Pulag Trip. Malamig na Tubig. Breath-Taking Sunrise.
Lulan ng Victory Liner na bus, umalis ng pasado alas-diyes ang bus. (Buti na lng at kalahati ay nakalaan sa min ang bus napakiusapang mag intay pa kina Shammoy at Ivy ung bus.)
Matapos ang dalawang stop-over at malakas na ulan, nakarating kami sa Baguio Victory Liner Terminal. Dito, nagrepack na kami ng mga dala-dalahang mga ulam. Naghanap ng makakain at maibabaong pagkain (puro naman Mister Donut ang baon!).
Lumulan na kami ng jeep na syang maghahatid sa min sa kung san sang lugar. Paglabas ko ng terminal akala ko namamalik-mata ako, nakita ko kasi ang shadow ni Abet (madilim pa nun! Hindi ako nang-aasar no!) un nga at hindi pala ako nahihibang lang, si Abet nga! Ayun, napunta sya sa grupo ni Dang. Anyway, participants and their respective group are as follows:
Mga Inakay ni Dangski:
1. Marvin
2. Gerard
3. Abet
4. Cloydie-cloyd (ang First Aider na gumamot sa tuhod ko!)
5. RJ
6. Elena
7. Gemma
8. Kuya Louie a.k.a. Oros (ang Sweeper!)
9. Lenon
10. Morph
11. Sheldon
12. Shammoi (Ampon ko!)
13. Ivy (Ampon ko!)
14. Chex (ang magiting na E.L.!)
15. at syempre si Dangski
Mga Inakay ni Joyce:
1. Dominic (a.k.a. Papa Doms pede ding Dirty Old Man!)
2. Diane
3. Tin
4. Mye (ang panalong TL [Tulog Lagi] idol!)
5. Che
6. Ten (and Deputy EL naming na pakiramdam ko ay ampon ni Dang!)
7. Dan (Ampon ni Dang!)
8. Amor (Ampon ni Dang!)
9. Marlo (ang Magiting na Trail Master at Chef)
10. Gail
11. Jeffer (na nagtayo sa king pagkakadapa! Salamat!)
12. JT (ang nagluto ng pink na sinigang! Sarap!)
13. Manny
14. at ang inyong lingkod ang pasaway na T.L. Joyce
Masaya sa jeep ng grupo ni Dang, andun lahat ng maiingay, maliban sa kin. Pero hindi naman nagpatalo ang aking team (plus Shammoi and Ivy; minus Dan and Amor) sa jeep namin. Makukulit din naman kami. Lalo na si TL Mye. Malayo ang byahe. Tag-tag, pakiramdam ko ay naalog ang laman ng utak ko pati lahat ng aking lamang luob. Si Dom inip na inip na sa tagal ng byahe. Pero sa kabila ng lahat ng ito si Mye tulog pa din!
Pagkagaling naming dun mga lugar na un tumuloy na kami sa PAO (Protected Area Office), kung san kami nagregister, nanuod ng video (kalahati nung film tulog ako at marami pang iba!) at nag-talk pa si Superintendent Tamiray (na textmate ni Dom, kaya nanalo kami sa charades!). Madaming nahuling natutulog si Superintendent habang nagtatalk sya, sa kabutihang palad hindi ako isa sa kanila.
Pagdating sa Ranger’s Station, kanya-kanyang pwesto na ng gamit, pahinga, pila sa banyo, at ang mga inakay ko nagsimula nang maghanda ng kakainin. Si JT ang nagluto ng Sinigang na kulay Pink. Si Marlo at si Dom ang nangasiwa ng mga sinaing na buti na lang umayos. At ang karamihan ay nag ayos at naghiwa na ng mga rekados ng sinigang.
The next day, we all got up early to prepare for the ascent to Pulag. Nag-stretching-stretching, nagpray, nagkuhanan ng picture (mga hangol talaga sa picture!). Masaya naman ang trek paakyat, hindi namamalayan ang oras, nasa camp 1 na kami. At syempre picturan ulit. Maya maya, ang mga happy trekkers nagsipagkainan ng chocnut, lollipop, raisins at chocolate. Lakad na lang ng unti nasa Camp 2 na kami. Dinesignate na ang mga tent assignments. Nagpahinga na, naglunch. Nagpasocials si EL, getting to know churva daw. Maliliit daw ang mga nasa team ko… kaya kami ang nasa inner circle. Nung napagtantong walang saysay ang mga pinaggagawa namin, naglaro kami ng charades!!! Syempre kahit wala naming premyo, performance level ang lahat. PANALO KAMI!!! Kahit na, madalas magtanong si Chex ng “anong masasuggest mong ipahula?” hehehe.
Maganda. Masaya.
habang nag iintay sa jeep na nagpapagasolina...
====================
Sulfur Spring
si Dom kinukunan nya ng pic ung sulfur spring.Posing posing lang...
