Tuesday, January 31, 2006

small miracles

Life can be all shitty and unfair...

minsan wala na lang tayong magawa kundi umiyak na lang,
wala namang masama sa pag-iyak,
kahit pa nga ala-una pa yan ng madaling araw,
kahit pa dyan yan lang sa tabi-tabi...

what makes it bearable...
are the small miracles from up above...

arms wrapped around each other
as you cry together...
and the laughters in between the tears.

... thanks Tin! yup, The ONE UP ABOVE really has a nasty way of making things work out fine.

Tuesday, January 24, 2006

Cute din naman ako a!


inside the Big Brother Tent

soltera

ayon kay amgine (http://bluerlyn.blogspot.com) isa sa anim na yan ay nakatanggap ng wedding proposal. walang humpay ang mga batuhan ng text at comments sa blog kasi nagtatanungan sino ba sa kanila. well... fyi lang po... hindi po ako!!! matagal ko nang wish yun, mag six years ko nang wish yun sa May!
sa mga iba pang magagandang dilag dyan sa pic na yan, utang na loob umamin na kayo, laki na ng bill ko sa cellphone kakatext. hehehe.

Friday, January 20, 2006

Abnormal at Normal

Unahin natin ang mga abnormal...

I don't know kung me mga nagbabasa ng blog ko na maka-Sheree... ung babaeng sexy na kasama ata sa viva hot babes... We (manny, tin and I) just happen to have an encounter with her... isang encounter na napasabi talaga ako kay Tin ng "alam ko na bakit hindi tayo mga Artista". Bkit ko naman nasabi ito, well, just a realization, "papano we're too smart for that." hahaha.

Ano bang nangyari...

simple lang, kagabi, nakacapture ung atm card ni Manny sa ParkSquare (UCPB atm machine dun sa me harap ng true value). Nagkataong si Sheree ang sunod sa kanya. syempre, chicka-chicka dahil nga nacapture yung card ni Manny. Unang suggestion ni Sheree... baka daw mali yung pin ni Manny, good point for the first time na isuggest yung idea na yun. Sumagot naman si Manny, hindi tama e. Kaso hindi pa nakakalipas ang mga 3 segundo, eto na naman ang banat nyang, baka mali ang pin ni Manny. Sumagot na ko, medyo tuliro na si Manny para pansinin pa sya, hindi, tama daw ang pin na ininput nya e. Pero... eto na naman... after 5 seconds... Mali ba ang pin mo? oh god! wanna kick her ass!!! tahimik na kami, at hindi na kumibo, naghahanap na kami ng matatwagan para ireport ang card capture incident. Hindi pa sya nakuntento sa PANG-APAT na pagkakataon, baka mali yung pin mo! P*TANG*NA. Ang kulit!!! hiniritan sya ng kasama nya, sige itry mo para malaman natin. hahaha sopla ang lola kong abnormal. Langjo, malaki lang sa kanya ang kanyang dibdib... pero ang utak at IQ ata e kasing liit lang ng beywang nya! I'm not bitter, I'm just saying it just as how it happened. nakanangteteng. Kanina umaga nagresearch ako, tiga-Ateneo de Cagayan at ang course nya is International Studies... naisip ko, e bakit ang abnormal nya. Opinyon ni lola Tin, baka nagpapapansin lang sya. Well, walang cure ang kulang sa pansin. hayyy ang abnormal talaga!!!

mapagawi naman tayo sa masayang bagay bagay sa mundo, ika nga on a happier note:

Normal... ano ba ang normal? Honestly, nothing really is normal with my relationship with him. Kasi ung mismong relationship hindi na normal. hahaha. Nagkita kami kanina, as usual, we ate, talked, laughed, made fun of Sheree's abnormality, imagined... yan ang normal sa min, although ung mga pinag uusapan hindi normal. We really are back to normal, something we haven't done simula ng mag-2006. :)

Normal? nah! Extra-special Normal ang tawag dyan. Ingat, dada!

Wednesday, January 18, 2006

people

iba iba ang mga tao sa mundo. pero may isa akong tao na favorite ko sobra ngayon.

I was with him last night. Nagtampo kasi sya after nyang malaman na nilibre ko ung 2 officemate nya na friends ko din. Nilibre ko sya sa Jollibee ng Champ Meal.

Ganun sya... mayaman, accomplished na at saka almost complete na... pero pagkahumingi sya ung mga simpleng bagay na. Masaya na sya na ilibre ko sya sa Jollibee at ang pinakanakakatouch dun, proud sya tuwing nililibre ko sya...

