mahapding balikat
last weekend we had the last training climb for this training session for this year. ang kulit. ang haba ng intro. anyway, we had climb sa Gulugod Baboy. If you can still remember yung mga previous posts (titled: Hagupit ng Gulugod-Baboy at Contrary to my Previous Post) that was yung nag-recon kami, last saturday yung climb na talaga.
Kita kita kami sa may Buendia nung umaga, then instead na ung usual na bus papuntang Batangas ang sinakayan namin, ang sinakyan namin is van (napadouble take pa nga ako kasi akala ko un ung van namin e.) Sa byahe papuntang Batangas nabinyagan si Jun (OCMI X Applicant) ng IPE (minsan Philip) pano kasi hawig nya si Philip Salvador. Ayos naman kasi sumasakay sya. =) kulitan, kwentuhan kami sa van. hanggang makarating sa Batangas City kung san kami nagtransfer ng jeep to go to Anilao. Sa pier sa Anilao, sinundo namin sina Kula'z at Marlo. Bumili ng mga last minute na dapat bilihin, then off we go.
Bumaba kami dun sa may jump off point sa Brgy. Solo. Aba ang EL (expedition leader) Abet namin, seryoso sa timbangan nya! True to his agenda sa IT, he weighed each one of the applicants and their backpacks, kelangan 1/3 of your weight! Bangis! lahat naman sila nakasunod. :) sekret lang to ha, 10kilos lng yung bitbit ko. gaan talaga ;-) natakot ako e. buti na lang member na ako :) Hindi na ako gaanong nahirapan sa sementadong daan, parang normal na mahirap na lang. Ika nga ni Leo "Hindi tumitigil na consistent ung pacing" ang kaso lang, mabagal lang ako. So far, ayos naman. tapos, umakyat na kami. may tinuro si abet na 2 spiders na kakaiba, I tried taking their pics kaso hirap. Basically, ok naman hindi naman mahirap. Ang tingin ko lng naging problema na is yung pagdating sa taas na rolling na. Ang tindi ng araw, walang hanging, mainit, kakaubos ng lakas. Tapos, nagsimula ung mga pahinga pahinga, ayun, hirap na ako ulit nung malapit na. tapos, sabi ni Leo, tambay muna kami dun sa ilalim ng isang puno na pinagpahingan, malapit na yun sa summit so ok lang. Dun muna kami ni Kula'z at Leo, palipas ng oras, at wentuhan.
Pagdating sa campsite, nag-asikaso at nagluto na. Nung una ndi na dapat magpupunta ng sumbrero island (masama na ang mukha ko nun) pero ginawan na lng ng paraan ni abet, kaya inannounce na nya ung dagdag na bayad. Tapos, nilabas na namin yung mga dala naming stuff animals, nagkakila-kilala na sina Ruperto Espanggol Y Capacete (ung big dog), Jolly Ellie Kelly Preston Lumpy Heffalump III (ung purple elephant), Panget (ung Rottweiler), Tigger, Rabbit, BlueBear-ni-Leo-na-bigay-ni-Jeilenn, Fish I (ung yellow fish), at Fish II (ung pink fish).
Of course, tinupad namin ni Tin ung mga plano namin. Magpicture-ran sa summit. Kaya lang, sad kasi hindi nakasama si Rachel, ndi sya makahinga, ang natuloy lang is ako, si Dang at si Tin plus the whole herd of animals.
Summit Scenes. Yan kaming tatlo: ako, si Tin at si Dang.
sa katirikan ng araw. naka-tripod.
sa katirikan ng araw. naka-tripod.
Lunch lang kami sa campsite, at nagmamadali na kaming bumaba hinahabol ang accessibility ng Sumbrero Island.
Ratrat ako baba ng Gulugod. Sarap talaga ng feeling ng niraratrat ang gulugod pagkapababa. ewan ko siguro dahil un lang ung time at mountain na kaya kong ratratin. :) ... NG NAKAPALDA! yup proud ako kasi nakapalda akong bumaba, nagawa ko na din sya sa wakas! of course me cycling ako sa loob. Actually, kahapon, ang bilis kong bumaba, sabi nila Cloyd pinagtsitsimisan na daw nila ako kung gumulong daw ba ako pababa dahil ang bilis ko nawala. Ikaw ba naman nasa utak mo pag ndi ka nagmadali ndi ka makakapunta sa Sumbrero Island, magmamadali ka din. hehehe. kaso nga lang, hinarang ako ng aso, ayun, hinintay ko na sila. ndi na ako ang nauna, takot ko lang sa aso. hehehe.
Then, punta kmi sa pier para mamalengke ng baon papuntang Sumbrero Island. Tapos, nagbangka kami papunta dun. Ang sarap! Wentuhan kami ni Dang tungkol sa buhay-buhay naming dalawa, habang, si Cloyd, si Rachel at Tin nagbobonding na nagtatanggal ng damo sa pants ni Tin.