====================
Patungo sa Cave na hindi ko alam ang pangalan.
Yan po ang Cave!!!====================
Dom! mas magaling ako sa yo kumuha ng pic!!!Sa Kabayan Museum. Bawal magpakuha ng pic sa loob kaya sa labas na lng.
====================
Opdas Cave
With the Skulls.
The skullsSi Tin, Si Che At Ako.
====================
Paalis ng Ranger's Station
Stretching-stretching bago start ng trek.
Stop sandali para papicture.
Sa Trek. Sipag ni Dom kumuha.
====================
mga OCMI members sa Camp 1
batch 9: Abet, me and Manny!
Group Picture sa Camp 2
Mga kami kami sa Marker
Sa Marker pa rin
sa Punong sikat sa mga hangol sa picture
ako sa punong sikat
Mga inakay ko, at mga singit na iba!
====================
Nung magplano kaming mag-explore at magpicture taking.
Naintercept kami ng mga gwapong ito ng Slimmer's World.
Naipinagpalit ko kay S1 dahil tinangay sya ni Dom palayo.
At habang nakikipagwentuhan sina Tin at Dianne sa mga Cute.
Andito na kami ni Dom sa taas took pictures of the camp.
Sumunod si Dianne. Ako, si Dom at si Dianne.
Ako at si Dominic
====================
buhat sa campsite, umakyat sina Morph at Che
dun sa may isang puno. yan ang kuha ko sa kanila
from the campsite.
Ayan ang mga inakay ko. Preparing breakfast.
Ang The North Face Tent ni Dan at Amor.
Ang naging instant tourist attraction sa camp 2.
Talagang sa lahat ata ng angulo nagpakuha kami ng pic.
Ewan ko bakit kami ni Dom ang magkasama sa pic.
Team Columbia! kuno! hehehe.
====================
Picture ko sa summit. Ganda ng sunrise no?
Group pic sa summit.
Kaming magaganda: Che, Ako, Tin, Mye and Dang
Ang unang taong naghubad ng jacket sa summit.
Sayang ang T-Shirt kung di makikita sa picture.
bawal ang naka-jacket!!!
ang Trio namin: Manny, me and Tin.
Nakikita nyo bang nakaspell ung OCMI? ako din hindi e.
With My Girlfriend sa Summit.
With matching Mickey Mouse Bonnets.
Ang kagandahan sa itaas. photographed by dominic.
My "substitute" human blanket sa Pulag.
Sa ganda sa Pulag, hindi nakatiis si Dominic. Nagpapic sila ni Tintin.
Ganda namin o.
ako, che, at si tin.
Last Group Pic sa Summit.
Habang pababa. With Cherli.
With Dominic.
Sa Marker with Cherli.
With Dominic sa Marker.
Ang huling pic na nakuhanan ko bago ako
nadulas at nadapa.
Nakakatuwa kasi at least after the trip nasabi kong, buti na lang nakasama ako...
"... pag-ibig na palaisipan sa kanta na lang idadaan."
nakakalungkot ala ung original na ka-buddy ko. pero ok lang, at least nadagdagan na naman ang mga bagong friends ko. :)
7 Comments:
mukhang ang saya ng pulag climb nyo a.... that's good!!! more picures ha...have a nice weekend
patok!!!!!!!! mala-nobela! basahin ko palang nakasmile na ako naaalala ko eh eheheheheheh
ang ganda ganda naman ng pulag. cute ba talaga yung mga guys from slimmer's? hehehe.natawa kasi ako dun sa part na nakikipagkwentuhan sa mga cute eh.
GRAYS: oo, cute sila. ung 2 lang. actually. gusto ko ung injured. parang narating ko na rin ang summit nung nakita ko sila sa campsite. at parang gusto ko na ring sumama pababa. wawa naman kasi, injured ung gusto ko. kainis nga, di pumayag si manong na i-hitch sila papunta ng ranger's station. hehe.
nakalimutan ko lang ung name. mesmerized masyado eh. :)
ang dami nyo palang umakyat, sa Ambuklao Dam pa lang panalo na mga pictures nyo, lalo na yung vantage point ay galing sa ibabaw ng jeep. tapos syiempre the best yung mga above the clouds pix...
yung Great Teacher Onizuka ay yung sa channel 2 na gumagawa ng tinapay? kulit nun, nakakaaliw...
haay, sayang na miss ko na naman tong akyat. ilang beses na ko niyaya nitong c joyce pero til now di pa rn ako natutuloy. nalala ko tuloy ung akyat ko sa batad dati, ang lamig din ng tubig parang galing sa ref! hahaha
pagbalik ko dyan, sama ko kahit once lang sa open climb nyo ha... mukhang masaya kasama ang OCMI e... sama ka rin sa ADTREK minsan para ma-meet mo rin si cruise, heheheh....
Post a Comment
<< Home