Thursday, December 21, 2006

MOVED OUT
just visit me at




http://robellejoyce.blogspot.com
SOON

Tuesday, October 10, 2006

Serendipity

ayon sa www.dictionary.com ang ibig sabihin ng SERENDIPITY ay good fortune; luck.

I am a firm believer of fortunate accidents also known as SERENDIPITY. Although, before the movie "serendipity" I didn't know that such a word exists. Pero I believe that fortuntate accidents exist.

at ayon din sa www.dictionary.com ang ibig sabihin ng ACCIDENT is any event that happens unexpectedly, without a deliberate plan or cause.

How fortunate is fortunate especially if it's an accident?

nakakaaliw isipin na there are times in our lives that we are blessed with moments of pure-bliss. Kahit gano lang sya kasimple, it surprises and would caught us totally off-guard, then makes us say "oh my gawd, oh my gawd, oh my gawd" for 60 times in span of 60 seconds, and convinces us that magic and serendipity is real. These moments that we (with those people with us) would probably remember until we're 45 (mind you, i just turned 27!).

Very seldom things like these happen. You are just spending and killing time as usual then something out of the ordinary happens. something unplanned. something unexpected... that it almost brought out those happy tears, made your eyes twinkling and you just can't seem to stop smiling.

============

As much as I don't want to ruin the "happy" side of all these things, the pessimist-side of me can't help but rationalize... "and yet it is still not an impossibility... the chances maybe slim but still it is not impossible for an accident to happen". It's just that your lucky stars are at your side hence, it becomes SERENDIPITY, but given another time, another person, or another place, it could simply be an accident.

Me diresyon ba mga pinag sasabi ko? wala, kalat kalat din ung thoughts ko e. hehehe.

Sunday, October 08, 2006

announcement

Friday, October 06, 2006

mantakin mo un?!

MyHeritage - share black and white photos with facial recognition technology

Monday, September 25, 2006

For the Boys!!!

eto kasama ako. si Kuya Laurence (Boy) ung kumukuha
yan lahat silang kasama ko.
walong Barako!
At ako ang dakilang Photographer

Last weekend, sabit kami ni Manny and Sheldon sa JEST ng 505 sa Subic.

JEST Stands for Jungle Environmental Survival Training.

Ang trainor namin si Mang Domeng, na since 1965 ay ganto na ang kanyang expertise, ang mag-survive sa Jungle. Medyo nginig na ang kanyang mga kamay pero magaling pa din ito sa paggawa ng mga kagamitan yari sa Buho ng Kawayan.


Sa post kong ito, babahaginan ko kayo ng mga natutunan ko dun.


Sinimulan sa paggawa ng baso na yari sa Buho ng Kawayan, tpos, kutsara at ang platong kakainan.
Sa baso, kelangan munang i-check kung may mga insekto sa luob nung kawayan bago ito gamitin, nakikitang may uka ung baso para daw sa mga matatangos ang ilong.
Sa kutsara, simple lang, kumuha lng ng isang side saka hinubog parang kutsara.
Sa plato naman ay, kukuha ng isang segment nung kawayan saka hahatiin sa gitna, kung may sabaw ang pagkain, ung harang sa magkabilang dulo ng kawayan ang magagamit para wag matapon ang sabaw.


Sunod na itinuro ang pagsaing sa buho ng kawayan. Kelangang butasan ang isang gilid kawayan, dito ilalagay ang bigas at ang tubig. Para maging masarap ang sinaing kelangang kalahati lang nung isang segment ng kawayan ang bigas at kalahati naman ang tubig. (see picture on your right). At sa pagsaing kelangang pantay ang paglagay ng kawayan sa apoy. Para pantay ang pagkakaluto. Ung tinanggal na maliit na parte ay kelangang ibalik parang takip. Dito bubula ung sinaing, at after 20 minutes kelangan mong itagilid ung kawayan para tuluyang ma-drain ung tubig sa sinaing mo. Pag pede nang kainin ung kain, hahatiin lang sa gitna kawayan, at para kang may suman o kaya California Maki. hehehe.

Sunod ang paggawa ng apoy buhat sa kawayan. (yup buhat sa kawayan hindi buhat sa bato).
Medyo mahirap iwento ito. so kung may tanong, tawagan nyo na lang ako. :D hanep! kinareer!!!
Kelangan ng isang side nung kawayan. bubutasan ito ng kapiraso. Tpos magkakaskas para sa kusot sa gilid nung kawayan. Tpos, ira-rub mo sya sa pagitan ng mga palad mo para matanggal yung gaspang nya. ilalagay ung kusot dun sa kinuha mong side ng kawayan, at saka ikakaskas dun sa natitirang side (pinatalas na ung edges nya) nung kawayan. Tpos, makikita na umusok. Every once in a while, kelangan hipanin ung kusot para tuluyang magbaga at maging apoy.

