Monday, July 17, 2006

nut-hing

Friday...

for some strange reasons I have been talking to two men (ayan men ha!) of my past life. wahahaha. Past life, kasi naging parte sila ng buhay ko when I was still in 1st year highschool. si Ryan at si Manuel. Mga boylets. hahaha. Maybe because of the fact that there are still some unanswered questions for the past decade and since it happened ages ago, I was (at last!) able to ask them about it.

At si Ryan, after more than a decade, narinig ko ulit ang boses nya! nag-long distance ang bruho at ng kelangan ko ng umalis ng office, I called him back. wala lang tawa lang kami ng tawa. Nung gabi, pag uwi ng bahay, nag-usap pa kaming tatlo sa chat. :D bwahahaha.

======================

Saturday...

Talked to R (hindi na si Ryan, dami kasing R sa buhay ko e). sabi nya, nag-usap daw sila ni A. Nagsusumbong ang bata na naguguluhan daw sya, supposedly binasted na sya ni A, pero nagkausap sila nung Friday night and he found out things like nagka-boyfriend si A after syang basted-in with a reason na ayaw pa nya ng relationship. I was like so mad at A. Ang selfish kasi! sabi daw kasi ni A, nung nalaman nyang nakikipag-date na si R nasaktan daw sya, at pagkakasama nya ung syinota nya naaalala nya pa din si R. punyemas. ano ba un! Naputol usap namin.

Nag-Mall of Asia ako. Original plan ko is to allot this day as my "alone moment", a date with myself. Pero, at some point, naalala ko ung friend ko for more than 20 years. si Yayay. Since I can sense that something's wrong at na-alarma ako sa text nya sa kin last Friday, i met up with her, after 3 hours of being alone. Ayun, wentuhan kami. Food trip, inikot namin ang MOA, not sure kung naikot na namin lahat. hehehe. Nakita ko si Sam (na napanaginipan ko kagabi!), nakita ko din si Imelda Marcos (na nagmo-mall ng ganun pa din ang itsura nya), at si Emmie ung thesis mate ko nung college. It was a great day! saya-saya.

======================

Sunday...

I received a text from R. May Girlfriend na daw sya. Si A. pakshet! I don't know what to feel. I feel sad for my bestfriend! sabi ko nga sa kanya if you have told me that last friday, I am the happiest person for him. Si A kasi highschool pa nya sinisinta sinta un. punyeta. Naawa ako sa bestfriend ko kasi sabi nya, "I'm scared too, but I am happy." waaaaaaaahhhh punyetang pag-ibig!

======================

Monday... Today...

Nasa office na ako ng around 8am, 8:12pm sa PC ko nung i-on ko sya.

realizations:
1. pag maaga ka pumapasok, nakatayo ka sa bus.
2. kahit anong aga, may mga manyakis na sa bus.
3. pagdating ng Buendia, ang hirap sumakay, walang jeep, mahaba ang pila.
4. wala pa ding disiplina ang mga Pinoy, kasi pag may dumating na jeep nagugulo ang pila, kaya kanina, nawala ako sa pila.
5. kung aaraw-arawin ko ang pagpasok ng maaga, malamang araw-araw di lang ako naglalakad mula office hanggang Ayala-EDSA kung di naglalakad na din ako mula Buendia EDSA hanggang office sa umaga.
6. maaga ka talagang makakapasok pagka may gusto kang makausap sa chat na sa umaga lang pedeng makausap.

bwahahaha. in fairness, masarap pumasok ng maaga. uulitin ko pa ba ang kahibangang ito? hindi siguro bukas... baka next month na ulit. heheheh.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home