Monday, September 25, 2006

For the Boys!!!

eto kasama ako. si Kuya Laurence (Boy) ung kumukuha
yan lahat silang kasama ko.
walong Barako!
At ako ang dakilang Photographer

Last weekend, sabit kami ni Manny and Sheldon sa JEST ng 505 sa Subic.

JEST Stands for Jungle Environmental Survival Training.

Ang trainor namin si Mang Domeng, na since 1965 ay ganto na ang kanyang expertise, ang mag-survive sa Jungle. Medyo nginig na ang kanyang mga kamay pero magaling pa din ito sa paggawa ng mga kagamitan yari sa Buho ng Kawayan.


Sa post kong ito, babahaginan ko kayo ng mga natutunan ko dun.


Sinimulan sa paggawa ng baso na yari sa Buho ng Kawayan, tpos, kutsara at ang platong kakainan.
Sa baso, kelangan munang i-check kung may mga insekto sa luob nung kawayan bago ito gamitin, nakikitang may uka ung baso para daw sa mga matatangos ang ilong.
Sa kutsara, simple lang, kumuha lng ng isang side saka hinubog parang kutsara.
Sa plato naman ay, kukuha ng isang segment nung kawayan saka hahatiin sa gitna, kung may sabaw ang pagkain, ung harang sa magkabilang dulo ng kawayan ang magagamit para wag matapon ang sabaw.


Sunod na itinuro ang pagsaing sa buho ng kawayan. Kelangang butasan ang isang gilid kawayan, dito ilalagay ang bigas at ang tubig. Para maging masarap ang sinaing kelangang kalahati lang nung isang segment ng kawayan ang bigas at kalahati naman ang tubig. (see picture on your right). At sa pagsaing kelangang pantay ang paglagay ng kawayan sa apoy. Para pantay ang pagkakaluto. Ung tinanggal na maliit na parte ay kelangang ibalik parang takip. Dito bubula ung sinaing, at after 20 minutes kelangan mong itagilid ung kawayan para tuluyang ma-drain ung tubig sa sinaing mo. Pag pede nang kainin ung kain, hahatiin lang sa gitna kawayan, at para kang may suman o kaya California Maki. hehehe.

Sunod ang paggawa ng apoy buhat sa kawayan. (yup buhat sa kawayan hindi buhat sa bato).
Medyo mahirap iwento ito. so kung may tanong, tawagan nyo na lang ako. :D hanep! kinareer!!!
Kelangan ng isang side nung kawayan. bubutasan ito ng kapiraso. Tpos magkakaskas para sa kusot sa gilid nung kawayan. Tpos, ira-rub mo sya sa pagitan ng mga palad mo para matanggal yung gaspang nya. ilalagay ung kusot dun sa kinuha mong side ng kawayan, at saka ikakaskas dun sa natitirang side (pinatalas na ung edges nya) nung kawayan. Tpos, makikita na umusok. Every once in a while, kelangan hipanin ung kusot para tuluyang magbaga at maging apoy.

Ung mga itak na pinagpilian namin.
Nagrent kami ng isa lang.
P200.00 isa. hehehe.

group picture muna
bago kami pumasok sa jungle.


Ang first stop na natutunan namin is ang CUPANG.

sabi ni Mang Domeng, kape daw to. lalagain lang. mga 20 na buto ang isang baso. Matapang.

sunod ay ang fish tail. tinatawag itong fish tail dahil sa hugis ng kanyang dahon na para bang buntot ng isda. Ika nila yan daw ung ginagamit na pang-pana ng mga kapatid natin Aeta.

At saka ang ubod (Core) din daw nito ay nakakain.

Ako kaya... kakain nito? hehehehe.


Nalaman ko din na ang ubod ng ratan ay mapait na mapait at ito ay ginagawang gamot para sa malaria.

Napag-alaman din namin na mayroong 2 uri ng ratan ung with fiber which is ung edible at ung walang fiber na syang ginagamit panggawa ng mga upuan. Malalamang may fiber ang ratan sa pamamagitan ng pagkayod sa kanyang tangkay (see pic at your left).

sila nakikinig ako...
kumukuha ng pics.

Eto ang puno ng Kamansi. Kung saan ang kanyang dagta ay dapat pakuluan at ilagay sa kahoy.

Pede daw itong pang huli ng ibon, dahil sa sobrang madikit sya.

parang Chiklit (ung chewing gum!).



