Wednesday, November 30, 2005

J.O.Y.C.E.


Jewel Offering Yummy Carnal Embraces

Just got this from Tin's blog. :)
Sapalagay nyo, tutoo ba?

Thursday, November 24, 2005

backpack-less climb...

Last weekend was my second time to climb Mt. Daguldol in Brgy. Hugom, San Juan, Batangas. Once again, it was an open climb. The first time it was planned, parang isip ko "hirap nung bundok na un e." pero kesa naman sa gusto nilang Gulugod-Baboy na naman, sige ikako tutal ndi ko pa naman aabot ang summit ng Mt. Daguldol, hindi na masama balikan.

Umattend ako ng preclimb nila, pero hindi ako nakinig. May IT ako pero hindi ko pa din pinag-aksayahan ng panahong basahin. Kung hindi pa sinabi sa king... Joyce, dayhike tayo, hindi overnyt sa taas... hindi ko pa malalaman. Sensya na minsan may sarili akong mundo e. Iiwanan daw ang backpacks sa resort bago mag-ascend, naisip ko "ayos to!". Honestly, impressed ako sa nakaisip nun, kasi last na umakyat kami ng Daguldol, karamihan sa mga guests na gustong mag-apply, humihirit na gawin syang training climb dahil mahirap.


Nung saturday, natuwa ako talaga, matindi. Hindi ko maiwasang ikumpara yung huling akyat ko. Dati, sa
unang shed pa lang akala ko hindi na ako makakabot ng campsite, pero this time, wala pa atang 30 minutes nandun na kami. as usual, picture-taking. Dapat maglalunch na, pero hindi kaya pa daw ng mga guests so, off we go to the next stop. dun sa may tindahan ng Mountain Dew, dun na kami naglunch. Next na stop over ung dun sa may taas, yung dating may nagtitinda ng halo halo. This time wala nang tindang halo-halo, as usual, picturetaking na lang ulit ang mga tao. Dito nagpaiwan na si Vidal, magbabasa na lng daw sya ng book. Gusto ko na din sanang magpaiwan, kaso, sa takbo ng mga pangyayari, sayang ung lakas ko. Imaginin nyong, I was dancing while trekking, at kumakanta din, ewan ko kakaiba talaga, sarap ng walang backpack na mabigat. Bago kami makarating sa taas, ung guide namin sa likod, me itinuturong daan na papunta daw ng summit. Nagra-radyo si Sweeper Richard kina TM Manny, kaso ndi magkaintindihan so proceed na lang sa pagsunod kina Manny. ayun, nung makita nung guide namin sa likod ung final destination, napasabi sya na summit daw yun ng burol. hahaha. Pagdating sa taas nagpicturetaking lang, then bumaba na kami, pano kasi umuulan, at saka malakas ang hangin. Gusto pa sanang mag-attempt puntahan ung kabilang summit, pero dahil maulan na nagpasya na lang yung pinakamatandang guest na "safety first". ratrat na ulit pababa, sinundo na namin ulit si Vidal. Nagbilihan pa nga kami ng ice candy, isipin mong nag icecandy pa ako kahit lamig na lamig na ako. ayun.

Pagdating sa baba, putol ung pole ng tent namin ni panget, nanghiram lang kami ng pole kay ten. Walang masyadong pictures kasi natatamad na akong magpic. at saka ndi ko din alam kung may mahihingan ba ako. anyway, yun.

Nung dinner, ang naging dinner is boodle fight!!! inihaw na liempo, chopsuey, at me sinigang pa. Oh well, nung una pinagtatanong pa namin ang mga guests kung kaya ba nilang sikmurain ang aming tradisyon, lahat naman sila ay game. Si Aina at si Ed na huli nang dumating ayun, nakikain kasama namin, aliw na aliw sila.
Ako, si panget, Vidal at Ava ang nagligpit nung pinagkainan. Diosmeyo! napapaduwal talaga ako. medyo nakakadiri kasi yung mga tiratira e.

Nagstart ung socials na, first part is the getting-to-know-you part, nag-introduce yung mga guests: si Amor, Dan, Gail, Ed, Aina, Myrene, PE Teacher Odie, Sheng, Dino and Tin. (may namiss out ba ako?). Then yung members. After mapakanta si Kuya Ipe ng famous Seiko Wallet jinggle at yung Batch 10 ng kanilang batch jinggle, nagstart na ang games.


