Monday, May 22, 2006

BORA Day 1.5 - Videoke Night

ang haba ng wento ko! hindi ko nga alam san ko sisimulan. For the past 4 days (starting wednesday afternoon until this morning) daming nangyari. Maraming FIRSTS!!! Madaming bagay ang went just according to what we planned at madaming bagay ang unexpected.

Day 0.5 (Wednesday Afternoon, May 17, 2006)

Unang una, first time ko tong byahe kong to sa BORACAY!!! the original plan is magbabarko kami to Caticlan scheduled to leave last Wednesday, May 17, at 5pm. So katulad nung nakalagay sa ticket, we were there sa pier 2 sa Negros Navigation unfortunately (or rather fortunately!) wala na ung barkong sasakyan namin, nagpalit sila ng schedule, they made it earlier. ayun, after three straight english statements from Suzzie, they provided us plane tickets to Caticlan (via Asian Spirit) for free (dapat lang!). So, si Sheldon makakasama na sa min (un nga lang mapapamahal sya ng fare!). So habang pabalik kami ng Makati, sina Sheldon at Tin nagpapabook na ng tickets ni Sheldon. Since, the next day pa ang flight namin, that night dun kami sa condo nina Sheldon natulog. Nagrepack, last minute grocery, nagrepack ulit at nagtrip na magroast sa kandila ng marshmallow. hehhee.

nagroroast ng marshmallow sa condo nina Sheldon.
Ako, si Sheldon at si Suzette.
Si Suzzie? nasa friend nya naniningil ng utang
para may dagdag na pera sa bora.


Day 1.5 (Thursday, May 18, 2006)

The next day, para kaming mga atat, sabi sa ticket, 3 hours before the flight kelangan nandun na kami. E, 9:30AM ang flight namin dun na kami ng 6:30AM. Nag aantay. Kami yatang apat ang unang unang nakapag-check in e.
ayan, wala kasing matinong tulog,
wala pang ligo. Adik! hehehe.
nag-aabang ng boarding.

Habang nakatambay, nagwewentuhan na kami. At as usual, nagplaplano na ng susunod na lakwatsa. We had this pact among the four of us (si Sheldon, si Suzette, si Suzzie at Ako) na magroad trip kami sa September at mag-backpacking kami across the Philippines after two years. By blood lang ang pedeng member but eventually, mayron na kaming 2 under probationary members (Si Tin at si Che) . But that's another story!


Kita nyo ung airplane sa likod?
yan ang aming airplane na sinakyan.
Tulog ako buong byahe.

Matpos kong mag-coordinate ng work related issues via cellphone.
Picture-picture pa sa Caticlan Airport.
Hindi sya mukhang airport!

Ayan, palabas kami ng airport.
Hanapin namin ung sundo from Fat Jimmy's.

Kami ni Suzzie.

sa tricycle papuntang Caticlan Jetty Port
from Caticlan Airport.

Me, si Panget, si Suzzie, at si Suzette.

Nasa Boat to Bora.

Nung dumating kami sa Boracay, ewan ko. May panlulumo akong naramdaman. Nalungkot ako kasi parang "Is this Boracay!? Parang mas ok pa ang Puerto Galera a" sobrang nadisappoint ako sa nakita ko. Bumaba kasi kami from Station 3 then, sumakay ng tricycle to Fat Jimmy's sa Station 2. Daming dumi ng tubig. Tapos parang ang crowded. Pero since nandito na kami, we've just decided to enjoy anyway. Punta na kami sa Fat Jimmy's and since last minute ang pagsama ni Sheldon, we still made some arrangements for him. Then, ung room in fairness ayos na sya for 2500 per pax (tama ba? limot ko na. basta alam ko ung original na 2900 may reimbursement pang 400) for 4 days and 3 nights.

when we were unloading our loads.
parang may sarisari store kami sa luob ng room.
daming food!!!