Sunod ay ang puno ng Tibig. Sa una ay puro dagta, pero sa kalaunan ay magandang source ito ng tubig.

Sabi ni Manong Domeng, mula alas-sais ng gabi hanggang alas-siete ng umaga ay sagana ito sa tubig.
Parang MWSS, me schedule ang tubig.

Isa pang water source sa gubat ang Lapatan (mga kawayang nagapang sa lapag) at ung isang baging na nalimutan ko ang pangalan.

ung unang pic sa left nyo is ung lapatan at ung pangalawa ay isang baging. Tumikim din ako nung tubig, me picture din ako kaso sagwa ng itsura ko kaya hindi un ang nilagay ko dito. :D

Ugpoy, isang baging na pedeng gawing tali. kelangang tanggalin ung pinakaluob nung baging at saka tanggalin ung pinaka-bark. ung matitira peden gawing tali. Sa picture sa right side nyo, pinaghihiwalay ni Manong Domeng ung mga dapat tanggalin sa dapat gamitin sa pagpilipit nung baging.
Kami ni Sheldon, pinag interesan namin at ginawang bracelet. hehehe.

After nito, naglunch kami dun sa isang daluyan ng tubig.

Next is ung Gugo. ginagamit pang shampoo at pang sabon. kukunin ung bark nung puno saka tatadtadin. Lagyan ng kunting tubig at... bubula na sya.

Wild Yam. Nakakalason, mag iingat. Sabi ni Manong Domeng nung panahon daw ng Hapon, nag-luto ang mga Hapon ng isang kawang Wild Yam at un namatay sila. Mass Death. Gabi daw sya pero kulay yellow. (parang panis hehehe joke).

Matapos ang mahigit tatlong oras na paghike/trek, at lecture along the way, nakarating na kami sa campsite. Malaki ung campsite. first time kong nagcamp na gumamit ng apoy. Usually kasi bawal ang bonfire. Anyway, application na ng mga natutunan.
ayan sila.
as usual, dahil ako lang ang girlaloo.
sila lang ang kumilos. hehehe.
kinunan ko lang sila picture.
taga-abot lang ako ng mga kung ano ano.
nagsasaing na sila nyan.
in fairness masarap ung sinaing a.

ibang angle nung sinaing.
Si Kuya Erick ng 505 SAR ung nasa background.

ayan nag-improvise kami ng ihawan
para sa mga
manok na dala namin. :)
binabantayan ko kasi ung leg at thigh part. hehehe.

naligo kami dun sa water source dun.
syempre ung boys me kuha silang maayos,
ako ayan, basa na nagsasariling sikap pa din.
Ginawa ko silang background
baka akalain ng mga tao hindi ko sila kasama. hehehe.

kaming lahat before leaving the campsite.
Nakatimer ang camera.
yan kami.
(standing) Si Da Bong, Si Kuya Erick, Si Kuya Laurence,
ako, Si Verduz, at si Vandolf
(sitting) si Sheldon, si Manong Domeng, si Kuya Fred at si Manny.

Bago maligo.
Pose muna ako dito.
Solo.
Ang ganda ko pa rin. hehehe.

kahihilig sa pictures ng mga barakong ito.

Sinolo ko si Manong Domeng.
Me aangal? hehehe.

Masarap sila kasama... ang kukulit...

me side trip kami kaso iniisip ko pa kung ipost ko. Medyo disappointed kasi ako ng kaunti dun sa Zoobic Safari e. :(

Thursday, September 21, 2006

iskoo

tinagged lang nya ako... sabi nya suki ako ng blog nya e. :D

eto ung tag na nakuha ni Iskoo from
Alternati

"List seven songs you are into right now. No matter what the genre, whether they have words, or even if they're not any good, but they must be songs you're really enjoying now. Post these instructions in your LiveJournal/blog along with your seven songs. Then tag seven other people to see what they're listening to."

anyway, seven songs (Hirap kasi dami ko gusto ko e)???