First Game: Kainan ng Saging - nakaluhod ang mga blindfolded na mga babae habang hawak ng mga lalaki ung kanilang saging (as in BANANA na tutuo ha!). Winners? si Dino (guest ni Ava, isang rower) at si Vidal. Nagbabalat pa lang ang ibang pairs si Vidal ubos na ang saging. Bangis talaga!


Second Game: Longest Line - Lahat ng nasa katawan ng bawat member ng group ay ilalatag at ang may pinakamahaba panalo. Nang magkaubusan na ng shorts at t-shirts, sila naman ang humiga para humaba pa ang kanilang line. May isang rule na nung inievaluate yung mga nakalatag walang tatayo, panalo sana ang Torsten Team (lahat sila nagwowork sa Torsten!) kaso, may tumayong iba kay... (o ayan ndi na kita binulgar ha!), kaya natalo sila ng team nina Master.

Third Game: The Boat is Sinking - Memorable ang game na to. Marami kaming natuklasan. Walang kaibi-kaibigan, walang kapa-kapatid, walang barka-barkada lalo na ang pinag uusapan ay neckwallet. Eto lang yung game na nasalihan ko. mga ka-alliance ko dito si Vidal at si Panget. Bago magstart ung game binulungan ako ni Panget na "pare, basta pag dalawa, tayong dalawa ha?". Ayos naman ang game, hanggang sa ang matira na lang is ako, si Vidal, si Master at si Glenn. Pinaglayolayo kaming apat, ng sabihing group yourselves into two. Hindi ko alam kung tatakbo ako, napako ako sa lugar ko, nakita ko si Master rumaragasa papunta kay Panget at si Vidal patakbo papunta sa kin. Ewan ko wala atang nakaisip sa ming walang matatanggal dahil divisible naman kami sa 2. Then nung sumigaw na ng group yourselves into 3, ewan ko ano nangyari ang alam ko lang, magkahawak kami ng kamay ni glenn, and then nadaganan na ako sa ilalim, si Vidal ang natanggal, sabagay ano nga namang laban nya kay Master. Eto na ang tricky part, alam na ni Master na matatalo sya, kasi impossibleng maghiwalay kami ni Panget. Madaya daw. Pero inilaban nya talaga, matindi talaga ang pangangailangan sa neckwallet. They've decided to blindfold us. pinaglayo layo kami. Ang katangahan ko lang sinigaw ko ung name ni Panget, ayun, nahuli ako ni Master (kahit anong palag ko! nagkapasa pa nga ako sa braso e), sabi ni Panget me mga humaharang nga daw sa knya, ewan ko. basta ayun, panalo naman ako ng neck wallet. si Panget, binigyan ng stuffsack ni EL as consolation.

Fourth Game: Saluhan ng itlog (hindi kasi natuloy ung isang game) - nanalo sina Aina at Ed. Magaling hahandle ng itlog. hahaha. Me Tender Loving Care. :)


Fifth Game: Limbo on the Rocks - sha-shot muna ng Matador bago maglimbo, paglagpas sa kabila saka iinom ng chaser. Malulupet ung mga contestants dito. Nasubok ang tagtag ng tuhod at balakang ni Manny dito, natalo sya kasi binigo sya ng kanyang tyan. hehehe. Nanalo si Aina, magaling! ;)


After nung games, nag-inuman na. Tumambay lang ako at nagsunog ng baga, ndi ako uminom. Nakikikanta lang ako at nag iintay ng wishing star. sa ika-apat na bote ng Matador akala ng karamihan ubos na ang stocks kaso biglang me lumabas na apat na bote pa ng Emperador. Buti na lang tumayo na si Panget, antok na ako. Dun na lang kami sa tent, si Manny na shonge-shonge na nakigulo pa sa tent namin. kwentuhan at kulitan. Sarap ngang batukan yung batang yun, gusto pang dagdagan yung butas ng flooring ng tent namin. Nagyosi kasi sa loob ng tent. After nyang mangulit natulog na kami.


Nagising ako umaga na, sumilip ako sakto, sunrise. :) nakapagtake pa ako ng picture and then tulog ako ulit. Mga 7:30 na kami gumising, nag almusal.

Hindi na ako talaga makapag antay kaya nagswimming na kami nina Tin at Myrene, kaso lang, na-jellyfish si Tin, kaya umahon na sila agad, ako nagbabad pa ako dun.

