Wednesday, July 06, 2005

Repost from Friendster

last friday (May 6), bago ang whapakk moment ko (ulit!) a friend told me na, dapat sa susunod mas mahal ng lalaki ang babae...

Dapat mas mahal ng lalaki ang babae? I strongly disagree... bakit??? simple lng... ang pagmamahal ay hindi nasusukat. ang intensity ng pagmamahal ay depende sa interpretasyon ng mga tao... ng mga taong nakakaramdam nito at ng mga taong pinag uukulan nito.

Frankly, I find it unfair na madalas feeling ng mga babae, mas mahal nila ung mga boyfriend nila o ung mga asawa nilang mga lalaki. Unfair, kasi napaka-one sided. Ano bang basehan natin para masabi nating mas mahal tayo ng boyfriend (o asawa) natin kesa tayo sa knila? dahil pagkabinibigay na sa ating mga babae ang kanilang oras at lahat ng ating hilingin? basehan ba yun?
nah, I don't think so. nakapa-superficial.

Ndi ibig sabihing ndi showy ang mga lalaki, ndi na nila tayo mahal. hindi porket hindi ka masundo at hindi sya laging nasa tabi mo e ndi ka na nya mahal. Give them some credit naman.
ang akin lang, kung lagi lagi nating iisipin kung anong mapapala natin pagkanagmahal tayo, ndi yan tunay... ndi wagas...

para sa kin, mas masarap pa ring magmahal ng buo at todo-bigay... walang expectations...

ndi ako santa, nag-eexpect din ako... at yan ang rason kung bakit ako madalas masaktan dahil may mga expectations na madalas na nagca-cause lng ng frustrations. Guys may not meet our expectations but that doesn't necessarily means na ndi nila tayo mahal in their own ways... :)

wala lng... epekto ng pakikinig maghapon kay Nina. hehehe

0 Comments:

Post a Comment

<< Home