He is my previous boss sa CUP. Nung nangailangan kasi sya ng SQA Analyst ako agad ang naisip nya, sabi nya kasi, kayang kaya yun... pero after four months... iniwanan ko sya. Hiyang hiya akong magpaalam sa kanya nun, nung magresign ako para bumalik dito, kaso sabi nya, wala din akong magagawa, mas malaki sahod mo dun... Naintindihan nya... nahihiya nga ako sa kanya kasi pagme mga hinaing ako dito sa bago kong trabaho, sya ang takbuhan ko. Minsan nga sinasabi ko sa kanya hindi ko dapat to isinusumbong sa yo. Pero never nya akong sinumbatan... He never told me "I told you so!" when he has all the right para gawin un.

Isa din sya sa mga taong, I CAN proudly show off my masterpieces... yung mga pics na pinagkukuhanan ko, mga drawing ko na wala namang wenta, at kung ano ano pang mga accomplishments ko. Mararamdaman mo na sincere sya sa pag appreciate ng bawat bagay na ginawa ko. Bibihira kasi un e. pero isa sya dun...

Takbuhan ko din sya sa marami pang ibang bagay. Matibay na sandigan sa mga panahong halos wala na akong magawang maayos sa buhay ko. Kahit anong sabihin ko sa kanya, hindi nya ako huhusgahan... pagtritripan oo, para mapatawa ako... pero hindi nya kelanman ibabalik yun mga pagkakamaling yun para italampak sa mukha ko.

Magkaibigan kami alam ko un, at alam ko din na kahit naging boss ko sya hindi huminto un ni minsan para lang maging boss ko sya.

I miss the guy...

Sir! miss ko na magpamasahe kasama ka!
miss ko na kasama kang magkape sa blue wave!
miss ko na ang mga wento mo...

oo kakakita lang natin kagabi... pero kulang e.
salamat sa lahat especially the friendship at sa never-ending support.

just got this from Abet

Ten Top Trivia Tips about Robelle Joyce Cairo!

  1. Over 46,000 pieces of Robelle Joyce Cairo float on every square mile of ocean.
  2. There is actually no danger in swimming right after you eat Robelle Joyce Cairo, though it may feel uncomfortable!
  3. The blood of mammals is red, the blood of insects is yellow, and the blood of Robelle Joyce Cairo is blue.
  4. In the Spanish edition of Cluedo, Robelle Joyce Cairo is the victim.
  5. According to the story, Pinocchio was made of Robelle Joyce Cairo.
  6. The condom - originally made from Robelle Joyce Cairo - was invented in the early 1500s!
  7. The first domain name ever registered was Robelle Joyce Cairo.com.
  8. If you put a drop of liquor on Robelle Joyce Cairo, she will go mad and sting herself to death.
  9. In 1982 Time Magazine named Robelle Joyce Cairo its 'Man of the Year'!
  10. Robelle Joyce Cairo is the only bird that can swim but not fly.
I am interested in - do tell me about
O di ba? bangis ko no!!! =)

Monday, January 16, 2006

Friday the 13th

Grabe last weekend. dami ko atang first time na ginawa. :D

anyway, i'll start my kwento ng Friday, the 13th.

Walang kapera pera ang lola nyo nuon, since me lakad kami ni Tin, I told her bluntly na wala akong pera kelangan nya akong ilibre. Kung baga, kapalan na lang talaga. I was kindda hoping that she would not agree. but she did, so we planned to stay at Java Man sa Powerbooks sa GB4. Pero ewan ko, bigla na lang syang nagcrave for TINAPAY ng ITALIANNIS. Ayoko nga kasi hiya ako mahal ata sa italiannis. Pero knowing Tin, lalo na pag may PMS, kelangan pag bigyan tutal sya naman gagastos.

So sinundo ko na ang lola. Nag-Italiannis nga kami. e waiting. ewan ko ba. pagtingin ko dun sa may bandang likuran namin, nakakita ako ng kumakain ng spaghetti na kulay red. sabi ko sa kanya un ang order namin. Pag upo namin, sabi nya gusto daw nya ng caesar salad. To make the long story short.
Nagpakabusog kami sa Italiannis, ang order namin ay TINAPAY NG ITALIANNIS na (nakaipit ung HAIR ng ANGEL) sinasawsaw sa mantika na may toyo at cheese (focaccia bread), yung SPAGHETTI NA KULAY RED (angel hair pomadoro) na hindi dapat pinuputol ang mga PASTAS dahil baka magalit ang mga ITALIANNI, at mga dahon dahon (Caesar Salad).
FOR THE FIRST TIME, napakain ako ni Tin ng gulay (na hindi namin pareho alam ang tawag.).