Maya maya nagsimula nang maglaro ng Patintero, ang hindi natapos na laban nung Med Mission. In fairness nakascore na ang Oldies! Ka-galing kasi ni PE Teacher (na hindi umubra kay Panget! hahahah). Nakalaro na din ako ng patintero dahil nagsub ako kay Vidal nung magpahinga sya. ang score 1-0.
Ang sarap ng lunch namin. Enjoy ako. Inihaw na tilapia at saka kain. As usual ala akong mess kit kaya sa dahon ako ng saging kumain. Yum yum. After lunch, nagprepare na ang mga tao para pauwi.

Of course ang mga group pics.


Then, uwian na...

Kami ni Panget, pagdating sa Crossing, nagJollibee pa kami. Gutom na kasi ako e. =)

Masaya yung climb. For the second time, naenjoy ko tong bundok na to. :) I had fun. un nga lang dahil sa inuman, ung quality time namin ni Panget nabawasan. Kahit nag-iinitiate sya nung usual small talks before sleeping, I'm too sleepy to take notice.

I fulfilled my promise to Tin that I will stick with her sa trail. Ewan ko pero wala namang promise si Panget to stick by me, pero he did (akala nya ata kasi meron!). =)

backpack-less climb... parang painless na panganganak. hahaha.

Saturday, November 05, 2005

happy trekkers

this post is worth of six eventful days... medyo long story...

Friday night when we are scheduled to leave for Nueva Viscaya. I met up with Cloyd and Richard at Pasong Tamo, then surprisingly Dang was there too. We HAD a hard time to get a ride to Kamuning Terminal of Victory Liner. Panic na ako, ayokong maulit ung nangyari last year! We arrived a little past nine, after cornered a manong na kakatapos lang kumain. Umiwas kami ng EDSA, nag Nagtahan kami then, Aurora Blvd.


Ang tindi ng bus ng victory, on the dot umalis. 10pm ang schedule na alis, umalis nga ang bus ng 10pm. The group was composed of: Richard, Cloyd, Sir Thornz, Vince, Marlo, Rachel, Ten, Suzette, Jing, Panget and me. Panget and Richard was assigned to be the sweepers. Wala namang masyadong pangyayari sa bus, maliban sa ang tagal ng byahe namin at malamig, ang karamihan ay natulog lang at pag may stop overs, kumakain at nag-siCR lang.
Sumakay kami ng jeep to Kayapa from Bambang, Nueva Viscaya.

Ang tindi ng development, iba na yung dinaanan namin, concrete road na at meron pang construction for a flyover(?). Unlike last year, na sobrang maalikabok, the ride was pretty clean dahil naging maulan naman ng mga nakaraang araw. Stop over sa Kayapa Police Station, breakfast, repack and preparation for the climb. Nag-stretching kami of course taking the lead from Sir Vince. Makakatulong daw un sa pag-akyat.

Nagulat ako sa trail, ndi ko sya inaasahan. ewan ko ba, as per last year, ndi ko matandaan ung ibang dinaanan namin. ang mga natatandaan ko lang is yung mga madadaling part. hehehe. una pa lang nasa sweep group na kami ni suzie. masaya kami sa likod. wala kaming pakialam sa kung sinong malakas o sino ang mabilis, ang naging mahalaga lang sa min is kung enjoy kami. Picture-taking pa nga kaming apat, minsan lima kasi iniintay kami ni EL Jing.

Naglunch kami sa Indupit Village.
Ang lamig ng tubig, parang galing sa ref. :) picture taking, asaran. then, off we go. straight na yung trail from here, Richard decided to share something from Rex Navarete. Malupet ang bata, kabisado. hahaha. tawa talaga ako ng tawa, naubos nga yata ang lakas ko dito. Yung tungkol sa hamster at sa grandmother packer, mother packer, the best. hahaha, hanggang ngayon pag naaalala ko natatawa ako talaga. Nag-usap din kami about Harry Potter and other interesting books. Nakakawala ng inip.

Next stop, Ansipsip shed. picture picture pa rin, wentuhan. Nag-regroup na kami dito. Nagpicture taking din ang Batch X sa "this way to mt. ugu" sign. after a few minutes, nauna na ulit sila, si Jing sumama na sa kanila after nilang mag negotiate ni Suzie na babalikan sya ni Jing once mailapag na ni Jing yung gamit nya sa campsite. After this shed is the long winding flat trail na. Kung ano ano na naman ang napag usapan, nakakatuwa si Richard, maalam na bata. :) madaming alam. Pinipicturan din namin yung mga view.

