sabi ko na... sabi ko na...
hay nakuh, sabi ko na e. masaya masyado ang aking weekend para magtagal :( anyway, I am not really that malungkot, I STILL HAVE HARRY POTTER :D
HARRY POTTER NA NAMAN!?!??!?! ANUVAH!
well, I'm not gonna write about Harry here e (that is if I can help it).
dunno, something inside me is slowly creeping up to the surface. a long forgotten loneliness (not now please not now!!!).
Si Chame na bestfriend ko aalis na naman sa monday, balik na sya ng singapore. sa december sya ulit balik. pero twice palang kmi nagkakasama. so far pag nasa singapore naman sya parang ndi pa din naman malayo e, pero pagkanapapagod na akong mag type at magwento sa knya, the reality kicks in na I cannot call her. mas masarap makipag wentuhan ng me mga side comments with matching acting/actions. mahirap i-convey sa chat o sa email ang tutoong nararamdaman e.
Next bestfriend, si Sir Ronnie, aalis na naman sya sa July 29 puntang UK, ndi ko alam kung gano na naman sya katagal dun, pero namimiss ko din sya pagkaumaalis sya. masarap kasi syang kasama. kahit sinesermunan nya ako ramdam ko na love nya pa din ako.
Next bestfriend, si Rache, nakanang, ayun nasa US na naman umalis last last week. sa 2nd week pa ata ng August ang uwi. wala tuloy akong makasama pag after office hours.
Daddy ko, kahapon umalis sya, balik ulit sya ng Saudi to work. ayoko ngang isipin kasi kahapon pa ako naiiyak. ewan ko bakit ganun, simula pa lng pagkabata tuwing aalis sya naiiyak ako. tuwing aalis sya para akong laging in-denial na aalis sya. either inaaway ko sya para wag kaming mag usap bago sya umalis, o kaya magiging cold ako sa knya.
madami naman akong mga friends... masayahin din akong tao kaya lng minsan tinatamaan talaga ako ng lungkot e. ewan ko ba... I don't even know if the real cause of my loneliness are these people... baka me iba pa... ndi ko lng din alam...
TAMA NA ANG DRAMA!!! MAGWENTO KA NA LNG ABOUT HARRY POTTER...
hehehe.
O NAKANGITI KA NA! SABI KO NA E...
si harry potter? natutuwa na ako ulit sa knya dito sa book 6, ndi katulad sa book 5, parang masyado syang attention-seeker. ngayon nagmamature na sya :)
me isa palang angle sa Book 6 na ndi ko magets bakit ganun.
nuon, si ginny (kapatid ni ron) me crush sa knya, pero ngayon sya na ung me feelings for ginny. bakit ganun no? ndi nagkakatagpo. hahaha. nakakarelate ako! although I still don't know the ending of the book kasi ndi pa ako tapos, pero as far as ung chapter na binabasa ko, nagseselos sya kay dean nung mahuli nila na nagkikiss sila ni ginny (at dean) :D hehehe.
si hermione at ron, ewan ko, ndi ko alam kung anong makakapag paamin sa knilang dalawa. ang masasabi ko lng mahirap yan! hahaha.
anyway, I feel better na. :) naisip ko na naman kasi si Harry e.
Secret lng natin to ha? Since Monday ndi pa ako nagtratrabaho ng maayos, kakabasa :D hehehe (wag sanang mabasa ng boss ko to!) :)
2 Comments:
yang mga hindi magkatagpong yan, true to life yan eh. tsaka ung mga di mapaamin? tsk, tsk, tsk. hay naku, sleep na lang ko... =)
natapos ko na rin sa wakas ang book6. ang masasabi ko lng: kelan lalabas ang HP7????!!!! hehehe =)
Post a Comment
<< Home