Monday, October 10, 2005

mahaba-habang usapan

grabe, oonga ang tagal kong alang post dito sa blog ko. hehehe. last week pa naman is so eventful. madaming na-stuck na wento. so, be warned! long post po talaga to!

First of my topics is my first visit to Capones and Camara Islands last October 1-2, 2005. At last, narating ko din ang Capones sa Zambales, buti na lang at ung examinations ng trainees namin sa OCMI dun ginawa! I was really excited.

Leo, Vidal, Ava, Ning, Nowell, Jing, Suzie and I met up sa Victory Liner Terminal sa Pasay at around 4:30am, then, sumakay kami ng bus papuntang Iba, Zambales. I slept the whole trip, kasi ndi ako nakatulog ng ayos sa pagkaexcited! hehehe. Sa San Antonio kami bumaba then sakay tricycle to Nora's Beach Resort at Brgy. Pundaquit. Sa resort pa lang tanaw na ung Capones at Camara Islands. Dun daw sa Camara Islands (ung me sand bar) nagshoot ng MTV for Get Me ng MYMP. Boat ride kami papuntang Capones Island. Grabe talaga as in wow!
Pag dating namin, gusto na namin agad mag-swim ni Vidal, but we have to get hold of ourselves, hehehe, so sabi ko mag-lunch na muna kami. so, tambay kami dun sa me malaking bato para malilim. At ng masayaran na ng pagkain ang lalamunan, nag-swim na kmi, habang iniintay ang pagdating ng mga trainees at nina Glenn, Abet at Manny.

Nakahiram ako ng pangsnorkel kay Leo, nag enjoy ako kasi ang daming fish, iba iba ung kulay. me stripes, me yellow, me batik. Then, finally, dumating na ang mga trainees at sina Panget. hehehe, nakakatawa, kasi praning ung mga trainees, pinatapon kasi sa knila ni Big Leo ung mga backpacks nila sa tubig. oh well, exam un e. hehehe.

Tambay-tambay na muna kami sa may ilalim ng bato, kumain na ako ng sausage mcmuffin with egg (inorder ko kay panget, nung tumambay sila sa mcdo sa olongapo). Wentuhan, tawanan, asaran, kantyawan. At nang medyo ok ok na ung mga trainees, sabak na sila ulit sa mga pagsubok, etong camp manager namin na si Richard naghanap na sila ng pag-camp-an (which kinagulat ko hehehe kasi honestly for me, the best na ung kinalulugaran namin! hahaha). Pagbalik nila, start na ulit ang mga exams, habang nakahiga ako sa tyan ni panget at nanggugulo sa mga trainees. Ang bangis ni Dang at ni Ten, ang galing sa ropemanship!!!

After ng practical exam sa ropemanship, nagstart na kaming magmove papunta sa kabilang island kung saan nakita ni Richard ung "ideal" camp. Nagbigay ng si Big Leo ng one-hour break para ma-enjoy naman ng mga trainees ang beach. But, they opted to spend the one-hour break studying or discussing the presentation of their batch jingle. Oh well, mga seryoso sila talaga. Basta kami, we grabbed the opportunity to swim. Kalungkot lng kasi dalawa lang ung fish na nakita namin sa side na to ng island, malakas ang alon at sobrang mabato, pero... that didn't stop us to enjoy ourselves! Nung mag-alisan na sina Jing, at naiwanan kami ni Panget, nag try kaming magbuild ng sand castle, na nauwi lng sa fort, kasi inaabot ng alon. Hindi namin kita ung sunset from this side of the island, pero I have a very nice pic of the dusk sky. kaso, sa katamaran kong tumayo kahit nakaharang si Big Leo kinuhanan ko pa rin, aba, look at it, artistic pa din naman di ba?

Nagdinner na kami, then nagpresent ang Batch 10 ng kanilang jingle. After that, nag "exam" sila ng How OCMI are you? Malupit ang mga tanong, ultimo kami hindi namin alam ang mga sagot. bwahaha! Pero I guess, they enjoyed the consequences naman!

