Thursday, August 31, 2006

dabaw

photographed by: Rachelle
adapted from: Anjo
model: Joyce
location: Pearl Farm, Davao
========================

Nagbakasyon ako sa Davao, limang araw, mula nung August 25 hanggang August 29. Lulan kami ng Cebu Pacific (nag-avail kasi kami ng promo nuon na piso lang) hmmm restless ako buong byahe siguro dahil walang makain sa plane.

First Day.

Not much. Ikot-ikot lang sa downtown, malling, dumalaw sa hospital sa Ammah ni Rache, nameet ko na din ang ilan sa kanyang mga tita. Nagcheck in kami ni Rache sa Business Inn, sabi nya 550.00 per night lang daw ung rate. Nagcheck in kami kasi hindi naman daw kasya kami sa bahay nila. Maaga akong natulog...

mt. Apo ata to,
kinunan ko lang sa plane.

Second Day. PEARL FARM.
costs: 1200.00 day trip with lunch.

Maaga kaming nagprepare for Pearl Farm, ako, si Rache, si Mama, si Papa at si ADean. From sa house nag taxi kami to Davao Marina then sakay ng Ferry na naghatid sa min sa Pearl Farm.

Honestly, not much to do there, yup, Che was right medyo boring. Medyo madumi din kasi medyo maulan. So, we just had a tour around the island, picture picture... then, nagbabad na kami sa may infinity pool and then took a lot of pictures ulit.


Lunch time, panalo!!! Sulit ang bayad. sarap ng food. Ang daming pagpipilian.


After lunch, tumawid kami sa kabilang island, nag-ikot ikot kami ni ADean and then, natulog na ako. Hindi ko kasi matake magswim sa beach, madumi talaga. :(

si ADean, ako, si Mama at si Papa, taken by Rache.

Various views dun sa Pearl Farm

after sa Pearl Farm, we had dinner sa Banana Leaf dun sa Sales St. After nun, I just stayed sa room with ADean playing tong-its and watching TV. After a while, I got tired playing, so ADean joined his cousins and I slept.

Third Day. EDEN NATURE PARK. cost: 380.00 day tour and buffet lunch.

Dun sa Eden, halos buong kamag-anakan ni Rache kasama namin. Grabe pakiramdam ko nakita ko ang sarili kong nasa set ng Mano Po at ako ay isang extra laang. Anyway, I had fun naman sa Eden, altho the food is not as good nung nasa Pearl Farm.

For the first time, I experienced FISHING!!! I caught like 4 big ones and 1 small one. I had 2 of the fishes returned sa water. Ganun pala un... when you start to feel that there's someone/something tugging on your fishing rod, do not hastily retrieve it, let the fish savor first the worm and when it's hooked it's the time to pull it up. :) dapat, i-apply sa buhay. hahaha.

After sa Eden, nilibre kami nina Jed sa KruaThai ng dinner. After that we went to Jack's Ridge, para makita ko daw kung anong meron sa Jack's Ridge. katuwa sila. :) Thanks Jed, Anne and Kimberly!!! :)

Fourth Day. Malagos Park. Phil. Eagle Center, Malagos Garden Resort
at sandamak mak na butterfly house hehehehe.
Entrance Fees range from 50-100 pesos only.




dami ko pa wento... kaso kelangan ko nang tapusin tong entry na to. sobrang long overdue na to e...

Babalikan ko ang Davao... :)

At sobrang grateful ako sa buong pamilya ni Rachelle, at kay Rachelle. They made my stay memorable and they made sure that I was well-fed. hehehe.

At syempre kay ADean, for that duration of my stay sa Davao, parang nagkaron ako ulit ng kapatid na younger. :)

Wednesday, August 23, 2006

i still haven't found what i'm looking for

Last weekend may climb kami sa Pico de Loro. Pero friday I was not feeling well. Gusto ko na nga magback-out kung di nga lang ako mapapatay ng Packers at saka T.L. (Team Leader) ako I can't abandon my responsibilities ng ganun-ganun lang.