After nito is the rolling na to Dumolpos Village (kung saan kinain ng baka yung sumbrero ni Kulas last year). Meron akong memorable experience dito. Syempre hindi nabubuo ang climb ko kung hindi ako madudulas, what makes it more funny is yung simulation ni Panget ng pagkadulas ko. Nung dumulas ako ndi ko expected, then, napatili ako, alalang alala si Panget sinasabi pa nyang, he will help me and he'd been asking me what happened. Before any of us answered the next thing we knew is plakda na din sya sa likod ko. hahaha. so funny, so sweet. :)


Sa Dumolpos Village nagstop over ulit kaming apat to eat. Then we started our trek na. Suzie wants to meet Jing just half way. Then, Station of The Cross na to the shoulder. ang ganda nung view, kitang kita naming palapit sa min yung makapal na ulap. And before we knew it, gabi na. Night trek kami sa station of the cross, sabi nga ni Richard eto na daw ang pinakamahirap na ginawa nya sa tanan ng pag-akyat nya. Mahirap sya in the sense na madilim, pagod ka na, praning ka na, at kung ano ano na ang nahahallucinate ko. Buwang siguro ako pero I find that part really nice :D hehehe. Dito si Jing na ang nagsweep sa min, then si Richard na ang nagtrail master, kasi yung flashlight ko wala nang battery, nagpapanic na din ako kasi wala na akong makita, mahirap gumalaw kasi matarik at saka bangin. Oh well, ang goal namin is dumating sa campsite (shoulder) ng 6:30pm, in fairness, dumating kami 6:42pm. :)
Pagdating sa campsite, ang bait ni sir Thornz, inabutan ako agad ng mainit na noodles.

Then, Panget and I started pitching our tent na. It was creepy kasi me nakita ako not very far from the campsite, akala ko white lady, wala pa naman akong flashlight to check if it is really a white lady. I just ignored it. When Marlo cursed. hahaha nakita din pala nya, yun pala patay na puno lang sya, and it was just shaped like a lady in a veil. Kain lang kami, ligpit, not much of socials, malamig kasi and we will be having an early start the next day.
Ngapala, hindi sya cow-infested area unlike last year sa summit. Tatlo lang ang baka na nandun, kaso nga lang, nanunuwag yung isang baka. Yung tent nina Jing nagkadent, sina Ten ndi pinatulog ng baka, at sina Marlo at Sir Thornz naging adventurous ang pagbasag dahil sa mga baka.
tira-tira ng sunrise

Maraming maagang nagising sa min, as usual, ndi ako kasama dun. so ndi ko na naman nakita ang sunrise :( sana ang sunrise alas siete ng umaga no? hehehe. Breakfast and Breakcamp kami, pero colorful ngayon ang dating simpleng breakfast at breakcamp, dahil sa pagsuwag ng mga baka sa min. Nasuwag din ako. Masakit ha! Nagkakabiruan ngang dapat meron nang BULL MANAGEMENT 101 sa BMC Training e. And the Bull Master should be Jing. hahaha. Malupit si Jing, talagang nilalabanan na nya yung baka. hehehe. After saying our goodbyes to Baby Cow, Brown Cow at Mad Cow, off we go to summit na.

Sa summit at sa crash site nagpicture-an ever ulit.DISCLAIMER: Ndi ko po syota o boyfriend ung kasama ko sa pic. Ndi din po ako nagpi-feeling syota nya o girlfriend for that matter. Maganda lang po talaga ung view dyan.


Then, ang matarik na pababa. Dito nag-offer si Jing na mag-sweep. Nagpahuli sila ni Suzie dahil nag hahanap pa sila ng cellphone. Dito na yung maraming pine trees. Picture picture. And some time, may 2 bata nang sumusunod sunod samin. Mahiyain sila nung una, then pinakain sila ni Richard ng Fugee Bar (tama ba spelling?) mayamaya, kasa-kasama na namin sila. Para silang mga fairies na nagga-guide sa min. At pinagtatawanan kami. :)

Stop over ulit kami dun sa me mataas, picture taking. Grabe ang laki ng katawan ni Sir Vince
nakakatakot :D hehehe. sabi nya, sya daw yung katawan na model sa silverworks. sa hulihan pa rin kaming tatlo ni Richard, Panget at ako, si Suzie rumaratrat na din pababa. At yung dalawang bata (si Bentres at si Pedro) nakapalagayang luob na namin. sa bawat hinto at pahinga, pahinga din sila. Naglalaro pa nga kami ng taguan e. Huling hinto namin sa lunch area then, ratrat na kami. habulan kami nina Bentres at Pedro, kakaiba nga kasi ndi ko na iniisip yung mga aapakan ko e, basta habol lang ako sa knila. Inabutan pa nga namin sina Jing at Suzie, at pati sina Rachel at Cloyd. Basag na daw kasi yung tuhod ni Rachel, kaya medyo bumagal na. Ako din malapit na mabasag ang tuhod ko, pero ewan ko inaaliw ako nung dalawang bata. habulan, taguan, at unting wentuhan. :)