1.
Narda - Kamikazee (naaalala ko ang Pulag Climb at si Human Blanket)
2.
Panalangin - Moonstar88 (kanta ko kay EMOY)
3. Smile at Me - Rocksteddy and theme song ng Closeup (naaalala ko si Sam Milby at ung cute na gurl sa commercial napapasmile nya ako)
4.
Everything You Want - Vertical Horizon (never nawala tong song na to sa list ko)
5.
Dahil Ikaw - True Faith (wala lang naaalala ko lang si Piolo)
6. Sayang - Parokya ni Edgar (ewan ko... maliban sa Halaga eto ang isang kanta na hindi nawawala sa list ko)
7.
Halaga - Parokya ni Edgar (Maka-Parokya ako e. crush ko kasi si Dar hehehe) ...

kahit sinong gustong magrepost nito ok lang... :)


oie
iskoo, natawa ako sa yo, inuna mo pa talaga ako. hahaha.
Yeah I am your number one fan. (nyerk) hehehe.

ps. picture from http://www.dailycandy.com

Monday, September 18, 2006

bloggistas



after almost 8 months... ayan kami... 6 na nilalang na nagkatagpo tagpo lang sa magulo at masalimuot na mundo ng internet... hindi ubos akalaing magiging mas malalim pa ang pagsasamahan... iba iba...

sa atin mga sis, it's been a long time... pero sa wakas, it was great spending a friday evening with you again. (kahit ang tagal nating inintay si cher, inintay pa din natin!). sa uulitin!!!

Wednesday, September 13, 2006

confessions of a lakwatsera

actually, nothing much to confess hehehe.

hmmm... honestly, I just discovered that I have the capability to really travel this year. Basically, lakwatsera lang talaga ako in the sense na hindi ako napapanuto sa bahay. Lahat ng klase na ata ng lakad pinapatulan ko, mapa-malling lang, sa park lang ng Glorietta o kahit pa ang bente kwatro oras na pagtambay sa coffeshops ng Makati. Karamihan sa mga kaibigan ko alam nila ung pagiging certified kaladkarin ko pagdating sa mga lakad.

Two years ago, I started joining mountaineering gimiks. In other words, nagsimula akong mag explore ng mga kabundukan. halos buwan-buwan meron. Maliban pa sa mga ibang klaseng training na kasama sa curriculum ng training namin.

taong 2002 nung pinakauna akong nakasakay ng eroplano, papuntang Bacolod. Ang pinakaunang lugar na narating ko sa labas ng Luzon. Pero dahil un sa trabaho, and yes, korny ung nakasama ko sa trip na un kaya wala akong naikot sa Bacolod kundi ung Mcdo sa kanto ng 6th Street at ung Robinsons sa Mandalagan St. saka syempre ung pinagstay-an namin sa 11th Street at opisina ng Negros Nav (client namin) sa 6th street. Makalipas ang dalawang linggo bumalik ako ulit dun sa Bacolod this time sa L' Fisher naman kami nagstay at sa Negros Nav pa din kami. After that lumipat kami ng Iloilo, hindi ko din sya naikot maliban sa Gaisano Mall, Four Seasons Hotel (hotel ba un? parang motel) at sa Negros Navigation pa din na office. After 3 days, nagpunta naman kami ng Cagayan De Oro, wala pa din akong naikot dun. o di ba? walang kawenta-wentang byahe. Buti na lng at makapal ang mukha ko. Nagpaalam ako sa boss ko na buhat sa CDO ay tutuloy ako ng Dipolog sa tito ko. Nag-Dakak kami at napuntahan ko ang bahay na pinag-stay-an ni Rizal sa Dapitan. Panalo dito sa Dipolog, unting lakad nakabalik ka na sa pinagmulan mo hehehe. Wala akong masyadong picture kasi tipid sa film at ung pinsan ko nahihiyang kuhanan ako ng picture sa mga famous landmarks ng Dipolog.

Last year, nakapag-Palawan ako sa Puerto Princesa, napilitan akong bilihin si Uno (ung Canon Powershot S1iS ko), pero hindi ako nagsisisi. :) nakaikot ng Puerto Princesa. Un lang ata ang pinaka-bigtym na lakwatsa ko last year. Pero madami akong mga bagong lugar na napuntahan at bagong mga bagay na nagawa.

This year, nung gawin ko ung half-year review ko, sobrang dami ko nang napuntahan, at sobrang dami ko nang nagawa. Of course blame it to my brokenheart. I really did make a point to make each day of my existence to be busy... too busy to hear my angst, too busy to feel my pains.

Now that we are in the later half of 2006. ubos na ang leaves ko. as in sagad. Nung mag-Davao ako last August, lumagpas na ako ng halfday, thank God for understanding employers hindi ako kinaltasan ng halfday. but it is only september. :( sa ngayon, nagkakasya na lang ako sa mga out of towns during weekends. Katulad ng nalalapit kong Pagudpod trip. Friday ng gabi ang alis at kahit mag extend ang mga kasama ko, kelangan kong bumalik na ng Manila bago mag office hours sa Monday.