Anyway, nagsleep over kami kina Sheldon (ako, tin at che, nung umaga sumunod si dangski). Repack kami. At sabay sabay kaming pumunta sa Chowking sa may Baclaran church. Syempre pagdating sa kitaan, nagrepack na kami at nagpasa load na nung mga groceries.
Si Jay ang may bitbit ng backpack ko at bitbit ko ang backpack nya na maliit. medyo nagstart na ngang maging maulan e. nung una nag-attempt pa akong magsweeper. pero later on na ng trek, hindi na. hehehe.

as usual prior to the start of the climb, nagstretching muna. at ako naman ay nagsuot na ng contact lens (oo na pasaway na ako), at uminom na din ako ng I-ON energy drink. At habang nagstretching sila... eto ako pasaway na namang nagtetake ng pictures nila. :)

Nagpaalam na akong hindi na ako mag-sweeper kasi ung buong tropa nina Batman sa likod. At ung mga Packers (pakiramdam ko) binabantayan din ako kasi masama pakiramdam ko at higit sa lahat nasa kin ang camera.

Nagpicture-taking kami nina Zet, Tin, Sheldon, Che at kun
g sino man ang umabot sa min habang nagtretrek. Minsan group pics nung mga taong nagstop-over. Sa unang stop over, nakita ko si Tin nahihirapan na sya sa backpack nya (na THE NORTH FACE) sabagay nga naman dami nyang inako na mga groceries at may baboy pa sa backpack nya. Nag-offer na ako, nahiya naman kasi ako dahil ako at isang member at sya ay isang guest. So sya na ang nagbuhat ng backpack ni Jay at ako ang nagbuhat ng THE NORTH FACE. Langya, tindi ha! mas madaming laman ang backpack ni Tin kesa sa backpack ko pero parang mas magaan siguro kaya mahal ang backpack sa THE NORTH FACE. hehehe.
Then, lunch kami sa base camp. syempre as always, wala akong packed lunch kundi OREO! hehehe. pero nakahingi ako kay Jay ng chicken. Habang lumalafang sila nagtritrip akong kumuha ng sandamakmak na pictures na close up (stolen and otherwise).














































































yan ang mga tao habang nagpapahinga sila.

After maglunch at makapagpahinga, nag-ready na kami para sa pag-assault ng summit. actually hindi ako masyadong nakapagready, naubos ko ang oras ko sa pag iisip kung aassault ba ako. kaya naiwanan ko ang gloves ko at saka naiwanan ko ang suklay at extra battery na dapat ay bitbit ko. Anyway, matapos akong sabihan ni Jay na inaya-aya ko sya tapos iiwanan ko sya, nakunsensya ako so, sumama na ako pag akyat. medyo may kahirapan ang pag-akyat, at paulit ulit kong sasabihin technical sya. hehehe isang uri ng trail na gustong-gusto ko kasi I get to think where to step and where to pass, at nakakalimutan ko ang pagod ko.

Pagdating sa taas, dahil sa nakaakyat naman na ako dito sa bundok na to, okay lang sa king maging photographer na lang.















at syempre san damakmak na pics dun sa may view. hindi ko na post ung sa kanila.
ung sa kin na lang. :)

yup umakyat ako ng nakapalda... :)
a freaking dream came true.

pagbaba ewan ko kung mabilis na ba un o mabagal. basta nakababa kami ni Jay. Pagbaba papunta sa highway, medyo mabilis din, siguro dahil hindi na ulan. ung mga putik panalo pa din sila. hahaha. nastuck nga ako e, akala ko maiiwanan ung sapatos ko sa putikan. hehehe.

Wala akong kopya pa ng pic. pero isa pa sa mga gusto kong gawin ang nangyari is ang ma-experience sumakay sa top-load ng jeep. hehehe. babaw no. pero natuwa talaga ako. heheh first time! Pumunta kami sa Brgy. Papaya. sa Balungbato
(help! hindi ko matandaan naaalala ko lang may bato!) Dito kami nag-camp.

Nung gabi nagluto kami ng spaghetti, fried chicken, inihaw na bangus, barbeque at hotdog na sana may marshmallow. hehehe. sarap. Syempre after na makapagsettle na hindi nawala ang socials, inuman, at intrigahan. oh well... wentuhang walang katapusan.


yan itsura namin nung hindi pa nagagalit sa min ang langit.

wala ako sa mood uminom. I had one shot and that was it, nagpapalpitate na kasi ako. kaya kahit anong kulit ni Che na uminom ako hindi na ako uminom. And after a while biglang bumuhos ang malakas na ulan. nakaipon kami sa ilalim ng tarp, dikit dikit. Nang biglang sumigaw si Suzette na binabaha na sila. Since katabi namin ung tent nila, kahit nakapajama ako umalis na ako sa tarp at nakita ko na sina tin at dang na nag aayos na ng gamit, BAHA NA KAMI SA LOOB ng TENT.