Sa sobrang kabusugan sumakit ung tyan ko. Tumuloy kami ni Tin sa Shangrila, o di ba sosyalin! Pagpasok nakita ko na agad si Anjo Yllana at si Jackie Manzano (asawa nya); then si Jomari Yllana. ewan ko ba dito kay Tin, hindi nya nakita ng maayos si Jomari Yllana, nakatalikod na nya nakita. After ng mission namin sa Shangrila tumambay pa kami sa lobby ng Shangrila hoping to see more stars, nakita namin si Annabelle Rama, antay pa kami unti kasi baka ang sumundo si Richard Guetteriez. Ang kaenggotan nga lang namin is, hindi namin nakita yung sumundo kay Annabelle. Pero in fairness nakita namin ang sasakyan ng mag-anak ni Anjo Yllana. Tin ano nga ulit yun? TOYOTA OTIS?!

Matapos naming tumawa ng tumawa, lumipat na kami sa may park sa tapat nito. Akala ko makakakain na ako ng balut, but it turned out na isa pala syang palaboy (na englishero!). Nanghingi sya ng food, kaya ung pinabalot namin sa italiannis binigay ko na sa kanya, wawa naman sya e. Grabe, in return, he wished na sana daw mahalin kami ni Tin ng mga boyfriend namin, at wag kami paiiyakin. well... sakto ang wish nya! Kinantahan pa nga nya kami ng kung ano anong love songs. kakaloka. para tuloy kaming may radyo ni Tin. Kung di pa siguro ako naubusan ng kendi hindi pa kami aalis dun. Mabait naman kasi sya at hindi kami binastos kaya ayos lang na nandun sya. maganda din ang boses nya (ROLLY SANTOS pala name nya, baka sakaling mabasa nya ito at sabihin nyang nakalimutan namin name nya!), sana lang, magkatrabaho na sya.

Ikot ikot kami ni Tin, hanggang sa ang last stop namin is sa G4 park. Ang ganda ng buwan. nakakamiss yung camera ko. I was able to take a pic of Oakwood and the full moon using my cellphone, this could have been better using my canon s1is.

Then... Sunday, the 15th! First time to donate blood!!! Eto ung gagamitin ni Mommy in case she will be needing it for her operation. akala ko mag-faint ako buti na lang hindi. :)
eto yung bag ng blood na nakuha sa kin...
ayos naman, after kong makuhanan ng blood hindi naman ako nanghina or nahilo, infact naglakwatsa pa kmi ni Mommy sa Robinsons Place after e. :) Yun nga lang medyo masakit pa yung tinurukan ng karayom hanggang ngayon.

My weekend was a-ok. not bad... although some tears were shed, pero malay natin baka eye-opener yun. :)

Friday, January 13, 2006

new year resolutions...

I know this is kindda late for new year resolutions. At since mid-January na sya, I guess, I will start na lang this on February.

Every month dapat at least:

1. Nakapagdraw ako kahit isa lang.
2. Makapag-capture ako ng isang pang-exhibit na photograph.
3. Makapagsulat ulit.
4. Makapagbasa ng kahit isang book, english or tagalog doesn't matter. (yung inuulit kong basahin should not count)
5. Have time for
  • my family
  • my pamangkins and pinsans
  • my highschool friends
  • my college friends
  • old officemates
  • new found friends
6. Watch movie whether alone or not, english or tagalog doesn't matter.
7. Save at least 2000 pesos from my salary.
8. Pay my credit cards so that I can use them again to buy Ipod Video.

Long term resolution...
This year, plano kong maging selfish. Tipong stop thinking of others muna. I think hindi na masamang for the past 25 years of my existence, I've been considerate, and sensitive to the needs of other people. Dunno if I can do this, ung tipong walang pakialam muna, you guys know how pakialamera I can be.

Work...
I have to work to fulfill the things I wish to do. I will be better with my work. I WILL TRY MY DAMNEST BEST TO WAKE UP EARLY!

to my non-existent love life...
I WILL TRY MY DAMNEST BEST TO STOP BEING MALAMBING!!! (or just stop loving him altogether! hmmm...)

Mountaineering...
If I can I will join every climb that there will be this year... or maybe even more. hehehe.

Places...
Dapat makabalik ako sa Dakak, before my Tito transfers here in Manila in April!!! Or visit new places or just be back to those beautiful places i've been (but with camera this time.)

with my Friends...
Medyo lie-low muna ako. masyado ko na kasi minamahal mga kaibigan ko inaabuso na nila ako. (hehehe, me magrereact dyan... sasabihin isa lang yun! hahaha)

un lang... :) sana magawa ko.