Ung mga itak na pinagpilian namin.
Nagrent kami ng isa lang.
P200.00 isa. hehehe.

group picture muna
bago kami pumasok sa jungle.


Ang first stop na natutunan namin is ang CUPANG.

sabi ni Mang Domeng, kape daw to. lalagain lang. mga 20 na buto ang isang baso. Matapang.

sunod ay ang fish tail. tinatawag itong fish tail dahil sa hugis ng kanyang dahon na para bang buntot ng isda. Ika nila yan daw ung ginagamit na pang-pana ng mga kapatid natin Aeta.

At saka ang ubod (Core) din daw nito ay nakakain.

Ako kaya... kakain nito? hehehehe.


Nalaman ko din na ang ubod ng ratan ay mapait na mapait at ito ay ginagawang gamot para sa malaria.

Napag-alaman din namin na mayroong 2 uri ng ratan ung with fiber which is ung edible at ung walang fiber na syang ginagamit panggawa ng mga upuan. Malalamang may fiber ang ratan sa pamamagitan ng pagkayod sa kanyang tangkay (see pic at your left).

sila nakikinig ako...
kumukuha ng pics.

Eto ang puno ng Kamansi. Kung saan ang kanyang dagta ay dapat pakuluan at ilagay sa kahoy.

Pede daw itong pang huli ng ibon, dahil sa sobrang madikit sya.

parang Chiklit (ung chewing gum!).



Sunod ay ang puno ng Tibig. Sa una ay puro dagta, pero sa kalaunan ay magandang source ito ng tubig.

Sabi ni Manong Domeng, mula alas-sais ng gabi hanggang alas-siete ng umaga ay sagana ito sa tubig.
Parang MWSS, me schedule ang tubig.

Isa pang water source sa gubat ang Lapatan (mga kawayang nagapang sa lapag) at ung isang baging na nalimutan ko ang pangalan.

ung unang pic sa left nyo is ung lapatan at ung pangalawa ay isang baging. Tumikim din ako nung tubig, me picture din ako kaso sagwa ng itsura ko kaya hindi un ang nilagay ko dito. :D

Ugpoy, isang baging na pedeng gawing tali. kelangang tanggalin ung pinakaluob nung baging at saka tanggalin ung pinaka-bark. ung matitira peden gawing tali. Sa picture sa right side nyo, pinaghihiwalay ni Manong Domeng ung mga dapat tanggalin sa dapat gamitin sa pagpilipit nung baging.
Kami ni Sheldon, pinag interesan namin at ginawang bracelet. hehehe.

After nito, naglunch kami dun sa isang daluyan ng tubig.

Next is ung Gugo. ginagamit pang shampoo at pang sabon. kukunin ung bark nung puno saka tatadtadin. Lagyan ng kunting tubig at... bubula na sya.

Wild Yam. Nakakalason, mag iingat. Sabi ni Manong Domeng nung panahon daw ng Hapon, nag-luto ang mga Hapon ng isang kawang Wild Yam at un namatay sila. Mass Death. Gabi daw sya pero kulay yellow. (parang panis hehehe joke).

Matapos ang mahigit tatlong oras na paghike/trek, at lecture along the way, nakarating na kami sa campsite. Malaki ung campsite. first time kong nagcamp na gumamit ng apoy. Usually kasi bawal ang bonfire. Anyway, application na ng mga natutunan.
ayan sila.
as usual, dahil ako lang ang girlaloo.
sila lang ang kumilos. hehehe.
kinunan ko lang sila picture.
taga-abot lang ako ng mga kung ano ano.
nagsasaing na sila nyan.
in fairness masarap ung sinaing a.

ibang angle nung sinaing.
Si Kuya Erick ng 505 SAR ung nasa background.

ayan nag-improvise kami ng ihawan
para sa mga
manok na dala namin. :)
binabantayan ko kasi ung leg at thigh part. hehehe.

naligo kami dun sa water source dun.
syempre ung boys me kuha silang maayos,
ako ayan, basa na nagsasariling sikap pa din.
Ginawa ko silang background
baka akalain ng mga tao hindi ko sila kasama. hehehe.

kaming lahat before leaving the campsite.
Nakatimer ang camera.
yan kami.
(standing) Si Da Bong, Si Kuya Erick, Si Kuya Laurence,
ako, Si Verduz, at si Vandolf
(sitting) si Sheldon, si Manong Domeng, si Kuya Fred at si Manny.

Bago maligo.
Pose muna ako dito.
Solo.
Ang ganda ko pa rin. hehehe.

kahihilig sa pictures ng mga barakong ito.

Sinolo ko si Manong Domeng.
Me aangal? hehehe.

Masarap sila kasama... ang kukulit...

me side trip kami kaso iniisip ko pa kung ipost ko. Medyo disappointed kasi ako ng kaunti dun sa Zoobic Safari e. :(