Nung makapagsettle na kami sa room.
nakaligo, at nakapagbihis.
naghanap na kami ng mapapaglunch-an.

nakaligo, at nakapagbihis na ako!!!

We ended up here sa The Sun Village.
Our First Meal in Boracay.
Ang mahal! Wala akong masabi! Mahal!

While waiting for our food.

After eating our lunch we've decided to explore around. Get ourselves familiar with the place. Nakakashock. Shet, parang may Glorietta 5 sa Boracay! Extension ng Glorietta. Yung tinatawag nilang
d'mall dun. Wala lang. Masyado syang commercialized! As in. May Rudy Project, may Ice Monster. langya. Sensya na medyo pagdating sa mga ganto, medyo conservative ako. Then, naisip ko baka may Starbucks hehehe. kaso ala. hayy. nagpapicture lang kami.

Eto yung pinaka-middle ng d'mall.
Parang ung Glorietta Activity Center.

hayyy... nakakagulat lang.

Si Suzette habang naghahanap ng pasalubong.

Nagtitingin tingin ako ng papasalubong ko sa Mommy ko!

Nagtatanong si Suzzie ng hikaw
Tig-tatlo 100 pesos.
Ala namang nagustuhan.

Naghahanap ng mapapasalubong
sa mga barkada kong adik sa magnet!!!

Sa labas ng Fat Jimmy's.
With Tin and Che's friends (sina Melissa at Cherisse).

Wala pa si Che. Hinahanap pa nya kami.

With the girls sa room.
San si Suzzie?

Boracay...

Sina Che, Tin, Melissa, at Cherisse.

Playing Frisbee.
Me...
playing with S1 and enjoying the view.

Pormang Atletang Pinoy!
Bunga ng Tuna Lite!

Sa Sand Castle...

Aking mga Bora Models...
Top: si Tin... ang heart breaker!
Second: si Che... atletang pinoy!
Third: si Suzzie... the sophisticated bichessa!

habang nag-aantay sa tapat ng Plazoleta.
Paboritong tambayan!

Tattoo sessions.
Top: ako... sa likod ng kamay
Second: si Suzette... sa lower back
Third: si Sheldon... sa magkabilang likod ng kamay

My First Bora Sunset Masterpieces.

After the sunset, bumalik kami sa room, natulog. Nagising kaming apat, 8:30pm na. Nagdinner kami dun sa Shenna's (ata limot ko na spelling) ayos naman, kaso mahal. After nun, naglakad kami naghanap ng magagawa. And we finally decided na mag-videoke... until almost 3am. Grabe. Masaya, walang pakialaman. 250pesos + 12% VAT at 10% Service Charge unlimited ung songs (kasi 10 pesos per song plus 12% VAT at 10% Service Charge!), in fairness, more than 25 songs kaming tatlo nina Suzette at Suzzie, so i guess, sulit na din. From Happy songs (e.g. Top of the World), Sawi Songs (e.g. All at Once na naka-100 ang score! ung Even If at Paalam na), to Angry songs (e.g. Bitch, Zombie). We girls really sang our hearts out!

Kanta lang ng kanta.

Sawi Songs... malamang pasado.
Happy Songs... madalas bagsak.
Passing Grade... 85

Project na project sa pagkanta.
Ung may-ari nung bar sa likod hindi na nya alam
kung masisiraan na sya ng ulo sa mga boses namin.

Paalam na...
ano nga ulit score ko dito?

yup... to the point na tumatayo ako sa silya.
lalo na pagmataas ung kanta (Even If)
o kaya ung Angry songs (Bitch and Zombie)
o Happy Songs para may choreo (Top of the World)

Today, we decided to look for good things about Bora. And for today we really do appreciate the sand, maganda talaga. Next... we had fun singing...

Later... Day 2.5 naman...

BORA Day 2.5 - A Day Full of Firsts

Today, maraming bagong nangyari sa buhay ko... may isang bagay akong ginawa na hindi ko ubos akalaing may lakas pala ako ng loob na gawin.

