Monday, April 17, 2006

buhangin na lang ang kakainin

hayyy... grabe talaga.

eto share ko lang...

Holy Wednesday... April 12... wala kaming pasok dito sa office, declared holiday sa min. Since galing ako kina Rachelle (
natulog kami dun ni Suzette sa kanya, after ng dinner sa Blue Ginger sa GB3 at coffee sa Gloria Jeans sa Glorietta.). Then, sumama ako sa birthday celebration ni Aprille dapat sa Dencio's pero nalipat sa Gerry's.

got this from the Bday Girl, Aprille.yan kami... si Dhol, ako, si Mitch, si Aprille at Ayie, the birthday girls, at si Cris.

After that lunch with them, Rache and I bought a two-piece bathing suit at Tomato. No Pics yet, dahil bawal magpapic sa luob ng Ace Water Spa. Yup, nagwater spa kami ng Thursday afternoon with Ira, Chris, ako, si Rachelle, si Grasya, Ruben at yung pamilya nila.

kami ni Rache, after ng water spa.


After the Spa, we ate at KFC then went to pray at Sto. Domingo Church along Quezon Ave.

In fairness, umuwi naman ako at Good Friday, I spent the whole day at home. SLEEPING... and THINKING... hehehe. Then, nung gabi, umalis ako ulit to sleep at Rachelle's house. Ang paalam ko is manunuod ng prusisyon sa Poblacion (ang isa sa mga bagay na namimiss ko dun sa lugar na kinalakihan ko)

Prusisyon, mga pics na nakuhanan ko.

yung head nung mga "mumu" hehehe.
nakakatuwang makita na karamihan ng mga mumu ngayon
is mga "next generation" bagets na...


After the Prusisyon, natulog ako ulit kina Rache para maaga kami for the next day, sasabit kasi kami sa pamilya ni Ira sa Island Cove, sa Cavite.

Saturday, andun na kami sa Baywalk, antay ang ate ni Ira.

Nagandahan lang ako. Although I didn't give it much of a justice.

Ira, me and Rache: while waiting at Figaro, Baywalk

Natuwa lang ako sa kanila. hehehe.

Nasa Island Cove na kami ng 6:30am only to find out na 8:00am pa pala ang bukas nya. so... pic pic muna...

Chris, Ira and Rache: sige na pose na muna...

Bored? Magtulak tayo ng canyon!

sub muna ako kay Ira, pagod na daw sya. tibay ni Rache.

Napagod ako dun ah!

Pretty pa rin!!! hahaha.

si Justin at si Mama ni Ira: ang cute cute ni baby...

kita nyo ung slide!?
umakyat lang ako dyan
para kumuha ng pics nila habang nag-slide.
Ako, I didn't bother to try. tried it once.
No point in proving something to myself.

sa takot talaga ako magslide e.

Sa taas ng slide, bago sila mag-slide down.
yup, tyinaga ko yan. hehehe.

Galing talaga ni S1,
nandun ako sa taas ng slide
when I took this pic.
parang ang lapit no? :)


Me, Ira and Rache: Sa pool.

Mga winning FHM poses! :)

Playtime sa Pool: trip trip lang...
Nang mapagod na kaming maghanapan ng piso.
Ako, si Ira, si Chris, at Si Rochelle na sis ni Ira.
Si Rache ang kumuha. :)

At Easter Sunday, April 16... Family Day... punta kmi sa Sta. Rosa sa Tita ko. Then punta kmi sa SM Sta. Rosa.

si Odeng, Mommy ko at ako: trip trip
lang sa van papuntang Sta. Rosa.

So far, yan ang nangyari sa kin last long weekend.

at sa weekend, pupunta kami *sana* ng Hundred Islands... so ika nga ni Grasya, Buhangin na lang ang kakainin namin sa dami ng mga lakad namin. pero malamang sa kawalan ng pera, hindi na kami makakaabot pa sa mayrong buhangin, baka dumila na lang kami sa semento. hehehe.

Yup, I am soooo busy... but it still finds it's way to attack when the least I expect it.

Share ko din ung sermon ng pari dun sa Balibago Complex church... sabi nya

Dream... dapat may pangarap tayo... may goal

Believe... hindi lang dapat kay Lord tayo naniniwala kundi higit sa lahat sa sarili natin... para may mangyari sa buhay natin. Minsan daw nasa atin na ang pagkukulang kung bakit hindi binibigay ni Lord ung mga hinihingi natin.

Survive... dapat daw mag MOVE ON. kasi iwanan man daw tayo ng mga asawa, boyfriend o mawalan man tayo ng trabaho, o malugi man ang ating mga negosyo, andito pa din naman tayo at nakatayo, so... MOVE ON... we have to survive... we have to fight.

...un lang... medyo tinamaan ako sa sinabi ni Father a! =)

5 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hay naku..ayoko mag comment dahil wala ko dito, ndi masaya...wala ako e...hehehe
-chua

1:30 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hay naku chua, kasalanan ba namin na natakot kang kumain ng buhangin :). Bale bawi ka na lang sa hundred islands, or else "Eat buhangin tribe" will revoke ur membership. hehehehe :)

1:47 PM  
Blogger binx said...

dream...believe...survive? starstruck ba ito? hahaha =)

1:56 PM  
Blogger aMgiNe said...

wow mukang enjoy na enjoy ka dear. kita ko na mga pics sa wakas. mishu na hope makagala tayo soon. mwah!

2:20 PM  
Blogger risk said...

ganda naman ng mga pics... mukhang ang saya saya ng bakasyon nyo dyan a... medyo malamig pa dito kaya nakakatmad pa maggala e... if you have time, check my latest post about or washington dc adventures... may sched climb na ba kayo ng july? sabit ako pag meron kayo at wala kami ha... hhehehe

6:17 PM  

Post a Comment

<< Home