Monday, September 04, 2006

patintero

Iniisip ko kung iba-blog ko to pero... sige na nga.

Nasa Davao pa lang ako nakaset na ung lakad namin kahapon. Although, up to the last minute sobrang nag-dadalawang isip ako. Hindi kasi ako nakikipagmeet sa mga taong nakikilala ko lang sa internet, unless babae. Madami-dami na din akong blogger friends pero iilan lang nameet ko sa personal. Sina Theyie, Ishie, Cher, Erlyn at Tin lang. Tpos grupo pa.

Hindi din ako nakikipagtextmate sa hindi ko kilala. Madalas ung mga nakakatextmate ko ung mga taong nameet ko na and we just decided to keep in touch.

Kaya kahapon, first time, nakipagkita ako sa lalaking nakilala ko lang sa internet. Nagkausap na din kami ng ilang beses sa phone, sa chat at sa text pero basically hindi ko pa din sya kilala. He knows me kasi I post pics here sa blog, sya din nakita ko na sya sa pic sa blog nya.

Inaya na nya akong makipagkita before, magbadminton with Theyie, kaso malayo kaya hindi natuloy. Tpos, nakakatawa pa, pagbalik ko dito sa Manila, tinanong nya ako kung pede daw ba akong magtagal pagnagkita kami. Inaya nya akong umattend ng Church service sa Fort. Pumayag ako at nakampante ako sa kanya. Inaaya pa nga namin si Tin at Theyie para hindi daw ako matakot, pero unfortunately (o fortunately?) busy sila.

Nagkita kami sa KFC Mrt, nakakatawa, kasi nakilala ko sya kasi pinagtatawanan nya ako. praning no!? After nun pumunta na kami sa Fort. Ayos naman, nakita ko pa nga dati kong officemate. Tpos, nagdinner sa Kenny Rogers sa Market Market. Wentuhan. Nung tapos na kaming kumain nakaalala kaming magpicture-ran. hahaha.

Patintero.


Puro ganyan ung mga pics namin. Nagkukuhanan kami ng picture. hahaha.

Nagulat ako sa turn-out nung kita namin. Kasi, comfortable naman kami sa isa't isa. Parang 2 taon na kaming magkakilala. Ika nga nya, HINDI SABLAY =D

hmmm... so matapang na ba akong makipagkita sa stranger???? not sure pa din...

12 Comments:

Blogger Iskoo said...

This comment has been removed by a blog administrator.

10:28 AM  
Blogger Yoyce said...

yeah! sinabi mo!

wish ko lang nag enjoy din sya kasi nag enjoy naman ako...

hehehe...

10:42 AM  
Blogger grays said...

hey! ako rin di pa tayo nagkikita. so kelan tayo magpapatintero? or matagal na ba tayong nagpapatintero kasi di pa tayo matuloy tuloy?

:)okay lang yan. basta make sure na mabait lang yung tao. base sa kwento mo, mukhang mabait naman sya. so one friend gained.

my share of EB, hahaha, meron din akong friend na sa text ko lang nakilala. at nag meet kami after 4years na nagkakausap sa text lang, sa chat sa friendster... okay din naman sya. in our case din, we feel as if we've know each other for years. si kuya mike. pero ngayon, wala na kaming communication. nasa saudi na kasi sya.

12:40 PM  
Anonymous Anonymous said...

ang saya naman, mukhang click kayo ha! click ng click ng camera na parang nag papatintero! hehehe.

1:03 PM  
Blogger binx said...

uhmmmm.... ano kaya ang pwede kong icomment dito? hehe. ;p

1:17 PM  
Blogger Unknown said...

lakas ng loob mo makipagkita! hehe. at least di sablay, hehehe.

11:32 AM  
Blogger Yoyce said...

oie cruise, buhay ka pa pala? :D hehehe...

ikaw? kelan ka makikipag meet? :D

11:35 AM  
Blogger Iskoo said...

sino naman susunod mong i meet? na sa tingin mo di sablay? :)

12:15 PM  
Blogger pauL said...

hi! bloghoppin' from cruise blog...

dont worry mabait yan... hidni yan nangangagat.. *lol

God bless sa lakad nyo next week!

6:19 PM  
Anonymous Anonymous said...

:) ooooooy anung bago sayo?????????????????????????????????????????????????

:)

10:13 AM  
Blogger Iskoo said...

mag update ka na due to insisting public demand

12:15 PM  
Blogger Unknown said...

saan ba next na lakad, sama kami!

12:16 PM  

Post a Comment

<< Home