Wednesday, August 10, 2005

what ifs

five years ago, year 2000. mga gantong panahon un, wala akong trabaho, kakaretrench ko lang from my first IT job. I was depressed, but not to the point of breaking down, someone's holding me and keeping me from falling apart. Ndi ko naramdamang wala akong trabaho dahil lagi akong may pera. Sa tuwing magkikita kami aabutan nya ako ng allowance sabi nga nya "para pag gusto kitang makasama may pamasahe ka papunta sa kin." Ndi ko din naging problema ang pang load sa cellphone, isang text lang papadalhan na nya ako ng load, "para makakatawag ka sa kin kung kailangan."

Magkita kita man kami ng mga kaibigan ko from college, ndi pa rin nawawala ang presence nya. Kunting ibot lang nakatext ako sa kanya para sabihing nag eenjoy ako, pagnag simulang dumilim nakatext sya sa kin nagtatanong kung ndi pa ako uuwi, at nang may 30 mins akong hindi nagtetext dahil nabyahe ako, tumatawag na sya, nag-aalala.

Madalas din nuon, sinasabi nyang "what will i do without you."

Madalas din nuon, sasabihin nyang, "ang dami na nating pinagsamahan, pakasal na kaya tayo." Dumating din ung panahon na sinabi nyang "hindi matutuloy ang kasal ko kung wala ka, dahil ikaw ang bride."

May isang pagkakataon pang nag-leave sya sa work, magkasama lang kami, magkita lang kami. Dati, sasabihin nyang "i love you" ng paulit ulit ulit hanggang di ako sumasagot ng "i love you too." kahit mukha akong tanga sa pagkakangiti ko sa jeep. Hahawakan pa nya ang aking kamay at sasabihin nyang "pahawak nga ako sa girlfriend ko." Aakbayan nya ako at tutuksuhing, "ang ganda talaga ng girlfriend ko", magagalit pa ako nuon at sasagot sa kanya ng "walanghiya ka, may girlfriend ka na pala, bestfriend mo ako pero hindi mo sinasabi." sabay ngingiti sya at sasabihing "di ba ikaw ang girlfriend ko pagkasama kita?"

Limang taon na ang nakalipas, hanggang ngayon bestfriend ko pa rin sya. Pinanindigan ata ng mokong ang pagiging magkaibigan namin.

Minsan tuloy hindi ko maalis maisip,

what if umoo ako nung ayain nya akong pakasal?
what if tuwing sasabihin nyang girlfriend nya ako pinapatulan ko?
what if natuloy kami nuong lumipat sa Pampanga?
what if...

ang daming what if... nakakalungkot isipin... na sa dami ng kinalokohan kong lalaki na lagi kong pinapairal ang puso ko ay bukod tanging sa kanya lang ako hindi umamin agad agad. Bakit kasi sa kanya lang ako nag isip bago nakaramdam?

san kaya aabot ang aking pag sisisi. Mahal ko sya, at alam ko minahal nya ako nuon... ngayon? ndi ko na alam kung mahal pa nya ako. Pero siguro okay na rin un... sabi nga may dahilan lahat.

Maybe just maybe... In God's time...

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

kulang pa ba ang kapeng pinagsaluhan natin? ;)

ikaw ha, nagsisimula ka na naman. mapapagaya ako niyan e, hehe.

no further comments your honor.

2:51 PM  
Blogger binx said...

hayayayayayay...

ala akong masabi kundi... hayayayayay...

pero swerte ka pa din.
dahil bihira lang ang makakita ng taong ganyan.

na magpapapahalaga sa yo, na daig pa ang pagaalaga ng isang tunay na boyfriend...

hayayayayay....

3:07 PM  
Blogger dannie said...

My only wish is for him to come to his senses and love you the same way as you love him
OR
for you to find the man who is way more deserving of your love than your so-called bestfriend.

Any volunteer matchmakers/ volunteer dates for my friend?!??!

4:48 PM  

Post a Comment

<< Home