Monday, August 15, 2005

tibo ba ako?

hayyy ke aga aga, tinanong ba naman ako nung manong tindero kung tibo daw ba ako?

makatarungan ba naman un?

ok ok... mag wewento ako ng tutoo...

TIBO KA NGA???

sandali basahin nyo kaya muna.

Pagkagraduate ko ng highschool, meron akong boyfriend nun, nasabi ko sa kanya na magpapakatomboy ako pagdating ng college para hindi ako maligawan... para sa kanya lang ako.
nagbreak kami kakasimula pa lang ng school year na yun. hindi naman ako naging full pledge na tibo, actually, ganto lang talaga ako.

Brusko
Barubal
Batang Kalye

Hindi ko alam kung ganito lang ako talaga dahil natatamad ako gawin ung mga bagay na usual na ginagawa ng mga karaniwang mga babae... mag makeup, at mag dress up. naiisip ko kasi palagi, para que?

Hindi ko alam kung nakakaapekto din ung katotohanang panganay ako at lumaki akong laging nasa abroad ang tatay ko at nagtratrabaho. Nakikita ko ang mommy kong gumagawa ng mga gawaing-bahay na pangtatay, at wala din akong choice kung di tumulong.

Hindi ko din alam kung napapagkamalan akong tibo dahil, protective ako sa mga kaibigan kong mga babae, kakaunti lng kasi ung mga tutoong ka-close kong mga babaeng friends kaya ganun talaga ako.

Hindi ko din sigurado kung added factor din ung pagiging "one-of-the-boys" ko. Yun ang lagi kong image. Mas madami akong kaibigang mga lalaki kesa sa mga babae, dahil... naku ibang topic un. :)

Eto lang, I prefer to be comfortable most of the days that's why I'm always in jeans, rubber shoes and shirts. Strong lang din ang personality ko in comparison with other girls cause I was taught to be like that.

Pero what most of you don't know is, everytime I see a girl in jeans and shirt and rubber shoes and yet they still look so feminine and so girlie, I often find my self wondering, bakit pag ako ganyan mukha akong tibo.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Sus i kaw tibo?!!! E mas babae ka pa nga sa akin e.. u know what i mean....Hindi yan sa pananamit or sa pag kilos girl! Nasa nararamdaman yan.. Inlove ka naman di ba? hehhee. muaah

4:12 PM  
Blogger binx said...

ako, tibo! hi love! nyahahaha... joke! baka hindi ka na sumama sa kin.

hehehe! :)

pangarap kong maging one of the boys, pero kahit anong pilit ko, ayaw!!!

5:40 PM  

Post a Comment

<< Home