Friday, September 16, 2005

coward

Last night was horrible. It's partly my fault pero grabe ung malas ko kagabi, talagang they come in threes:
  1. got stranded sa SLEX for more than an hour. - at around 1:30am, pauwi na ako buhat sa panunuod ng Brothers Grimm (nagpatila kasi ako ng ulan). ayun, trapik sa SLEX, wala pang Bicutan ndi na naandar, baha na ang SLEX, me mga tumirik ng mga sasakyan. at ayos na sana kung makakatulog ako ng maayos e, lintik ung katabi ko, tsk tsk ng tsk tsk as if naman me magagawa un at mapapalipad nya ung bus. So, nagcheck na lng ako ng cellphone.
  2. baha sa bahay namin, hanggang beywang sa loob ng bahay, hanggang dibdib sa kalsada - yan ang text ng mommy ko. oh men, naisip ko ang mga W.I.T.C.H. magazine na collection, ung mga Charmed pocketbooks collection ko, ung mga COSMOPOLITAN at FHM magazines, alam ko meron pang mga ilang photoalbums dun ng mga pictures nung ala pa akong camera. Teka, ang canon s1 is ko asan ko ba iniwan? ndi na ako mapakali, text-text kmi ng nanay ko at ni rachelle, ng...
  3. Message Sending Failed - oh men!!! ngayon pa naputol ang linya ko! bullshit!
Hindi ko alam anong dadatnan ko sa lugar namin. Hindi ko makontak ang nanay ko. Tuliro ako. Pagdating sa street namin, wala nang tricycle na makapasok, lumusong ako sa baha. hanggang beywang ko na lng ang tubig sa kalsada. Nakakatakot, pero buti na lng nagkailaw na kahit pano me ilaw sa mga poste. Ayoko nang mag isip, alam ko na kung ano na naman ang dadatnan ko sa loob.

Pagpasok ko ng bahay eto ang tumambad sa aking paningin:


yan ang aming sala, nakalutang na ang mga sofa set namin. In fairness nakasubside na ang tubig ng lagay na yan. at napadako ang aking mga mata sa king CHARMED COLLECTION:
PAKSHET! ang collection ko!!! ang album at mga magazines!!! potahshet, bakit kasi ndi mga nagwater safety tong mga to e! punyeta talaga. ndi ko na alam talaga. I wanna give myself a kick in the ass!!! kung nung umuwi na si Manny, umuwi na ako ndi sana inabot eto ng mga libro ko. kaso, mas ninais kong manuod ng Brothers Grimm sa G4! pero maganda ung movie ha. pero ewan ko. ndi ko na alam.

at ang kusina namin, since elevated sya kesa sa sala, dun itinambak ang TV, computer. pero ang Ref namin at washing machine, inabot ng tubig. hayyy lahat ng outlet nakalubog. bukod sa ilaw wala nang ibang de kuryente sa bahay.



E bkit ako nandito ngayon sa opisina at nagpopost?!?!?!

Ndi na dapat ako papasok kaso, nagsisimula na ang nanay kong manermon, at magalit sa mga nasayang na pera sa mga nasirang libro ko. Naiintindihan ko naman ang point nya, pero natutuliro na ako talaga.

I left the house. Too coward to face my lost treasures. Too coward to face the anger of my mom. Too coward to deal with the fact: Nothing is really permanent in this world. Mapa-tao, mapa-ariarian you have to learn to let go.

4 Comments:

Blogger binx said...

Your last paragraph? So true. Letting go is difficult.

And in my case, I don't know why it feels like I'm having my heart broken for the first time.

1:21 PM  
Anonymous Anonymous said...

the only thing that is constant is change... haaaaaay.

10:44 AM  
Blogger dannie said...

kaloka naman pala ang baha sa inyo!

3:43 PM  
Blogger Glo said...

Hugs! I feel for you. Soon I will be moving back to Pinas for good. Soon I will have to let go of most of my stuff. Some of them are hand me downs others are investment. Yung sentimental value di ko mapakawalan. They could be ordinary things to others but to me, they are my treasure. But I have to let go in order for me to move on to the next thing in life. I hope you were able to salvage back some of your treasures!

4:50 AM  

Post a Comment

<< Home