Wednesday, July 27, 2005

Putikan sa Tarak


last weekend, we had a training climb sa Mt. Tarak sa Mariveles, Bataan. It was fun na mahirap :D ang kauna-unahang Training Climb ng OCMI X para sa taon na to.

kasama ko na si Tin sa climb, first time :) proud ako sa kanya kasi malakas sya for someone na first time umakyat at for someone wearing badminton shoes, magaling sya :)

Basically, hindi nasunod ung iprinapare na itinerary. Sumakay kami ng Balanga na bus imbes na Mariveles. Bumaba sa Balanga Terminal para lumipat ng bus na maghahatid sa Brgy. Alasasin. Sa may Baranggay Hall nagparegister at nagrepack. Nagdistribute ng mga load, nag-CR (sa mga nakasikmura ng amoy) at nagpicture-taking.

Nagstart na ang trek. Naglakad muna kami sa kahabaan ng mabatong daanan. At sa may tanggapan ng DENR kung san nagparegister ang grupo, nagsimula na ang tutoong trek. Una puro patag lang hanggang maging unti unti nang mabato na pataas. Matitibay ang mga trainees, dahil ang dalang ng mga rest stops pero go pa rin sila. Nagregroup muna sa may clearing bago ung isang assault paakyat sa isa pang clearing. At nagregroup ulit sa me pag-ahon dun sa matarik na lugar. Buhat dito tanaw na ang Corregidor Island. Sa bawat pagregroup syempre ndi maiiwasang magwentuhan at magpahinga. Makalipas ang clearing na ito, unti unti nang nakakasalubong ng grupo ang mga falls, batis at water sources. Mapuno at malilim na din ang trek. Habang naglalakad, nakikinig ako ng mp3. iniisip ko din si Professor Snape, iniisip ko pano na sya ngayon, sino nang magtatanggol at magtitiwala sa knya ngayon pinatay na nya si Dumbledore? Tinutugtog din nun ung Ever the Same ni Rob Thomas ng... plakda ang lola nyo! nadulas ako sa bato. hayy kung kelan patag. ayan, meron akong malaking pasa sa aking left butt cheek. naloka talaga ako. katangahan ko talaga.

At finally, nasa may paanan na ang grupo ng trail paakyat ng summit. Nagdesisyon na si EL Suzette maglunch, ng nagsimula nang bumuhos ang ulan, malakas na ulan. Bumigay na din si EL at pumayag nang dun na magcamp sa Tarak Ridge-Papaya River Junction.

Nanadya ba ang panahon? Pagkatapos naming kumain at makapagtayo ng mga tents, tumigil ang ulan. Nagsimula na ang HAPPY HOUR sa may Falls!!! ang ganda ganda sa falls. Medyo malakas nga lng ang agos ng tubig. umulan kasi. pero yung mga gantong tanawin ang mga bagay na ndi mo makikita sa Maynila. nag enjoy kami sa paglalaro dun sa falls at sa picture-taking. yan ung isang kuha ko ng falls. ung mga pictures habang naglalangoy kami sa falls wala pa. May mga pictures pa kmi ni Manny na pang-FHM sa ilalim ng falls. hehehe.

Ang mga trainees nagprepare na ng dinner (sinalaulang pasta as per Glenn Nieva, at Port Tonkatsu). Habang kami ay natulog dahil napagod sa pagtatampisaw sa falls. Matagal tagal din ang tulog ko.

Nagsocials na after dinner, walang inuman. Kasi iisang bote lng ang dala ni Marlo (isa sa trainees) at yung iba sa knila ay nahiyang magdala dahil training nga naman. Pero ayos na ding walang inuman, masaya ung socials. getting-to-know session with the applicants. nakakaloka kasi bawat sabihin nila sumisigaw ako ng "sinungaling, kumain ka ng tonkatsu" hehehe.

Maaga din kming pinatulog ni EL kasi maaga pang mag aassault ang mga trainees. So pasok na kmi sa aming mga kanya-kanyang tent. kaaliw ung tent namin, kasi tabi-tabi puro bobcat na dome. naglolokohan ngang "the bobcat village" daw.

Umaga, the next day, sina Leo at Jeilenn nauna na silang bumaba. Niloloko ko pa nga silang sasabay na kming bumaba ni panget. Habang nag assault na ang mga trainees, natulog pa kami ni panget sa tent. Nang maramdaman naming me mga nagpreprepare na ng breakfast tumulong na kmi kina EL, Ava, at Vidal. Sarap ng breakfast!!! hotdog, fried rice at tirang tonkatsu. Ang bait nga ni Ava, kasi pinaggawa nya pa ako ng sunny side up na itlog just like i've dreamt nung gabi. hehehe.

Umulan ng malakas habang nagliligpit at naghahanda na kming bumaba. Ngunit dahil sa wish ni Vidal tumila naman ang ulan at nagkapagsimula na ulit ng trek pababa. Nung unang parte ng trail, naloka ako, kasi I don't remember that the trail is that hard. Narealize ko na parang puro pataas na ung trail. Pero nung makalagpas na kmi dun sa me clearing kung san kita ang corregidor ayun, madulas at sobrang maputik na.

Nagstop over kami dun para sa picture taking. ang kulit nga kasi nakapajama lng akong bumaba. nabasa na ksi ung dapat pangbaba ko.

DISCLAIMER: Ndi ko po syota o boyfriend ung kasama ko sa pic. Ndi din po ako nagpi-feeling syota nya o girlfriend for that matter. Maganda lang po talaga ung view dyan.

Tuloy tuloy lng ang pagbaba namin sa putikan, ok naman at ndi ako nadulas :) kaya lng ang trademark ko talaga, kung kelan patag at malapit na saka nadudulas. nawalan na naman ako ng balanse at nadulas na naman ako. bumibigay na ksi ung left knee ko kaya wala nang balance. tpos, pinipilit ko pa ring magdiredirecho. tapos, me nakakaibang nangyari, me nakita akong puting kuting! walang dumi ung kuting samantalang maputik. pagtingin ko ulit wala na. ewan ko kung sobrang pagod na lng ba un e. anyway, ndi ko na sya pinag isipan, nakiraan na lng kami. :)

Nagpahinga na lang kami sa may DENR office, uminom ng buko juice at nang maregroup na ulit, umuna na ulit ang iba sa may mga tindahang malapit sa baranggay hall kung san kami nagwash up. late na din ung lunch namin, pero ang dami kong nakain sobra! hehehe.

Then, uwian na... pero one last KAPAMILYA OCMI pic muna...

BAKIT NGAYON MO LANG ITO IPINOST?

hehehe busy ako kahapon paggawa ng climb report e. :)


KUMUSTA NAMAN ANG PAJAMA MO?

ayun, ang pajama ko ndi ko na maibalik sa dating kulay. hahaha.

3 Comments:

Blogger binx said...

nagpapasalamat ako at nakakapagcomment ako sa blog mo ngayon. ibig sabihin, binuhay ako ni Lord. :)

sa totoo lang, hindi ako nakatulog kagabi dahil iniisip ko kung pano ako bababa. alam mo naman tong pasaway na to, nakabadminton shoes. :)

pero enjoy naman ako, sa uulitin. kelangan lang sanayin ang nanay ko sa pagakyat ko.

o sya sya. talagang naka-emphasize ang disclaimer! hahaha... sa uulitin!

4:53 PM  
Blogger dannie said...

i like the disclaimer part! ;)

5:45 PM  
Anonymous Anonymous said...

we've got something in common pala.. nadudulas kung kelan patag na. hehehe =)

6:36 PM  

Post a Comment

<< Home