Thursday, July 14, 2005

On being Alone

Pinost ko na to sa friendster bulletin before, pero hinanap ko sya ulit, dahil napag usapan namin ni tin kagabi. at lately eto din ang madalas kong gawin... nagcra-cramming kasi ako ng HP series para umabot sa pagrelease ng book6 e.

masarap mapag isa...

nakakagulat na sa isang Robelle Joyce mangagaling ang mga katagang yan, pero tutoo, masarap mapag isa...

walang masama sa pagiging "alone", minsan kelangan natin ng break sa mga tao sa paligid natin.

Madalas sa mga panahong ito masarap ka-date ang sarili. Maglakad sa walkway ng me pasak na earphone ang tenga. Maglibot sa Glorietta at Greenbelt at titingin tingin sa mga tao. Magkape sa Starbucks na ang tanging kasama ay ang ballpen, notebook at mp3 player. Manuod ng pelikulang tagalog kahit anong baduy pa nya.

Oo nga't ako ang tipo ng taong laging napapaligiran ng mga kaibigan, pero lingid sa kaalaman ng karamihan, I find peace of mind when I am alone... doing things on my own, in my own space and time.

Nakakapagod din namang kumain ng laging me kahuntahan, nakakapagod maglakad habang nakikipag wentuhan, nakakapagod manuod ng sine ng pinipigilan mo ang iyong mga luha at pagtawa dahil me kasama kang mababaduyan sa yo...

Ano ba ang perks ng pagmag-isa ako:
I often find myself lost in the books I read... in other words, natatakasan ko ang realidad...
Nakakapagdraw ako ng tahimik... walang kumukontra na tabingi ang mata, o ang kilay...
Nakakakain ako sa sarili kong phasing... na nanamnam ko ang pagkain ko...
I can cry openly sa movies... and I can laugh loudly sa movies... walang pakialamanan

ewan ko... nitong nakaraang mga araw, nagiging obsession ko ang mag isa... ndi dahil sa malungkot ako... kungdi kelangan kong maramdaman kung gano ako kasarap kasama.

ang masasabi ko lng sa mga taong takot mapag isa. hangga't ndi ka ONEGRY walang masama maging mag isa...



Courtesy of Dictionary.com
Main Entry: onegry
Part of Speech: noun
Definition: a state of being alone and unhappy
Etymology: one + (an)gry

2 Comments:

Blogger Ina said...

This comment has been removed by a blog administrator.

1:59 PM  
Blogger Ina said...

Hi joyce! :) yup, it feels great to be alone, and I actually admire people who can be alone with themselves. That means they still know how to enjoy who they are.

Anyway, can i just share something to my fellow harry potter freak? Canada is so people-less that there's a whole pile of unbought Harry potter book 6 in all the bookshops! And they're on sale! 20% off! Oh my god. That made me lose hope in finding suitable friends here. Hehehe.

1:59 PM  

Post a Comment

<< Home