Monday, January 16, 2006

Friday the 13th

Grabe last weekend. dami ko atang first time na ginawa. :D

anyway, i'll start my kwento ng Friday, the 13th.

Walang kapera pera ang lola nyo nuon, since me lakad kami ni Tin, I told her bluntly na wala akong pera kelangan nya akong ilibre. Kung baga, kapalan na lang talaga. I was kindda hoping that she would not agree. but she did, so we planned to stay at Java Man sa Powerbooks sa GB4. Pero ewan ko, bigla na lang syang nagcrave for TINAPAY ng ITALIANNIS. Ayoko nga kasi hiya ako mahal ata sa italiannis. Pero knowing Tin, lalo na pag may PMS, kelangan pag bigyan tutal sya naman gagastos.

So sinundo ko na ang lola. Nag-Italiannis nga kami. e waiting. ewan ko ba. pagtingin ko dun sa may bandang likuran namin, nakakita ako ng kumakain ng spaghetti na kulay red. sabi ko sa kanya un ang order namin. Pag upo namin, sabi nya gusto daw nya ng caesar salad. To make the long story short.
Nagpakabusog kami sa Italiannis, ang order namin ay TINAPAY NG ITALIANNIS na (nakaipit ung HAIR ng ANGEL) sinasawsaw sa mantika na may toyo at cheese (focaccia bread), yung SPAGHETTI NA KULAY RED (angel hair pomadoro) na hindi dapat pinuputol ang mga PASTAS dahil baka magalit ang mga ITALIANNI, at mga dahon dahon (Caesar Salad).
FOR THE FIRST TIME, napakain ako ni Tin ng gulay (na hindi namin pareho alam ang tawag.).

Sa sobrang kabusugan sumakit ung tyan ko. Tumuloy kami ni Tin sa Shangrila, o di ba sosyalin! Pagpasok nakita ko na agad si Anjo Yllana at si Jackie Manzano (asawa nya); then si Jomari Yllana. ewan ko ba dito kay Tin, hindi nya nakita ng maayos si Jomari Yllana, nakatalikod na nya nakita. After ng mission namin sa Shangrila tumambay pa kami sa lobby ng Shangrila hoping to see more stars, nakita namin si Annabelle Rama, antay pa kami unti kasi baka ang sumundo si Richard Guetteriez. Ang kaenggotan nga lang namin is, hindi namin nakita yung sumundo kay Annabelle. Pero in fairness nakita namin ang sasakyan ng mag-anak ni Anjo Yllana. Tin ano nga ulit yun? TOYOTA OTIS?!

Matapos naming tumawa ng tumawa, lumipat na kami sa may park sa tapat nito. Akala ko makakakain na ako ng balut, but it turned out na isa pala syang palaboy (na englishero!). Nanghingi sya ng food, kaya ung pinabalot namin sa italiannis binigay ko na sa kanya, wawa naman sya e. Grabe, in return, he wished na sana daw mahalin kami ni Tin ng mga boyfriend namin, at wag kami paiiyakin. well... sakto ang wish nya! Kinantahan pa nga nya kami ng kung ano anong love songs. kakaloka. para tuloy kaming may radyo ni Tin. Kung di pa siguro ako naubusan ng kendi hindi pa kami aalis dun. Mabait naman kasi sya at hindi kami binastos kaya ayos lang na nandun sya. maganda din ang boses nya (ROLLY SANTOS pala name nya, baka sakaling mabasa nya ito at sabihin nyang nakalimutan namin name nya!), sana lang, magkatrabaho na sya.

Ikot ikot kami ni Tin, hanggang sa ang last stop namin is sa G4 park. Ang ganda ng buwan. nakakamiss yung camera ko. I was able to take a pic of Oakwood and the full moon using my cellphone, this could have been better using my canon s1is.

Then... Sunday, the 15th! First time to donate blood!!! Eto ung gagamitin ni Mommy in case she will be needing it for her operation. akala ko mag-faint ako buti na lang hindi. :)
eto yung bag ng blood na nakuha sa kin...
ayos naman, after kong makuhanan ng blood hindi naman ako nanghina or nahilo, infact naglakwatsa pa kmi ni Mommy sa Robinsons Place after e. :) Yun nga lang medyo masakit pa yung tinurukan ng karayom hanggang ngayon.

My weekend was a-ok. not bad... although some tears were shed, pero malay natin baka eye-opener yun. :)

6 Comments:

Blogger binx said...

hahahahahahahahahahahahhahahahaha!

hahahahahaahahahahaha!

hahahahaha! HAHAHA!

eto n nmn ang alang kakwenta-kwenta kong comment.

un na ata ung pinakamasayang friday the 13th sa buong buhay ko. dahil kay R.S. hehe!

1:53 PM  
Blogger vinz said...

waaah kainggit naman ang saya naman ninyo. ^_^
humapdi nga lang mata ko sa kakabasa.. waaaahaaaa.... :p
inadd nga pala kta sa link ko hah :p

4:30 PM  
Blogger vinz said...

sayang nde ko makita pics kasi nakablock dito sa bansang ito yung source ng pics na iyan... naintriga tuloy ako sa itsura ng pics

4:34 PM  
Blogger Ver said...

Nice of yout to donate your blood to her. :)

4:59 PM  
Blogger Unknown said...

hmm buti na-enjoy nyo food nyo sa italiannis.. abay dapat lang, sa mahal ng pagkain don.. hehehe

buti pa kayo masaya friday the 13th nyo.

ang ganda nga ng moon.. pero mas maganda sya nung saturday, ang liwanag at bilog na bilog...

nice naman, nakapag-donate na sya ng blood. ako di pwede.. may tattoo.. hehehe bawal.. :)

3:35 AM  
Anonymous Anonymous said...

itallannis.. sarap nga yun bread nila :) pero ung mga branches nila ndi consistent in terms with their serving size AT ung lasa ng food..

ang kulit naman ni rolly santos. sana makilala ko rin sya :)

6:39 PM  

Post a Comment

<< Home