OCMI plans to climb Mt. Kinabalu by December 26-30, 4 days na leave ang kelangan ko... Peak season ng supermarkets hence, peak season ng trabaho ko. dapat makapagdecide na ako bago matapos ang september dahil ung ang required time to confirm the participants. Gusto ko. promise, I never stopped dreaming of climbing Mt. Kinabalu after watching it sa Sports Unlimited, ngayong nandito ang pagkakataon, hindi ko alam ang gagawin ko. Na sa tuwing iisipin ko sumasakit ng todo ang ulo ko. damn!

I have to be discipline. At this time kelangan ko nang makapasa sa Marshmallow Test, kasi if I lose this job, it will be most probably the end of my being a certified lakwatsera.

Marami nagtatanong, san napupunta ang sweldo ko. at kung may ipon ako. well... alam na natin ngayon saan napupunta... sa Starbucks, sa mga kainan, sa pagbyahe, sa pagbili ng batteries at sa pagpapadevelop ng pictures. :D

... did I confess anything new? wala... gusto ko lang magpost... :D

Monday, September 11, 2006

panalangin

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko

At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko

At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko

At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko

At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko


dahil may mga gusto na akong mag-update... sige bigyan ko kayo ng lyrics ng panalangin... hehehe.

nakakaaliw, kasi ung Kami nAPO Muna na album sya lang ung pinapakinggan ko isang buong linggo na. paulit ulit. 90 songs lang ang meron si David (my iPod) pero un lng ang paulit ulit. Nakakatuwa lang. puro kasi upbeat ung mga kanta. hehehe. lalo na ung version ng kamikaze ng DobiDoo, at saka ung Blue Jeans... pati nga ung Ewan.

nothing much is happening to me for the past week. walang blog-worthy. pano ala naman akong pera... ala akong panglakwatsa.

hopefully next week... sana meron... :D hehehe

Monday, September 04, 2006

patintero

Iniisip ko kung iba-blog ko to pero... sige na nga.

Nasa Davao pa lang ako nakaset na ung lakad namin kahapon. Although, up to the last minute sobrang nag-dadalawang isip ako. Hindi kasi ako nakikipagmeet sa mga taong nakikilala ko lang sa internet, unless babae. Madami-dami na din akong blogger friends pero iilan lang nameet ko sa personal. Sina Theyie, Ishie, Cher, Erlyn at Tin lang. Tpos grupo pa.

Hindi din ako nakikipagtextmate sa hindi ko kilala. Madalas ung mga nakakatextmate ko ung mga taong nameet ko na and we just decided to keep in touch.

Kaya kahapon, first time, nakipagkita ako sa lalaking nakilala ko lang sa internet. Nagkausap na din kami ng ilang beses sa phone, sa chat at sa text pero basically hindi ko pa din sya kilala. He knows me kasi I post pics here sa blog, sya din nakita ko na sya sa pic sa blog nya.

Inaya na nya akong makipagkita before, magbadminton with Theyie, kaso malayo kaya hindi natuloy. Tpos, nakakatawa pa, pagbalik ko dito sa Manila, tinanong nya ako kung pede daw ba akong magtagal pagnagkita kami. Inaya nya akong umattend ng Church service sa Fort. Pumayag ako at nakampante ako sa kanya. Inaaya pa nga namin si Tin at Theyie para hindi daw ako matakot, pero unfortunately (o fortunately?) busy sila.

Nagkita kami sa KFC Mrt, nakakatawa, kasi nakilala ko sya kasi pinagtatawanan nya ako. praning no!? After nun pumunta na kami sa Fort. Ayos naman, nakita ko pa nga dati kong officemate. Tpos, nagdinner sa Kenny Rogers sa Market Market. Wentuhan. Nung tapos na kaming kumain nakaalala kaming magpicture-ran. hahaha.

Patintero.


Puro ganyan ung mga pics namin. Nagkukuhanan kami ng picture. hahaha.

Nagulat ako sa turn-out nung kita namin. Kasi, comfortable naman kami sa isa't isa. Parang 2 taon na kaming magkakilala. Ika nga nya, HINDI SABLAY =D

hmmm... so matapang na ba akong makipagkita sa stranger???? not sure pa din...