Friday, October 28, 2005

Certified Chronic Crammer

Oh My!!! eto na naman ako!!!

grabe! tindi ko talaga mag-cram! kagabi pa ako dapat nakapag-grocery, nakapag-pack, at sana prente na ako ngayon.

oh well, minsan lng naman kakatok ang libreng Red Box sa pintuan ko so, I grabbed it! :) I enjoyed it sobra!!! kami ni Manny at Tin last night! 2am na ako nakauwi kanina, I slept without even bothering to pack. I woke up at 5am (thanks for waking me up tin!) to pack, I finished at 5 minutes before 9am, took a bath then went to the office. I was here at little past ten, read emails, answered emails and phone calls, then, went to bank para samahan si ira na ipa-encash ung sweldo namin, then punta kami ng glorietta to eat lunch and, finally, to do the grocery!!!

at eto magrerepack na sana ako, kaso, i want to leave you guys with something to read. Eto inuuna ko pang mag post hahaha. sabagay, dito pa boss ko, kung nagpopost ako ndi halatang ndi ako nagtratrabaho. :)

Dear Lord, tatlo lang po ang hiling ko:
a. wag po sanang maulan sa pupuntahan namin para ndi masyadong malamig;
b. madelay po sana ang aking buwanang bisita habang nasa bundok ako;
c. sana po maging masaya po ako at wag kaming mag-away ni panget.
Salamat po ng Maraming Marami. Amen. :)

Thursday, October 27, 2005

PMS-ing

My Gosh! I'm PMS-ing!!!

my sense of smell sobrang sensitive, 5 rows away from me yung mamang magmamani and I can still smell the fucking adobong mani.

my sense of hearing sobrang sensitive, unti kakaibang sound, naiirita ako!

antukin ako, oh men, I am practically dragging myself out of bed for the past days. I sleep here in the office.

easily get irritated. The whole day, I have been speaking with clients. and guess what, lahat sila nasungitan ko.

Please Lord, please, I don't need this now. Aakyat pa ako ng bundok sa saturday, kahit monday na ako magkaron o kaya kahit sa Tuesday, at least me water source na sa Lusod. please oh please, i'm begging.

gastusin at budget

Hay nakuh, usapang pera nga tayo. :) trip lang. yung kasi ung iniisip ko kanina sa bus nung maistorbo ako ng dalawang gagong lalaki (sayang pareho pa naman sanang gwapo mga ugok naman!)

Umiisip kasi ako ng paraan para makapagtipid-tipid.
Napapansin ko kasi, na kung gugustuhin kong magtipid, kaya ko e.
Kaso talagang naglipana ang mga temtasyon! :(

Magkano ba ang nagagastos ko sa Transpo (eto na ung maximum actual cost ko)
5.00 - tricycle palabas ng subdivision sa umaga o sa tanghali (depende anong oras ako magising)
24.00 - bus mula amin hanggang ayala (ordinary, ndi ako nag aaircon papasok.)
50.00 - taxi mula sa EDSA hanggang sa office (natatamad akong maglakad at madalas late ako)
30.00 - bus hanggang Alabang (aircon, kasi minsan nag-oordinary din ako, depende sino mauna)
7.50 - jeep Alabang hanggang subdivision namin. (minsan kasi me mga bwaya, kaya minsan ndi nakakapasok ung mga bus)
12.00 - tricycle pauwi ng bahay (special rate na kasi pag lagpas ng 11 pm)
-----------
128.50 - total.

sabihin na nating gumagastos ako ng 130.00 pesos sa pamasahe (lalo na kung me mga sasakay na nangungulekta tulad ng love mission chuvahness)

Pano na ang pagkain ko. Naku eto ang mahirap compute-tin. sabihin na nating ang average cost ko per meal is:

130.00 ng lunch
130.00 ng dinner.
---------
260.00 total

Ung 130.00 lng kasi ang allotted meal allowance namin pag nag overtime, so dun ko na lang binase.

