Monday, June 20, 2005

ang blog bow!

alam mo ba... sinisipag akong mag post ng mag post. pano kasi, I have been reading other people's blogs that one or the other inspires me.

iba iba ang topic, iba iba ang personality...

me ibang masarap lng basahin kasi kakaiba,
me ibang masarap balikbalikan kasi parang ako din ang nagsasalita,
me ibang kelangang i-visit para updated ka sa buhay nila.

bkit nga ba nauso ang blogging???

ganito na nga ba ang panahon ngayon?
lahat na lng ng bagay sa computer mo na lng nasasabi... hoping someone or somebody will read it. samantalang dati, pagme gusto kang iwento, gagamitin mo ang telepono para kausapin ang matalik mong kaibigan... o talagang tamad na talaga ang mga tao ngayon? oo nga naman, isang wento lng marami ka nang pedeng pagwentuhan, kung ivivisit lng nila ang blog mo. pano kung hindi? e di magwewento ka pa rin? hahaha.

ok din ang magblog, minsan kasi gusto mo lng magsabi ng magsabi, parang ayaw mong me kokontra sa mga katangahan mo, so choice mo na lng kung babasahin mo o hindi ung mga comment nila. at saka ung mga friends mo mahihiyang awayin ka sa mga comment nila, kasi mababasa un ng madla hehehe.

ako, bakit nga ba ako nagbla-blog?
hmmm... para pagkanatatamad na ako sa office, me gagawin akong kakaiba.
para pagkagusto kong me makausap at busy lahat ng so-called friends ko, me kausap ako.
para wala lng. compilation ng thoughts ganun...

ikaw? bakit ka nagblog? bakit ka nakikiuso sa pagbla-blog?
bakit gusto mo ding makipagrelasyon sa computer mo?

di bale, kung me blog ka din, sabihin mo lng sakin at babasahin ko. para tumaas naman ang hits ng mga visitors mo :) at wag kang mag alala, kung magustuhan ko sya sa una ko palang pagbisita, asahan mong sa tuwing gusto kong makasama ka babalik balikan ko ang blog mo... :)

sige happy blogging na lang po...

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

gurl......i feel......the same...sobrang...ewan....but i'm so addicted to reading other people's blogs...like sayo...super girl..etc....wala lang kakainspire..ako din nga starting now mag start na hehe

8:21 AM  
Blogger Glo said...

Initially, I blogged to share my recipes, wentos and photos of placed I've been to. Now I blog to keep myself sane accounting the details of my wedding preparation. Kaaliw ang magblog, lalo na kung merong audience parang palagi kang merong kakwentuhan.

8:07 PM  

Post a Comment

<< Home