Usapan from last night, maaga kaming magigising for sunrise, at least Suzzie and Sheldon agreed on that. I woke up early around 5am. pero tulog pa sila e, so tulog na lang din ako ulit. Then, si Che nagtext daanan daw nya kami. So pumunta sya sa min. Nakitambay lang sya habang breakfast kami.

having breakfast at Fat Jimmy's. with Che and Sheldon.

Sabi nya yung ibang friends nya ayaw sumamang magcliff-jumping. Si Suzette at Suzzie at ako medyo may second thoughts. Pero si Sheldon at Che, sobrang decided. Akala ko pati si Tin ayaw sumama. Buti na lng she texted me nasa may d'mall pa lang kami. So, we waited for her. Sya lang sumama. We took a tricycle to Red Pirate sa may station 3 where we will meet ung guide namin. Si Che, kasama nya si Kat, nag-kayak papunta dun sa site. Dumating si Kuya Tammy. Sabi nya magtrek daw kami, lapit lang. Since mga lahat nakaakyat na ng bundok, walang nasindak sa trek. Kaso, naloka kami. ROOT CLIMBING daw kami. Isang wall sya na puro ugat lang, at walang stable na aapakan. PANALO!!! Feeling ko, ako si Lara Croft! isipin mong, pare-pareho pa kaming naka-2pc bathing suit (with bikini bottom!) at ang mga tsinelas namin, pang beach.
yan. si Kuya Tammy inaalalayan akong sumampa
matapos bumigay yung tinatapakan kong bato.
buti na lng nakahawak ako sa ugat... ng puno!


Si ULA, ang batang gubat!
Ayan nasa taas na... ok na...


Si Lola Tin naman ang nasa likod ko.

Nakakangiti na ang lola ko.
Lapit na kasi sa taas.
Si Suzzie, seryoso sa pag-akyat...
ng nakabikini!
Sa Trail, lapit na sa stop-over.
Tindi ni Kuya Tammy,
guide na, porter pa...
photographer pa!

Sina Che at Kat nagkayak
papunta sa Cliff-Jumping site.

Stop-over muna.
Picture-picture.

Tin! Tingin sa malayo! Tingnan mo ung bangka, Kunyari dun ung boyfriend mo!

Sa Cliff-Jumping Site...

May tatlong levels, the first one is the beginner's. Medyo mababa lang sya. Pero nakakanginig pa rin ng tuhod. Si Sheldon ang unang unang tumalon. At nung tumalon sya tinanong sya agad ni Kuya Tammy kung tumama ba sya sa bato. Tpos, sunod sunod na silang tumalon. Pangalawa ako sa huli dahil ako ang nagtetake ng pictures nila. Tumagal din ako bago makatalon. May issues talaga ako sa heights at sa paglet go. Pero nung magkatalon ako. kakaiba ang pakiramdam. Actually, wala akong naramdaman. Parang I step off one second and found myself in the waters the next. Parang ung sensation ng pagkanilaglag ka sa banana boat, pang ganun ung feeling once I hit the water. kaaliw!

Lahat kami naka-life vest, maliban sa lola Tin. malupet! panalo! Adik! hahaha.

Sa second level. ayan na naman ang issues ng pagtalon. tpos, sandamakmak na mga boats ung dumaan. As usual, sinumpong ng pagkalokaloka ang lola nyo. Kumaway ako sa mga fans na nasa boat. Pucha, kasubuan na. So, ayun, isang tawag kay Suzette para makuhaan nya ako ng picture in action, tumalon na ako, habang madami pang fans na makakaappreaciate. Nung pag-angat ko, medyo lumakas ang mga alon dahil sa mga bangka, nilapitan ako nina Kuya Tammy at Kat agad, at nasabi ko na lang na ang sarap ng pakiramdam, parang lumilipad, (sabay kirot ng ribs ko!) and true enough, nung makita ko ung nacapture na pic, nakadipa akong parang nalipad. hahaha. wala lng. masaya talaga.

