Tuesday, April 04, 2006

running 1000 miles per hour

kaninang umaga, muntik na naman akong masagasaan. Una dun sa labas ng subdivision namin, ung pangalawa dito sa may Buendia, tapat ng Pacific Star. Hindi naman ako likas na tanga, o dili naman ay likas na "dare devil", ano lang ako kanina... pre-occupied, pedeng sabihing lutang.

Lutang na naman ako. hindi ko alam san nanggagaling yung mga pinag iisip ko. actually, wala nga akong solidong iniisip e. basta alam ko lang tumatakbo ang utak ko ng 1000 miles per hour.

pagdating ko dito sa office, me binigay na link si Tin sa kin ng blog. blog ni Mariel Calalo. Lalo na namang umarangkada ang isip ko, this time, nakikisabay pa ang mga emosyon ko. Dami kong tinatapos na trabaho, pero I took a moment to read through her posts. actually, hindi na nga moment halos 2 oras na akong nagbabasa ng mga posts nya.

At ang utak ko at emosyon ko nagkasundo sa isang bagay, sa isang bagay na natutunan ko sa pagbabasa ng entries nya... it's not about "setting you free" or "moving on" or "letting go"... it's about forgiveness. grabe, nakahome base si Mariel sa kin dun a! I guess it's about forgiving myself for all the things I never said, and forgiving him for not waiting.

Well, lesson learned. but, saying it actually way easier than doing it...

========================

Another thing that's been running on my mind simula kaninang around lunch time is one of my friend's dilemma. Nagpabook kasi sya for a flight to Palawan. At ang kasama nya is yung ex-boyfriend nya. You know what her dilemma is? worried sya na baka daw pagdating nung araw ng trip na un, me BF na sya o GF ung ex-bf nya. hayyy. actually, naiisip ko madali naman solusyunan un in case e. e di isama nila ung mga respective "others" nila di ba? pede namang magpabook ng bago (un nga lang hindi na sya promo). Then, naalala ko ung nabasa ko sa The Alchemist ni Paulo Coelho na ang importante lang naman daw is ung NGAYON, PRESENT, ung NOW. That's what I told her. I dunno if I got through her. hehehe.

Honestly, I am more worried that what if, what if prior to the trip ay dumating na ung "iba" na matagal na nyang hinihingi sa Taas? pano kung because of that trip, maging masyado sya focused dun para hindi nya ma-notice yung bagong dating? un ang nakikita kong mas mahirap solusyunan. hayyy.


========================

Once again tuliro na naman ang utak ko. I've been going out a lot lately. as in A LOT!!! tipong, minsan, pag kainiisip ko wala na akong pera. Pag may nag-aya sama lang ako. Parang MONEY IS NOT AN OBJECT. parang go lang ng go. kahit pa sa impiyerno sasama ako. Daming lakwatsa.

April 8-9 Puerto Galera (with Officemates)
April 29-May 1 Mt. Pulag
May 18-21 Boracay (nakabook na ung barko kaya ok na to)
June 9-19 Palawan (nakabook na yung plane pauwi kaya me utang pa ako kay Abet)
August 25-29 Davao (credit card ko max-out na!)

so far yan palang ung malalayo, pero meron pang mga in-betweens na lakad yan na biglaang pinaplaplano. May mga classes na gustong i-take para lang maging busy... sobrang busy.

Hindi pa kasama dyan ang gabi-gabing pagtambay sa kung saan saan, nakikipag wentuhan at nagsusunog ng baga. Walang sawang puyatan, walang sawang tawanan, walang sawang dramahan...

Actually, Thankful ako kasi currently, I am surrounded with such wonderful friends.

Si Suzzie na officemate lang ni Suzette, pero nandyan palagi para sa mga words of wisdom nyang may whappak sa puso at of course ang endless things she wants to do na nahahawa din ako.

Si Suzette na kumare ko na madalas kong kasama ngayon. walang sawang nakikinig. walang sawang sumama ng sumama.

Si Jeilenn na bibihira ko mang makasama ay madalas pa rin namang call sa lahat ng lakwatsa. And for never failing to make me realize how good of a person I am.

Si Tin Tin mag-away man kami at magkasundo ulit ay nandyan pa din. Ang walang sawang kasama kong kumain sa Cafe Bola ng dahon. ang taong nagbabantay sa kin kumain lang ako.

Si Cherli na sa chat ko lang nakakausap pero kasama ko madalas magplano ng kung ano anong mga dapat gawin.

Si Sheldon na isang aya lang manuod ng sine ay sobrang go na go. ang walang sawang nag-gugood morning sa kin.

sila na mga bagong taong nasa buhay ko ngayon. sila na mga bagong kaibigan. sila na nagpaparealize sa kin na...

OK ako...

Of course, my other friends are still here. Sina Mawi, Grasya, Ira, Tiny, Rachelle, Marie, Quel, Glo, Chame, Richard V., Richard O., Agnes, Abet, sir Ronnie, Aprille... I can go on and on with the list... madami sila. At patuloy na nadadagdagan, tulad ng Pioneer Guys (na nakilala ko sa Puerto) at ang mga Bloggistas.

Salamat sa inyo.

========================

Starbucks... isa pa sa mga nagpapapulubi sa kin. Ok lang, masaya naman ako lalo na pag may yosi, kawentuhang tao o libro.

5 Comments:

Blogger binx said...

I love the way Mariel writes. Para bang na-experience nya na lahat. And I know that you'd be able to relate to some of her work kaya I sent it to you agad, although it wasn't my intention to get you all emotional again. Hehe.

Ingat ingat sa pagtawid pls. Madami pa tayong mga lakad. :)

I hope your friend gets over her dilemma soon. hope she overcomes her anxiety and fear that things may not turn out too well. good luck to her na lang. pagdasal mo. :)

forgetting and forgiving will be a whole lot easier because you have us, although, i must admit that i can't always be physically present for you all the time. alam mo naman ang lola mo, may pagkakuripot at may pagkatamad. hehe. but u know naman na i will always be a text away. :)

looking forward to our trips. matutuloy lahat yan. ;)

o ayan, may kwenta na ba ang comment ko? hehe :)

10:51 PM  
Anonymous Anonymous said...

buti naman po at your moving on na, basta always remember andito lng kmi for you, you deserve somebody better! mwah!
-chua

10:07 AM  
Blogger risk said...

dahan dahan lang po sa pagtawid... tingin sa kaliwa't kanan baka may parating na sasakyan... paminsan minsan ay tingin na rin sa taas at baka may pabagsak na eroplano, este debris pala, heheheh....

kainggit naman kayo, dami nyong gala ngayon... kailan ko kya mapupuntahan ang boracay, palawan at davao-CDO-camiguin area.... good luck and enjoy na lang sa mga trips nyo...

11:22 AM  
Blogger Unknown said...

nabundol na ako ng kotse at tumilapon sa island (hway). buti nlanag doc yung driver at dinala kaagad ako sa UDMC. sa awa ng Diyos oks naman ako... himala!

9:18 AM  
Blogger vinz said...

May 18 to 21 in boracay... hmm i might see you there.. =)

1:56 PM  

Post a Comment

<< Home