. nasasawa na ako sa ulan. namimiss ko ang summer! Nung friday, I tried to wear yung tube top ko, pano medyo naaraw na sya nung umaga. Pagdating ng gabi, ang lamig na, hindi ko din ma-show off na naka-tube ako kasi nakabalabal sa kin ung scarf. Hindi ako makapagsandals, ayokong maputikan ang paa ko. Ang lamig lamig dito sa office. naka-bonnet ako ngayon dito sa office, bukas I might wear gloves na.

hayyy...
un lang... sana summer na ulit!!!

**pictures are just reposted (i think!).

3 Comments:

Blogger dannie said...

gusto ko lang ang ulan pag nasa bahay lang ako natutulog kahit tanghali na! may bagyo kase kaya walang pasok. gustong gusto ko makatulog sa kanta ng pagpatak ng ulan sa bubong.
dito din malakas ang ulan ngayon pero di tulad ng sa atin hindi ako pwedeng umasa na papauwiin kami sa office kase hindi nagbabaha dito.
may sense ba ang comment ko?! =P

4:11 PM  
Blogger Glo said...

The promise of rain sounds appealing to me now after the oppressive 40s weather we have the last few days.

Your shots are getting better by the day. I like the photojournalistic approach you did on the black and white shots. Keep it up!

8:17 AM  
Blogger risk said...

hanep sa mga pics a.... just got back from our mt. apo/mt hibok-hibok double climb, heheheh!!! mga adik e kaya di nakuntento sa isang climb, heheheh...musta na?sayang di ako makakasama sa pico climb nyo, pahinga muna ko ngayon e, di bale, may next time pa naman e

1:02 PM  

Post a Comment

<< Home