Sa third level, ung 25 feet na, lahat sila tumalon, hindi na ako tumalon, hindi dahil sa takot na tumalon, kundi sa talon na baka lumala lang ung aking injury sa ribs. Nakakaaliw, kasi sina Cherli, at Suzzie, they discovered that it's easier to jump when you're not trying to think. kaya ang mga pics putol ang ulo o kaya hindi na inaabutan ng picture... hindi ko na pinost dito un bilang respeto sa kanila. :)


Si Panget... pinapanuod kaming cliff-jump... kinahihiya mo ako?
Masakit na ribs ko e!

Si Sheldon.
Now you see him...


Now you dont...
Nagchicken out ba?
o mabagal ung photographer...


ahhh... mabagal lang ang photographer.
hehehe. Sya ang aming crash test dummy...


Si Suzette. Tatalon na lang... Nagdadasal pa...

Malakas sya kay Lord.
hehehe.

Si Tin.
Ayun, may naamoy na mabaho.

Umiwas.
Hindi napansin nalaglag sya.

Ay hindi pala...
ayaw lang mapasukan ng tubig ang ilong...

para makangiti agad paglutang.

Si Suzzie. Mautak.
Pinaunang tumalon si Kuya Tammy.
Tumalon din sya ang problema lang
walang maayos na picture habang nasa tubig sya.

Sabi ni Lola Tin, "Hindi kaya ni tut tut to!"
Effective ang encouraging words!


Tumalon kaya ako sa bangin
para iyong sagipin...


Hindi naman ako sinagip ni Darna...
Sina Kuya Tammy at Katkat ang lumapit
ang lalaki kasi bigla ng alon.
parang nabulabog ata ang dagat.


Si Che.
Nag-iisip-isip.
Tatalon ng walang lifevest...


Hindi lang pang-karate...
Pang-Cliff Jumping pa!!!
Masarap talaga ung feeling nang natural high! hehehehe. Yung buhat dun sa pagtalon hanggang dun sa pagbagsak sa tubig, wala kang nararamdaman, parang namatay ka sandali. After that, nag lunch kami sa Smoke sa station 2. Panalo, 50 pesos lng lunch ko! sarap pa! After nun, nagsiesta kami sa kwarto. Tapos, gabi na. Nagdinner kami sa Blue Berry with Tin, Che, Melissa, Cherisse, Sheldon, Suzzie at Suzette. Kumain ako ng Chicken Curry at saka Bailey's Shake. Then, punta kami sa Bom Bom chill lang kami dun. Sinuportahan namin ung fund raising ng group nina Kuya Tammy at Katkat. Nag-rhum coke lang pero hindi ko naman naubos, 2 sips lang yoko na tapang e. tpos naka-2 rounds ako ng Baileys. After that, we went to Club Paraw dito, wala na akong ginastos. Naki-dance-dance lang ako. Nagbura ng mga 2 years worth of text...

Si Suzette, Tin and Me.
Dinner at Blue Berry
.

Suzzie and Me.
Ang mga Magaganda sa malupit na ilaw ng Blue Berry.

With lola Tin.
Pretties in tube tops.

Group Pic at Blue Berry

At Bom Bom to support the fund-raising project
of Kuya Tammy and Kat's group.
With Suzette.

Chill.
at Bom Bom with the Girls.

We also went dancing at
Club Paraw.

To summarize:

1. Hindi ko ubos akalaing kaya kong maglakad sa kalye at magclimb na parang naka-panty at bra lang. hehehe. But I did.

2. Hindi ko din ubos akalaing kaya ko palang talunin ung cliff na yun. But I did.

3. At hindi ko din ubos akalaing kaya ko palang i-let go yung 2 years worth of texts na iniipon ipon ko sa cellphone ko. But I did!

Moving on to Day 3.5...