Pagdating sa Lusod Community School, maya maya pa'y dumating na din ang mga
doctor, sina Vidal at sina King Louie. Lunch lang muna, at ang mga doctors ay naligo na. yung iba sa min, nakaligo na din. Nagstart na ang Medical Mission. Taga-kuha ako pics kahit ang baho ko na. hehehe. Ang food committee naman nagsimula na silang magprepare ng pang dinner. Ang sarap ng dinner namin. Spaghetti at Fried Chicken, aba, anong sinabi ng Jollibee sa combo meal na ito. :) After ng dinner, nag meeting muna ang members tungkol sa gameplan sa induction ng mga inductees. After the meeting, ang 2 shots lang ni Panget inabot kami ng 2 bote ng kwatro cantos ng gin. Birthday kasi ni Abet. Inuman kami. unting shots lang ako, dinadaya ko pa nga kasi yung shot ko inihahalo ko agad sa chaser. :) Nagtent kami ni Panget, pati sina Jing at Suzie.

The next day, we had an early start, preparation for the Medical Mission. Ang food committee ang nagprepare ng almusal, tocino at siningag. After nun, dumagsa na ang mga tao. Nakakatuwang isipin na mga mahihiyain sila at mga disiplinado. Kung san lang sila idirect dun lang sila, which makes the crowd manageable. May mga babies na kakyu-cute. May mga
matatandang hindi marunong mag-tagalog. May mga nanay na ramdam mo ang kanilang pag aalala sa knilang mga supling. Yung huling Medical Mission namin sa Tanay nadala ako sa mga tao. papano sa Tanay, ineexpect nila na kasama sila sa pagkain na inihahanda namin. Pero dito sa Lusod, walang humpay ang dating ng kalde-kalderong mga brown rice (red rice ang tawag nila) at mga thermos thermos na Kapeng Barako (sarap nito, talo ang starbucks!). Sila pa ang tanong ng tanong kung ano pa ang aming pangangailangan. Isa sa mga naging matinding pangangailangan dito ay ang supply ng yosi. hahaha, nakakatuwa kasi binigyan kami ng tabacco at saka pudpud tpos, tinuruan kami kung pano sya gagawin. un ang local cigarette dun. Not bad, alam mong walang chemical na halo. After the medical mission, umalis na ung mga doctors sinamahan na sila nina Divine, Dad at Clarence. Nagpicture-ran pa as remembrance. Ang kulit ng itsura ni Sir Vince, hawak nya lahat ng camera. Yung mga pictures ng Med Mission proper, naupload ko na sa http://community.webshots.com/user/medmissionlusod
visit nyo na lang po :)

Nang makapananghalian, nadiskubre kong dumating na ang aking buwanang dalaw, naligo na ako, at kahit gustong gusto kong sumali sa patintero ndi ko magawa. :( tawa ako ng tawa kasi ang kukulit nilang maglaro ng patintero, members versus inductees. Nanalo ang Batch X. yey!
Naglaro laro din sila ng volleyball with the locals. Mabangis pala sa volleyball sina Robert, Cloyd at Richard. :) All cheers sa knila ang mga nanunuod.

After a while, tinamad na din kaming manuod ni Panget, nagkaayaan kaming umakyat sa may
tindahan. Ewan ko nagugutom kasi ako e. Then tumambay kami dun sa me upuan ulit. Kain kami ng Super Bawang (ang version nila ng Boy Bawang) at Coke, wentuhan kami dun, mga comments na pang aming dalawa lang. Then, we saw Sir Thornz, nakipag wentuhan din sya sa min, we were later joined by Kagawad. Wentuhan wentuhan tungkol sa kung pano ang pamumuhay sa Lusod. Dumating din si Ava. Me binisita kaming ideal site for the induction rites, grabe breathtaking! kitang kita mo kung pano gapangin ng mga ulap ang mga kabundukan. Picture picture, then balik na kmi ulit sa school. Nagstart na silang mag ihaw, kaya tumulong na lang kami, nagboodle fight kami nung dinner. Sarap yummy!!! Ndi na kami nagtent, tumabi na lang kami dun sa classroom kina Vidal.

