Wednesday, June 28, 2006

Smacked

May mga bagay sa mundo na hindi ko kontrol. Kaya napagdesisyunan kong
sarili ko na lang ang kontrolin ko, mahirap pero at least control ko.

I am not a control freak. I'm more of a go with the flow kind of
person. Kaya masasabi ko para akong damo, kahit saan tutubo. Kaya kong
magtiis, kaya kahit hindi ako kumakain ng gulay madami namang ibang
alternatives. Sabi ng karamihan mabait daw ako pero hindi ako
naniniwala. Tao lang ako, masama ang ugali ko at marami din akong
kinakainggitan. Hindi normal ang buhay ko, madaming gulo. pero since I
decided to make my life a happier one, dinadaan ko na lang sa tawa,
kulit at pag-ngiti ang lahat.

Pangarap kong matutong magbike, hanggang ngayon hindi ako marunong
magbike. Pangarap ko ding maging magaling mag-english, pero dahil
hindi naman ako ganun ka-confident sa engish ko, I opted to use
TAGLISH. Pangarap kong mapakangibang bansa pero walang pagkakataon e,
kaya i would rather explore my own country. Maganda ang pilipinas kaya
habang walang pagkakataong mag-abroad dito na lang muna ako.

Sa kabuuan, masaya ako sa buhay ko, maraming kulang, maraming wala,
may ilan-ilan na mga problema pero basically, i'm happy and contented
with my life. I called my life a charmed one, dahil despite and
inspite of it being incomplete I still feel blessed.

Plans. Sabi ng nanay ko, matanda na ako wala pa din akong ipon, oo tama sya,
kaya nga ngayon, kahit hindi pa din ako naniniwala sa longterm plans,
mag aayos na ako ng long-term plans ko. Pinakauna sa listahan ko ay
ang makapag ipon. Pangalawa, hopefully, pagkakitaan ko ang photography
skills ko. Kung papaano hindi ko pa alam pero un ang plano ko sa
ngayon. If God would be willing naniniwala akong it will come true one
day. Hindi madali pero pagsusumikapan ko.

Commitment? Boyfriend? Sa ngayon hindi ko pa alam kung sino at kung
papano pero naniniwala akong kung dadating, dadating un. Marami akong kaibigan na naniniwalang, boyfriends/girlfriends would make them
complete or at the very least happier, walang masama dun, pero dahil
wala pa nga, hayaan ko lang muna. Hindi ako maghahanap at hindi ko din
iintayin, dahil ayokong may mamiss ako kakahanap at kaiintay. Tutal 26
lang ako. No need to panic yet. It's easier this way. Malaya.

Si D? wala. Wala akong maisip tungkol sa kanya. kaibigan or even
less than friends.

Si G? Hahahah. Thinking of him and of what had been us makes me
laugh. Wala akong regrets sa taong it. I was happy with him, alang
kaso, ngayon me girlfriend na sya ala akong galit, oo dati meron,
ngayon ok na.

Si R? Bestfriend ko ang isang to. Maraming kakaiba sa ming
dalawa pero hanggang duon na lang un. Masaya ako at naging parte sya
ng buhay ko.

Si R? Dito aminado ako, magulo ang buhay ko dahil sa kanya. But I don't
want to ruin myself wasting time thinking about it. Affected ako, pero
alang buting idudulot kung nanaisin kong gumanti.

Si K? I consider her as my bestfriend and I really care for
her. Whatever may the outcome of our friendship, naniniwala akong nasa
Kanya na un. Sa ngayon, okay kami at thankful ako sa kanya sa maraming
bagay.

Si C? She's my bestfriend for like 13 years. I don't have
plans of letting her go. Sana hanggang tumanda kami bestfriend ko pa
din sya.

Starbucks? hooked ako sa kape nila. bwahahah.

Blog ko? Kahit nalait ok lang yan. Tama naman si Charles R. eh. I
intend to improve it but retain it. Masaya akong ginagawa ko sya.
My blog was reviewed in their website IT2M.
eto ung url nung kabuuan nung review: http://italk2much.com/index.php/weblog/thoughts_of_my_ve_vee_waa_waa_charmed_life/

yan ako,

the rebellious free-spirited missy... contented

6 Comments:

Anonymous Anonymous said...

uy, talaga di ka rin marunong mag bike. ako rin eh. dati marunong ako pero na injured ako nung grade 4 ako and since then, di ko na tinry. :)

medyo hindi rin ako naniniwala sa long term plans. but in my case, it's not a choice. i have a lot of responsibilities for my family that i tend to neglect planning for myself. gustuhin ko mang makaipon, there's really no way for me to do that. so there...

:)

8:49 AM  
Anonymous Anonymous said...

i really admire you for always choosing to see the brighter side of things sis. =) sana mag rub off sa kin ang trait mo na yan.

12:02 PM  
Blogger Unknown said...

talagang inim-brace mo na yung sinabi ni charles ah, hehehe.

minsan emotion lang naman yung pagiging magalitin, pero kung matututo tayong controlin ito, mas magaan para sa atin na resolhabin kung meron man conflict na nagdulot ng pagkagalit.

1:21 PM  
Blogger binx said...

uuuy, contented. buti hindi contended. hahaha! =) (inside joke po ito.)

isang walang kakwenta kwentang comment brought to you by yours truly. mwah mwah!

1:24 PM  
Blogger Yoyce said...

grays: yup hindi po ako marunong mag-bike, ilang tao na ang nag-attempt magturo pinagsawaan ako (o nawalan lang sila ng oras). and yes, I no longer believe in long-term plans, pano minsan you work around it sacrificing your short-term plans only not to work out in the end. frustrating lang.

egoddess: madali lang naman to see the brighter side of things e. especially for me, madali lang naman akong ma-uto hehehe, kaya madalas inuuto ko na lng sarili ko. making my weakness as my strength na lng. :D heheheh

cruise: actually, hindi ko sobrang ini-embrace ung sinabi nya. hindi kaya ng powers ko na magstraight english o kaya straight filipino, ung iba lang kasi somehow may point sya. :D i just take it as a constructive criticism :D
yup... control lang... :D

tin: oo no! para namang eng-eng... contended... bwahaha layo ng meaning nun sa contented. :D
kahit alang wenta ang comment mo nyab pa din kita! bwahahahaha.

1:34 PM  
Blogger Unknown said...

ay naku mga boypren boypren.. saket ng ulo.. lekat.. hehehe totoo yan, darating yan sa tamang panahon :)

ay ang daming initials..hihihi

sarap maging kuntento sa kung ano tayo at meron no? minsan ganyan din ako, pero may times na naghahanap pa...

happy weekend sis!

1:17 PM  

Post a Comment

<< Home