just visit me at
http://robellejoyce.blogspot.com
SOON
ayon sa www.dictionary.com ang ibig sabihin ng SERENDIPITY ay good fortune; luck.
I am a firm believer of fortunate accidents also known as SERENDIPITY. Although, before the movie "serendipity" I didn't know that such a word exists. Pero I believe that fortuntate accidents exist.
at ayon din sa www.dictionary.com ang ibig sabihin ng ACCIDENT is any event that happens unexpectedly, without a deliberate plan or cause.
How fortunate is fortunate especially if it's an accident?
nakakaaliw isipin na there are times in our lives that we are blessed with moments of pure-bliss. Kahit gano lang sya kasimple, it surprises and would caught us totally off-guard, then makes us say "oh my gawd, oh my gawd, oh my gawd" for 60 times in span of 60 seconds, and convinces us that magic and serendipity is real. These moments that we (with those people with us) would probably remember until we're 45 (mind you, i just turned 27!).
yan lahat silang kasama ko.
Ang trainor namin si Mang Domeng, na since 1965 ay ganto na ang kanyang expertise, ang mag-survive sa Jungle. Medyo nginig na ang kanyang mga kamay pero magaling pa din ito sa paggawa ng mga kagamitan yari sa Buho ng Kawayan.
Sa baso, kelangan munang i-check kung may mga insekto sa luob nung kawayan bago ito gamitin, nakikitang may uka ung baso para daw sa mga matatangos ang ilong.
Kelangang butasan ang isang gilid kawayan, dito ilalagay ang bigas at ang tubig. Para maging masarap ang sinaing kelangang kalahati lang nung isang segment ng kawayan ang bigas at kalahati naman ang tubig. (see picture on your right).
At sa pagsaing kelangang pantay ang paglagay ng kawayan sa apoy. Para pantay ang pagkakaluto. Ung tinanggal na maliit na parte ay kelangang ibalik parang takip. Dito bubula ung sinaing, at after 20 minutes kelangan mong itagilid ung kawayan para tuluyang ma-drain ung tubig sa sinaing mo. Pag pede nang kainin ung kain, hahatiin lang sa gitna kawayan, at para kang may suman o kaya California Maki. hehehe.
Kelangan ng isang side nung kawayan. bubutasan ito ng kapiraso. Tpos magkakaskas para sa kusot sa gilid nung kawayan. Tpos, ira-r
ub mo sya sa pagitan ng mga palad mo para matanggal yung gaspang nya. ilalagay ung kusot dun sa kinuha mong side ng kawayan, at saka ikakaskas dun sa natitirang side (pinatalas na ung edges nya) nung kawayan. Tpos, makikita na umusok.
Every once in a while, kelangan hipanin ung kusot para tuluyang magbaga at maging apoy.
Ang first stop na natutunan namin is ang CUPANG.
itong fish tail dahil sa hugis ng kanyang dahon na para bang buntot ng isda. Ika nila yan daw ung ginagamit na pang-pana ng mga kapatid natin Aeta.
Nalaman ko din na ang ubod ng ratan ay mapait na mapait at ito ay ginagawang gamot para sa malaria.
Eto ang puno ng Kamansi. Kung saan ang kanyang dagta ay dapat pakuluan at ilagay sa kahoy.
Sunod ay ang puno ng Tibig. Sa una ay puro dagta, pero sa kalaunan ay magandang source ito ng tubig. 
Isa pang water source sa gubat ang Lapatan (mga kawayang nagapang sa lapag) at ung isang baging na nalimutan ko ang pangalan.
Ugpoy, isang baging na pedeng gawing tali. kelangang tanggalin ung pinakaluob nung baging at saka tanggalin ung pinaka-bark. ung matitira peden gawing tali. Sa picture sa right side nyo, pinaghihiwalay ni Manong Domeng ung mga dapat tanggalin sa dapat gamitin sa pagpilipit nung baging.
Next is ung Gugo. ginagamit pang shampoo at pang sabon. kukunin ung bark nung puno saka tatadtadin. Lagyan ng kunting tubig at... bubula na sya.
Wild Yam. Nakakalason, mag iingat. Sabi ni Manong Domeng nung panahon daw ng Hapon, nag-luto ang mga Hapon ng isang kawang Wild Yam at un namatay sila. Mass Death. Gabi daw sya pero kulay yellow. (parang panis hehehe joke).
ayan sila.
ibang angle nung sinaing.
ayan nag-improvise kami ng ihawan
naligo kami dun sa water source dun.
kaming lahat before leaving the campsite.
Bago maligo.
kahihilig sa pictures ng mga barakong ito.
Sinolo ko si Manong Domeng.