Wednesday, September 13, 2006

confessions of a lakwatsera

actually, nothing much to confess hehehe.

hmmm... honestly, I just discovered that I have the capability to really travel this year. Basically, lakwatsera lang talaga ako in the sense na hindi ako napapanuto sa bahay. Lahat ng klase na ata ng lakad pinapatulan ko, mapa-malling lang, sa park lang ng Glorietta o kahit pa ang bente kwatro oras na pagtambay sa coffeshops ng Makati. Karamihan sa mga kaibigan ko alam nila ung pagiging certified kaladkarin ko pagdating sa mga lakad.

Two years ago, I started joining mountaineering gimiks. In other words, nagsimula akong mag explore ng mga kabundukan. halos buwan-buwan meron. Maliban pa sa mga ibang klaseng training na kasama sa curriculum ng training namin.

taong 2002 nung pinakauna akong nakasakay ng eroplano, papuntang Bacolod. Ang pinakaunang lugar na narating ko sa labas ng Luzon. Pero dahil un sa trabaho, and yes, korny ung nakasama ko sa trip na un kaya wala akong naikot sa Bacolod kundi ung Mcdo sa kanto ng 6th Street at ung Robinsons sa Mandalagan St. saka syempre ung pinagstay-an namin sa 11th Street at opisina ng Negros Nav (client namin) sa 6th street. Makalipas ang dalawang linggo bumalik ako ulit dun sa Bacolod this time sa L' Fisher naman kami nagstay at sa Negros Nav pa din kami. After that lumipat kami ng Iloilo, hindi ko din sya naikot maliban sa Gaisano Mall, Four Seasons Hotel (hotel ba un? parang motel) at sa Negros Navigation pa din na office. After 3 days, nagpunta naman kami ng Cagayan De Oro, wala pa din akong naikot dun. o di ba? walang kawenta-wentang byahe. Buti na lng at makapal ang mukha ko. Nagpaalam ako sa boss ko na buhat sa CDO ay tutuloy ako ng Dipolog sa tito ko. Nag-Dakak kami at napuntahan ko ang bahay na pinag-stay-an ni Rizal sa Dapitan. Panalo dito sa Dipolog, unting lakad nakabalik ka na sa pinagmulan mo hehehe. Wala akong masyadong picture kasi tipid sa film at ung pinsan ko nahihiyang kuhanan ako ng picture sa mga famous landmarks ng Dipolog.

Last year, nakapag-Palawan ako sa Puerto Princesa, napilitan akong bilihin si Uno (ung Canon Powershot S1iS ko), pero hindi ako nagsisisi. :) nakaikot ng Puerto Princesa. Un lang ata ang pinaka-bigtym na lakwatsa ko last year. Pero madami akong mga bagong lugar na napuntahan at bagong mga bagay na nagawa.

This year, nung gawin ko ung half-year review ko, sobrang dami ko nang napuntahan, at sobrang dami ko nang nagawa. Of course blame it to my brokenheart. I really did make a point to make each day of my existence to be busy... too busy to hear my angst, too busy to feel my pains.

Now that we are in the later half of 2006. ubos na ang leaves ko. as in sagad. Nung mag-Davao ako last August, lumagpas na ako ng halfday, thank God for understanding employers hindi ako kinaltasan ng halfday. but it is only september. :( sa ngayon, nagkakasya na lang ako sa mga out of towns during weekends. Katulad ng nalalapit kong Pagudpod trip. Friday ng gabi ang alis at kahit mag extend ang mga kasama ko, kelangan kong bumalik na ng Manila bago mag office hours sa Monday.

OCMI plans to climb Mt. Kinabalu by December 26-30, 4 days na leave ang kelangan ko... Peak season ng supermarkets hence, peak season ng trabaho ko. dapat makapagdecide na ako bago matapos ang september dahil ung ang required time to confirm the participants. Gusto ko. promise, I never stopped dreaming of climbing Mt. Kinabalu after watching it sa Sports Unlimited, ngayong nandito ang pagkakataon, hindi ko alam ang gagawin ko. Na sa tuwing iisipin ko sumasakit ng todo ang ulo ko. damn!

I have to be discipline. At this time kelangan ko nang makapasa sa Marshmallow Test, kasi if I lose this job, it will be most probably the end of my being a certified lakwatsera.

Marami nagtatanong, san napupunta ang sweldo ko. at kung may ipon ako. well... alam na natin ngayon saan napupunta... sa Starbucks, sa mga kainan, sa pagbyahe, sa pagbili ng batteries at sa pagpapadevelop ng pictures. :D

... did I confess anything new? wala... gusto ko lang magpost... :D

6 Comments:

Blogger Iskoo said...

something to look forward ang kota kinabalu, maganda siya, kakaibang bundok at highest sa southeast asia.

isa ka palang adik sa galaan! hehehe... joke!

1:57 PM  
Blogger dannie said...

oo wala ka ngang confession sa post mo! =P
ok mag mt. kinabalu! nakita ko din yun sa sports unlimited. siguraduhin mo lang na magkikita tayo paguwi ko ng pinas sa dec 25 to jan 07 oki!

2:38 PM  
Blogger grays said...

di ba kapag end of the year, usually me mga no work holidays naman? punta ka na dun sa kinabalu though hindi ko sya alam, it sounds exciting. :P hehehe. makipagbargain ka sa boss mo na papasok ka ng extra hours to make up for the days na mawawala ka. malay mo, pumayag di ba.

8:28 PM  
Blogger binx said...

good luck kung mkaka-leave ako ng matagal. shempre, tanggap ko ng goodbye davao, camiguin, at cagayan de oro ang beauty ko. wawa naman ako. =(

7:09 PM  
Blogger pauL said...

naks buti pa sya... :)

9:29 AM  
Blogger Unknown said...

malaki pala sweldo mo, aba mahal yang mga gastusin na binaggit mo!

12:42 PM  

Post a Comment

<< Home