Simula na ng miserableng at mahabang parte ng gabi...

nagsimula na kaming maglagay ng mga gamit sa tuyong parte ng tarp. Nawalan ako ng pakialam sa mga ibang gamit ko, 3 lang ang inaalala ko... si S1 (ang camera ko!), si David (ang iPod Nano ko) at si Matteo (cellphone ko). May basang parte na si S1 buti na lang ung bag nya hindi pinasok sa loob, medyo nakahinga hinga lang ako ng masigurado kong tuyo. For the third time, pinagkatiwala ko sa ibang kamay ang camera ko.

Ang tatlong itlog, a.k.a. Bade, Larry at Ed, evacuate din dahil baha din sila. pero dahil mas simpleng mga nilalang ang mga lalaki, settled na sila agad kahit nagkakanda hanap pa kami nina Tin ng mga gamit namin. Tinuruan nila kaming tuyuin ang tent at mahiga sa aming mga poncho. Un ang pinilit naming gawin nina Dang, nakahiga kami hanggang magliwanag. Hindi kami nakatulog, para akong nagdedeliryo sa lamig. Basa kaya ung pajama na suot ko.

The Next Day...

Nang magliwanag lumipat kami sa may kubo dun at dun inayos ko na ang gamit ko. Nang masecure ko na ung tatlong mahalagang gamit ko natanggap ko na uuwi akong basa ang lahat ng gamit ko. pati backpack.

Naglakad kami ni Tin dun sa may kabilang bayan, naghahanap ng CR. Nakita namin ung tatlong itlog, nakain. Nakikain na kami at nakipagwentuhan. Masaya pala silang kausap. hehehe.

Pagbalik sa campsite sakto na magsisimulang maglaro. Magkakateam kaming lima plus sina Sir Vince at Wawat. Yung "charades with a twist". Nakakatawa talaga. kasi pila-pila kami tapos iaact-out namin ung word sa taong nasa likod namin. Trial Word is "TRAIL MASTER". sabi sa kin 1 word 3 syllables. naloka ako kasi ang nasa isip ko mountaineering or climbing. un ang pinasa ko kay Tin, hindi ko alam kung panong sa bandang likuran nakita ko na lang si Wawat na nagmamala-SPIDERMAN na. Excited pa naman si Sir Vince na tumakbo sa harap para sabihin. ang layo!!! bwahahaha. Meron pang isang pinahulaan "MISSIONARY" isa pang memorable to. ung ibang team mga humihiga na sa lapag. sa team namin, nag-aakapan pa. well, syempre talo kami. pero ayos lang natatawa pa din ako hanggang ngayon. hahaha.

Naglaro pa kami ng 7-up with a twist ulit. Akala namin nina Vidal dahil praktisado na kami sa Palawan ay magiging madali sa min ang pagkapanalo, too bad, hindi namin naisip ung twist na un, pang level 5 ata un.

Tpos... ano pa ba... prepare ng lunch... syempre pasalamat ako sa teammates ko, masisipag!!! :) wala akong masabi kundi pasalamat ng todo-todo.

Madaming pics na group pero nasa ibang kamera so... wala pa akong kopya.. hehehe. next time na...

Hindi ako nagwash up! hehehe pero nagawa ko pang mag-starbucks sa glorietta nung gabi kasama sina Che, Sheldon, Jay at Suzette.


Mga natutunan ko?
1. magaling ang mga sealable plastics (a.k.a. ziploc, ung sa kin reynolds) kasi ung pang-uwi kong damit kahit puro basa ang mga kasama sya lang ang tuyo...
2. masaya umakyat ng bundok... madami kang magiging memorable na experiences kahit ayaw mo man o hindi.
3. sabi ni Larry, paghindi mo hinahanap kusang dumadating... tutoo sya, kasi ung backpack cover ko nung hinahanap ko hindi ko makita, nung hindi ko na hinahanap nakita ko! ayos di ba?
4. pag sinabing friendship climb, makakahanap ka talaga ng mga bagong friendships. hahaha.
5. naglevel up ang aking powers, nadiscover namin ni suzette na may self-healing powers kami. hehehe wala akong injury.

yung title nung entry... hmmm LSS lang ako. ewan ko san nanggaling...

next post... DAVAO!!!