Monday, October 17, 2005

Mt. Tapulao = all emotions possible

I'm back!!! my gosh, I thought I could never make it.

Tindi ng Tapulao!
paakyat nakuha ko sya ng almost 11 hours! pababa, 7 hours!
paakyat i cried! pababa i cried!
May basehan ang kapraningan ko last friday!

I so wanna give up na talaga! ang lupet nya. pero sabi nina jing at leo, buti pa nga daw kami, mabait sa min ang tapulao, dahil nung first time nila binabagyo sila.

Unang una sa lahat, ndi ko forte yung tipo ng trail ng ganun, sabi ni jing kaya daw mabato un dahil dun sa mining dun. ang hirap talaga, pero I received a miracle first hour of the trek palang. I'm not a big fan of a trekking pole, pero I prayed na sana me makita akong tungkod na magagamit ko. And three steps after, I found my gift from God. Grabe ung tungkod na un, ilang beses nya akong nasave sa tuluyang pagkadulas at pagbigay ng mga tuhod.

Hindi din ako masyadong nagpapahinga, kasi pag inaabutan ko sina Leo, tuloy lang ako, kasi sabi ko nga, aabutan din naman nila ako. Lakad hala lakad. Pero parang ndi natatapos ung daan, sabi nga ni Ningning, wag daw kaming nag iinom ng Rogin-E (kasi di ba ung commercial nun ung me lumalangoy na infinite). Kung hindi mo alam na hindi ka naliligaw iisipin mong iisang lugar lang ang dinadaanan mo. Iisa lang ang hitsura puro bato!

Si Panget nga kung kasama siguro un nag aaway na kami sa pagod ko, kasi hindi na nga sya kasama nag aaway na kami sa text. Nalulungkot ako sobra kasi umiyak talaga ako. Pero nahiya naman ako kay Jing kasi bumalik lang sya sa Tapulao para maakyat ang summit. Na-sweep na naman ako!

May dinaanan naman kaming malumot (moss) kakaiba ung bundok na un, masyadong malumot. Madulas. Grabe ung experience ko dun, akala nga daw ni Nowell, susuko na ako talaga. Plakda lang naman ako, eagle-spread position na face-down! sakit, dun ako napasabi na ayoko na. Buti na lang lahat kami pagod na at walang camera, wala ngayong ebidensya hehehe. Bait bait ni Ningning at Nowell, sila tumulong sa kin.

Nakarating naman kami ng campsite past 5pm na un. ok pa naman ako, kaso ang lamig! natulog ako habang luto sila, ako na lang ang naghugas ng plato after naming kumain, sarap ulam, kaldereta na chicken at pork.

ok let's be fair here... Panalo ang View sa Tapulao! as in ganda! para kang nasa Ugu din, mas malamig nga lang sa dito sa Tapulao kesa sa Ugu. Ayos ung view, maganda! as in.

random views lang

Wala sana akong planong magsummit, kaso naisip ko, mukhang hindi ako na ulit aakyat ng Mt. Tapulao unless for special reasons at siguradong pag hahandaan ko un! At buti na lang hindi ako nagkamali dahil panalo sa summit, which is an hour trek from the camp site. Actually, ayos ung trail paakyat ng summit, kasi para na syang Makiling, kaya ayos lang, mabilis din kaming nakababa from the summit, actually picture-picturan pa kami nina chard, marlo at ako (clear ko lng ndi ko po sila highschool barkada, mga trainees po sila, kapangalan kasi hehehe) dun sa me patarik bago makarating sa camp.
Kami ni Rachel sa Summit 1

At last ang Summit ng Mt. Tapulao!


Photoshoot

Then, after na magbreakfast, umpisa ulit ng walang katapusang kalalakad!!! ayos naman nung una kahit na nadulas ako una pwet dun sa me malumot na lugar (ulit!). kaso, dumating sa puntong bumigay na ang tuhod ko, ung ankle ko twisted na kakaapak sa bato, at ung talampakan ko matigas na sa sakit. Eto ung last leg na ng trek, sabi ni jing 20 mins daw, pero inabot na kami ng sunset (ang ganda ganda ng view ala akong pic kasi ndi ako makahinto ng matagal baka lalo ako bumigay!) dumilim na at higit sa lahat, sinundo na kmi ni EL Manny at ni Ten.

Lahat na ata ng klase ng motivation nagawa ko na, andyan paulit ulit kong sinasabi na "me coke na me yelo sa baba"; andyang isipin ko nang nakakahiya akong trainor dahil ang mga trainees malalakas pa sa kin; andyang isipin kong baka ndi na ako paakyatin ng OCMI sa ibang bundok kasi ang kupad at ang hina ko; hiyang hiya na ako kay jing; at ang pinakahumiliating sa lahat is, ung mga tiga-san sebastian na iniwanan namin sa campsite, isa isa na silang nag oovertake sa kin! kahit anong pigil ko, tulo ang luha ko habang nag lalakad, nung una alam ko medyo mabilis bilis pa ako, kaso wala, gusto pa ng utak suko na ang katawan.

PERO IN ALL HONESTY... AMIDST EVERYTHING, NAG-ENJOY NAMAN AKO! :)

postscript:
someone makes me feel all giggly today. ;-)

4 Comments:

Blogger Maniniyut said...

This comment has been removed by a blog administrator.

7:47 PM  
Blogger binx said...

kung nandyan ako, isa rin ako sa iiyak dahil isa akong pasaway! hahaha...

feeling ko, hindi sya kaya ng powers ko, kung si george nga eh bumigay eh. hindi kaya namatanda un?

11:13 AM  
Blogger risk said...

tapulao? waaahhh, pinahirapan din nyan ang group namin e... nung start medyo maaraw, after mag-lunch bumuhos ang ulan. pag-uwi, start pa lang hanggang sa matapos ang trekking e bumabagyo. 10 hours kami paakyat, pero kinuha namin nung ilang kasama ko ng 5 hours pababa, yung iba, 6-7 hours. masarap kasi yung goal pagdating sa jump-off, mainit na sabaw ng tinola, heheheh... btw, anung group po kayo?

11:28 AM  
Anonymous Anonymous said...

hah? first time ko pa nman na aakyat this coming friday sa tapulao... huhu parang ayaw ko na ata base sa iyong kwento:( actually second ko na to pero hindi rin naman ako ganun kahilig mag climb hanggang sa na experience ko nga (ung first time ko) sa PICO de LORO.. sabi nila la lang daw un, as in minor fun climb lang pero sobrang lahat ata sakin nilabasan ng pawis...
sana naman masabi ko rin na "i conquered tapulao"! GO GIRL,,GOD BLESS sa akin,hihi..kaya ko toh;)

7:15 PM  

Post a Comment

<< Home