The next day was scheduled for their written exam, I tried taking the exam, 3 mistakes lng! hehehe, ang dali lang actually ng exam e. hehehe yabo ano? wala lng, naaliw lng ako na kilala ko ang lahat ng trainees (maliban kay kuya ipe!) samantalang sila sila ndi nila alam ung mga buong pangalan nila. After their written exams, nagprepare na ng breakfast at nagbreak camp na. Lilipat kasi kami ulit dun sa bato at maraming fish, malapit kasi dun ung pag-rappell-an nila. Paglipat dun, habang nag laland-nav ung mga trainees, nagse-setup sina jing at leo ng para sa rappelling, nagswiswim ako, si panget, si suzie at manny, dami talagang fish!

Nagpicture picture din kami. Share ko lang ung pic namin ni panget, ndi ko na lalagyan ng disclaimer, kabisado nyo na ung disclaimer na un e.

Ang cute ko dito sa picture na to. hehehe, kaya proud lng akong ipost, masama ba? hahaha.

Nakigulo ako sa mga trainees habang nag rappelling sila, ala lng, parang ang saya kasi. over-hang na bato ung pag-rappell-an. Ang tagal kong naghintay sa taas, pinauna ko na ung trainees, pero sa tutoo lang ninenerbyos ako especially nung tumiwarik si dang at si cloyd. at makita ko ung mga sugat ni marlo.

Si Ava na ung nagtetake ng pictures ng mga trainees, at tama bang takutin akong kelangan kong ulitin dahil nag-battery empty ung camera ko? hahaha, naisip ko nga, mauulit ko kaya un? hehehe. Look at me, ang macho macho ko! tama ba naman kasing magrappell ng naka-pangswim at nakapaa. hehehe. Si Ten ang nag-belay sa kin. Sumadsad lang ung tuhod ko, kasi ang hirap nung rock off e.

After this, nagligpit na kmi ng gamit, at umalis, may 2 bangkang maswerteng nakabisita sa Camara Islands, ako, si panget, si ning, si nowell, ava, vidal, jing at suzie. Sandali lng kami nagstay dito, nagpicture-ran lang, dahil kumuntak na si Big Leo na may additional daw na bayad kung dadaan pa sila sa Camara Island.

Pag balik namin sa resort, nag late lunch na kami, sinigang na lapu-lapu, at inihaw na liempo. sarap! Pabalik ng Manila, natulog na kmi ni panget sa bus, nakakapagod pero masaya. I've never been this at peace for a long time. :)

Second and last topic is my birthday week! Last October 6, Thursday, nagcelebrate na kami ng bday ko dito sa office. Hindi ko ubos akalaing tutuparin ni Ira ung gusto kong hotdog na me marshmallow na nakatusok sa repolyo! Labor of love nga daw un nila ni joy, kasi nung umaga they have been preparing that. tapos, meron akong cake.


Yan ang aking handa dito sa office. And that is my cake!

My Friends. Rache, Joy, Aprille, Zalds, Tiny, Ira, Grace and Mawi


Regalo nila sa kin is black starbucks tumbler! hehehe ganda!

October 8, birthday ko tlaga, me deliberation kami nun. Bday din ni Doriedel, sa bahay namin nila cinelebrate ung bday namin. Kahit nastress ako sa deliberation masaya pa rin naman. Suzie gave me a bouquet of flowers, Master gave me dreamcatcher necklace. Daming food! :) at me cake ulit!




Then, October 9, Sunday, Family day, sa house bili lang ng food at nagsalo salo kaming mag-iina. :)
That's my birthday week. grabe, at me ginawa din akong bagay for the first time. :) hehehe

5 Comments:

Blogger binx said...

uhmmm, pakisingit nmn ng picture ko sa may mga bato. hehe.

patay pa la ko dyan, di ko rin alam buong pangalan nila. glad u had fun. :)

2:29 PM  
Anonymous Anonymous said...

belated happy birthday ulet!
sayang... di ko natikman yun cake =P

2:46 PM  
Anonymous Anonymous said...

ganda ng pictures natin!

3:44 PM  
Blogger dannie said...

ako'y nagagalak (at naiinggit) dahil mukhang napakasaya ng iyong kaarawan!

6:17 PM  
Blogger Unknown said...

aba happy birthday!

di pa ako nakarating dyan sa capones, ang ganda sa picture at nag rapelling pa kayo! once ko pa lang nagawa yan at sa flat wall lang.

9:33 PM  

Post a Comment

<< Home