Wednesday, January 18, 2006

people

iba iba ang mga tao sa mundo. pero may isa akong tao na favorite ko sobra ngayon.

I was with him last night. Nagtampo kasi sya after nyang malaman na nilibre ko ung 2 officemate nya na friends ko din. Nilibre ko sya sa Jollibee ng Champ Meal.

Ganun sya... mayaman, accomplished na at saka almost complete na... pero pagkahumingi sya ung mga simpleng bagay na. Masaya na sya na ilibre ko sya sa Jollibee at ang pinakanakakatouch dun, proud sya tuwing nililibre ko sya...

He is my previous boss sa CUP. Nung nangailangan kasi sya ng SQA Analyst ako agad ang naisip nya, sabi nya kasi, kayang kaya yun... pero after four months... iniwanan ko sya. Hiyang hiya akong magpaalam sa kanya nun, nung magresign ako para bumalik dito, kaso sabi nya, wala din akong magagawa, mas malaki sahod mo dun... Naintindihan nya... nahihiya nga ako sa kanya kasi pagme mga hinaing ako dito sa bago kong trabaho, sya ang takbuhan ko. Minsan nga sinasabi ko sa kanya hindi ko dapat to isinusumbong sa yo. Pero never nya akong sinumbatan... He never told me "I told you so!" when he has all the right para gawin un.

Isa din sya sa mga taong, I CAN proudly show off my masterpieces... yung mga pics na pinagkukuhanan ko, mga drawing ko na wala namang wenta, at kung ano ano pang mga accomplishments ko. Mararamdaman mo na sincere sya sa pag appreciate ng bawat bagay na ginawa ko. Bibihira kasi un e. pero isa sya dun...

Takbuhan ko din sya sa marami pang ibang bagay. Matibay na sandigan sa mga panahong halos wala na akong magawang maayos sa buhay ko. Kahit anong sabihin ko sa kanya, hindi nya ako huhusgahan... pagtritripan oo, para mapatawa ako... pero hindi nya kelanman ibabalik yun mga pagkakamaling yun para italampak sa mukha ko.

Magkaibigan kami alam ko un, at alam ko din na kahit naging boss ko sya hindi huminto un ni minsan para lang maging boss ko sya.

I miss the guy...

Sir! miss ko na magpamasahe kasama ka!
miss ko na kasama kang magkape sa blue wave!
miss ko na ang mga wento mo...

oo kakakita lang natin kagabi... pero kulang e.
salamat sa lahat especially the friendship at sa never-ending support.

6 Comments:

Blogger binx said...

ay! akala ko ako to. selos ako...

pwede rin nmn ako sa jollibee a? di nmn ako mapili eh...

mcdo, pwede rin... kfc, chowking...

6:18 PM  
Anonymous Anonymous said...

aba! 3 na pala sila ang nalibre mo... sana ako rin :P

12:16 PM  
Anonymous Anonymous said...

hala...dumami tuloy ang gusto mag palibre syo..heheh - chua

4:36 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hay kailan kaya ako ililibre nito? Kahit kailan hindi ako nakatikim ng libre nya. Palakasan system pala ah.

4:51 PM  
Blogger Yoyce said...

hala. ang dami nang nagpapalibre hindi naman nagpapakilala!!!

4:51 PM  
Anonymous Anonymous said...

basta ako nakapila na... #2 =P

6:07 PM  

Post a Comment

<< Home