Sa Sumbrero Island.
Side wento lang, grabe dito sa Sumbrero Island, mala-Arayat ang singilan. tipong mapapasigaw ka ng "That's too much!". Nakikita nyo ba ung mga so-called cottages? 3 lang yan, pero ang halaga ng rent dyan is 500 pesos ang isa! malupet ano? tapos nung umulan nung umaga, butas ang bubong! di dyan nagtatapos yan, iba pa ang singil sa per head na 100 pesos (ok lng un, napaghandaan un e!) PLUS!!! 300 pesos daw ang bayad PER TENT na itatayo namin!!! DIOSMIOSANTABARBARIDA!!! napasabi nga si Leo na sana naghotel na lang daw kami. Medyo rude ding makipag usap ung katiwala na pangalan is Joseph minsan pede ding Jessie (bongga ang daming nickname!). Dahil dayo at mga may mga pinag aralan ang mga kasama kong mga barako, kinausap na lang nila ng "medyo mahinahon". Pinilit nilang mag-meet halfway. Nagnegotiate sila na kung pedeng wag na magbayad ng per tent. Tapos, ewan ko, in the end, mukhang nag init na din ang ulo ni Kuya Ipe, kinausap na nya ng mahinahon si Joseph, inilayo sa karamihan para makumbinsi. at ayun, buti na lng! :)
O balik sa original na wento, pagdating sa Sumbrero Island, gawa na, prepare na ng food, we had pasta, cake, chicken, hinihaw na isda for dinner!!! yummy! galing ni Glenn N. magluto! I discovered na pagmadaming madaming bawang kang hinihiwa after the third clove parang sinusunog na ung daliri mo. ang hapdi hapdi na ang init init. Anyway, nagkakantahan na din ung iba habang naggigitara si Abet.
After dinner, binigyan kami ng mga party hats, pati sina Panget naka party hats then, nagpalaro si Ningning. kakaiba ung laro namin, parang pinagod nya lang kami at pinagod nya lang kami sa kakasawayaw ng macarena, otso-otso, at spaghetti. Pero malamang naserve ung purpose nya, dahil napasaya nya kami. :) Nagblow ng candles si Rachel sa cake nyang black forest na courtesy ni EL. yummy sya pero mas yummy kung red ribbon hehehe. =D EL sa birthday ko din ha! :)
Nag socials lang sandali, unting interview kay Kuya Ipe dahil ndi pa sya naha-Hot Seat (wala kasi sya sa Tarak). At yun na, inuman na. hmmm... ndi ako uminom pero medyo ndi ko matandaan ano ang tutoong pagksunod sunod nyan basta ang alam ko lahat yan nangyari. :)
anyway, natulog ako ng mga 12midnight, sakit kasi ulo ko. natulog ako sa hamok ni Leo. First time kong matulog sa hamok a. I woke up at around 3am. at ang mga tao lasing na at ang gitara ni Abet, warak (kung pano nawarak, un ay may koneksyon sa pagkahulog nya o ng gitara, ndi ko sasabihin hehehe!). anyhow, i resumed sleep after I sent Kula'z to his tent to sleep. sa hamok pa rin ni Leo katabi si panget, habang natutulog si Leo kasama ang iba sa sand. hehehe.
The next day, umulan, pero ang ganda ng sun rise (opo, sunrise ung pic na yan!). Hindi kami nakaligo agad nagbreak camp kami agad para wag maabutan ni Joseph. nagkapaglangoy langoy kaming girls for about 15 mins. bitin!
Hinatid kmi ulit ng bangka papunta sa ibang resort, Nita Casapao Beach Resort ung name, dito kami nakapag enjoy ng todo todo habang nakalubog sa dagat. hehehe.
Sa dami nang climb na nasamahan ko eto lang yata ang nakauwi ako ng bahay nang maliwanag pa. More picture to post pagnakakuha na ako pics kay Ningning at kay Leo.
yeah, namiss ko ung original na panget kasi walang may burn ointment, meron sya nun no! :( anyway, I still enjoyed the climb because of Tin, Rachel and Dang (sige na nga, with the rest of the guys too).
BAKIT MAHAPDING BALIKAT???
hehehe, tinatanong pa ba un? syempre dahil sa sun burn! :)

2 Comments:
ang cute nating lahat!!!
si rupert tsaka sa jolly eh tulog pa rin hanggang ngayon. sobrang pagod eh. hahaha..
masaya naman diba? =)
first time kong pumunta sa gulugod, nagandahan ako sa bundok na yun.
sayang di kami pumunta sa sobrero island, yun ang na miss ko.. huhu
@TIN, bakit kaya kapag nagpunta ako sa site mo may nag po-pop-up na virus alert sa pc ko?
Post a Comment
<< Home