Wednesday, January 11, 2006

piolo...

this is a kindda baduy post... but I don't care whether you'll read this or not!!! :D hehehe. just too happy to care. medyo late na to, humupa na ang aking kilig from last Monday. well, well, well. medyo baduy talaga to pero..

Last monday, I had a date with my long-time bestfriend Chame. She's just here for approximately 6 days, and she alotted a day with me.

So nung lunch, pinuntahan nya ako dito sa office and we had lunch sa Starbucks. Dapat hindi na ako babalik office kaso, me pending akong trabahong kelangang tapusin, so balik ako. At exactly 6pm, nagmeet na kmi sa Glorietta, had dinner and decided to check at SM for SEA Games souvenirs.

On our way to SM, sinimplehan ko lang sya na if I had plans of watching
Don't Give Up On Us alone that night (ayaw kasi ni Tin! hmpf!) nagulat ako when she agreed to watch it with me kahit last full show na. ayun na... Grabe, ang gwapo ni Piolo Pascual. nakakaloka. (hahaha pagpasensyahan na ang aking ka-cheap-an!)

Yun pala napanuod din ni Chame si Piolo dun sa Bday Concert ni Sharon Cuneta nung Sunday. Yung Nandito Ako na song na trio sila nina Sam Milby ng PBB, si Sharon at si Piolo. Grabe talaga. ang gwapo ni Piolo!


Gulat ako ang mahal na pala ng sine ngayon. Pero di bale na, kay Piolo pa lang panalo na!
hehehe, ang gwapo nya talaga. Actually, medyo ayos yung story line nya, panalo din ang location (sagada at mga bundok ba naman!).

just a brief background on the story,


============================

si Abby (Judy Ann) is career oriented at saka dominante. She works for an advertising company. S
ya ang paboritong ate ng bunsong kapatid nyang si Samuel, na magpapakasal supposedly kay Sabina na bestfriend ni Abby. Abby took charge of everything dun sa preparation ng kasal ng kapatid nya. kaso lang the twist started when Sabina walks out in the middle of her despidida de soltera. Sa pagtakas nya naiwanan nya ung bag nya, kaya dun nakita ni Aby ung tape na "don't give up on us" with a name of the club in Baguio (Ayuyang) at ung name ng guy na Vince. All along akala ni Aby, si Vince ang reason bakit umalis si Sabina. Being that hard-headed that she is, sumugod sya sa Baguio.

Sa Vi
ctory Liner, nanakaw yung maleta ni Abby. Hinarang nya ang truck ng isang lalaki (si Piolo) at pinahabol ung kumuha ng maleta nya.
well, after a while, pinuntahan ni Abby yung Ayuyang, and there he was singing ung lalaking hinarang nya at binully na sundan ung magnanakaw at si Vince, the guy she was after. Of course, as the story progresses she found out what happened to Sabina, and fell in love with Vince.

since they are from 2 different worlds (isang lalaking simple at isang babaeng hindi mabubuhay sa simpleng paraan), there's the conflict. Vince finally accepted that Star Records offer that was being mentioned in the movie, and he finally entered Abby's life.


=======================


Basically un lang sya. Of course, its the details in between that makes it nice to watch. Feel good movie lang talaga.


May ilan lang kaming observations ni Chame.

1. hindi naging malinaw yung nangyari kay Sabina.

2. bkit ang bilis bilis tumulo ng luha ni Judy Ann? si Piolo din!

3. hindi magaling si Judy Ann sa mga "landian" scenes nila. parang medyo uncomfortable sya.
4. bkit si Vince ang nag-adjust for their relationship to work? o conservative/idealistic lang kami?


I have a friend na almost same yung situation. If he finally decided to follow his GF sa states, he would be giving up a lot... his career, his principles... which is syempre iba sa ego ng isang lalaki. But I guess, if they will just be looking at it in a different perspective, parang un na ang ultimate sign of your love di ba?

Come to think of it, walang sense yung entry ko.

Just two important points:

a. ang gwapo ni Piolo Pascual super!
b. I had a good time with Chame! :)

Wednesday, January 04, 2006

a tribute

ikaw ang isa sa mga nagpapasaya sa kin pag ako'y depressed.

ikaw ang isa sa mga tunay kong maaasahang makakausap pag hindi ako masyadong sigurado sa aking mga kasama.

ikaw ang nagbibigay sa kin pansin pag walang pumapansin sa kin.

ikaw ang nagbigay ng rason para magkaron ako ng tiwala sa aking sarili.

ikaw ang aking kasa-kasama sa mga panahong mas nais kong mapag-isa.

dahil sa yo, napagtanto kong kaya ko palang gumawa ng mga magagandang bagay...

you brought me fame, pride and glory...

Namimiss na kita!