The next day, maaga, induction rites na. Hindi ako pedeng magwento ng details about th
at e, pero since gusto nyong malaman, ang payo ko na lng sa inyo, magtrain kayo sa min. hehehe. Nakita ko ba ang sunrise? hmmm not really, natatakpan kasi sya ng Mt. Ugu. pero bangis ng picture ko dun nung umaga. :)
Ang lamig dyan. hehehe.

Nang makababa na kami. luto luto pa ang food committee ng breakfast, then picture-taking ever kami muna. group pics naman.

Bago kami umalis, me pabaon pa sila sa ming mga saging. Kinuha sya ni Richard at sya ang nagbitbit. Nasa sweep group pa rin ako. At nung una, ang kasama namin sina Ava at Vince, pero somewhere along the trail, nagtagpo ulit ang landas namin ni Suzie. Nagpahinga muna kami at kumain ng saging. nagkwentuhan at nagkulitan. nagpicture-picture din ng mga view at sunflower.


Pagdating sa monkey bridge, nagpakuha kami ng pic, me kain kain na mga saging. hahaha. mga monkeys talaga. :) pagdating sa jeep, sakay na ang lahat, then off to NDCC sa Baguio.

Pagdating sa NDCC, napagdesisyunan na namin ni Panget na magextend. Had lunch, then nawalan ng tubig, ndi pa kami nakakapag wash up ni Suzie. We then decided to look for a place to stay. We checked on Microtel pero mahal so, we ended up in a transient house. Bahay daw ni Kuya. hehehe, dun kaming apat nina Jing, Suzie, ako at ni Panget. We stayed there. Nakatulog na kami parepareho sa pagod. Nang magising, naggalagala kami sa SM, then dinner sa 456 Restaurant (na katapat daw ng Don Hen! grrr)

Bago kami natulog na apat, nag-inom pa kami ng red wine courtesy of Jing and Suzie with cheese. :) sossy ano? Then, nuod ng inside 9/11. Tulog na kami after.

The next day, ayos sa arrangement, kami ni Panget bumili ng pandesal, then luto na ng breakfast si Jing. Kami ni Suzie ang tulong na naghugas. Nagpaalam na sina Jing na maaga silang uuwi dahil kelangan. Kami ni Panget, pumunta na kami sa Victory Liner para buy ng ticket for a 5:20pm na byahe, Ibay's (panget, thank you sa pendant!) then sa Good Shepherd. Pinilit ko na din si Panget dumaan ng Minesview. picture picture then balik kami sa bahay para i-drop off ang mga pinamili. Punta na kami sa ukay-ukay para hanap ng jacket. kaso wala namang magustuhan :( hayyy kulang din sa oras kasi ndi pa kami tapos mag ikot. Pero I made sure to fulfill my promise to God na dadaan kami ng cathedral.

Uneventful na ang byahe pauwi, dahil na tulog na lang kami ni Panget sa daan. :)

Tired na kayong magbasa?

I don't really care if you'd reach up to this point. basta I am doing this for my benefit. :)
I learned and appreciated the induction rites of OCMI more. Namiss ko din si Kuya Fred.

Thursday, November 03, 2005

no pics yet

excited na akong magpost, kagabi pa. kaso lang bigla kong narealized kung magpopost ako, walang pics. yung pics kasi sa bundok, gamit namin camera ni panget, mula nung medical mission lang naming ginamit yung camera ko.

for those you have read my last post, ANSWERED PRAYER sya. :)

pasensya na rin kung bakit ngayon lang ako nakapagpost. Hindi po ako pumasok kahapon, nag-extend kami sa baguio ng one more day, with suze and jing.

ang saya-saya ko, ndi ko nga alam san ko sisimulan ung kwento ko e :) I can't stop smiling :) obvious ba? tadtad na ng smileys yung post ko.

pagnakuha ko na ung pics from suzie, rachel, sir vince, at panget, I will post the whole story na. sa ngayon, ang masasabi ko lang,

Masaya sa Sweep Group... Happy Trekkers.

sweep group is composed of Suzie, Me, Panget, and Richard.
hindi naman kelangan ng ratratan at bakbakan at yabo-han pagna-akyat o nababa e, ang mahalaga lang ay masunod ang IT, ligtas ka at higit sa lahat nag eenjoy ka.

anyway, hayyy, saya talaga :)