Ang kaso naman maliban sa lunch at dinner, minsan me meryenda pa. At me mga walang kawenta-wentang mag gastusin pa akong tulad ng W.I.T.C.H. comics (once a month lng namn) of course starbucks (magkakasakit at ako kung ndi ako magstarbucks sa isang linggo).

WHICH REMINDS ME!!! NAGMAHAL PA ANG STARBUCKS!!!

kung dati, ang coffee jelly na venti na laging kong inoorder ay nagkakahalaga lang ng 145 (ata!) e ngayon 160 na sya!!! :( at ung mocha venti na dating 130 lang ngayon 145 na. hala ewan ko kung tama ba ang aking figures!!! basta ang alam ko nagtaas na sila. :( dati ang difference lang ng tall sa grande; at ng grande sa venti is 10 pesos, ngayon 15 pesos na.

anyway, mabalik tayo, kung

130.00 pamasahe
130.00 lunch
130.00 dinner
--------
390.00 total

halos, 500 ang nagagastos ko sa isang araw. pucha, ang laki naman ata nun!

naisip ko nang bawas bawasan na ang pagtataxi, at least me exercise na ako nakatipid pa ako. :)
naisip ko ding magbawas-bawas ng pagkakape, para ndi na ako masyadong nerbyosa :)
naisip ko na ring unti-an ang pagkain, para ndi na ako tumaba :)

sana magawa ko ung para sa buwang ito.
para makabayad na ako ng credit card ko.
para me pang-bora ako.

punyeta, ang weird ko, titipidin ko nga sarili ko sa ibang bagay, para lang gumastos! hala. :(

hayyy... sana magka-raise na lang ako. =)

Thursday, October 20, 2005

post climb at ibon

Mamay post climb na for the Tapulao climb, ndi ko alam kung anong nararamdaman ko. Nahihiya ako, kasi nadelayed kami dahil sa kin. hayyy life. well, i have to face it.

bigla ko tuloy naaalala ung tinanong sa king pamangkin ko:

Tita, bakit ang ibon nakakalipad?

ang simple lang naman ang naging sagot ko dun,

nakikita mo ung mga paa nila? maliliit di ba? mahirap maglakad, maliliit ang kanilang mga hakbang, kaya binigyan sila ng Dios ng karapatang lumipad to compensate ung kaliitan ng paa nila. ganyan katalino si God, hindi nya binibigay lahat sa iisa lang, pero hindi nya din naman hinahayaang madehado ang Kanyang Nilikha.

Tama naman di ba?

Monday, October 17, 2005

Mt. Tapulao = all emotions possible

I'm back!!! my gosh, I thought I could never make it.

Tindi ng Tapulao!
paakyat nakuha ko sya ng almost 11 hours! pababa, 7 hours!
paakyat i cried! pababa i cried!
May basehan ang kapraningan ko last friday!

I so wanna give up na talaga! ang lupet nya. pero sabi nina jing at leo, buti pa nga daw kami, mabait sa min ang tapulao, dahil nung first time nila binabagyo sila.

Unang una sa lahat, ndi ko forte yung tipo ng trail ng ganun, sabi ni jing kaya daw mabato un dahil dun sa mining dun. ang hirap talaga, pero I received a miracle first hour of the trek palang. I'm not a big fan of a trekking pole, pero I prayed na sana me makita akong tungkod na magagamit ko. And three steps after, I found my gift from God. Grabe ung tungkod na un, ilang beses nya akong nasave sa tuluyang pagkadulas at pagbigay ng mga tuhod.

Hindi din ako masyadong nagpapahinga, kasi pag inaabutan ko sina Leo, tuloy lang ako, kasi sabi ko nga, aabutan din naman nila ako. Lakad hala lakad. Pero parang ndi natatapos ung daan, sabi nga ni Ningning, wag daw kaming nag iinom ng Rogin-E (kasi di ba ung commercial nun ung me lumalangoy na infinite). Kung hindi mo alam na hindi ka naliligaw iisipin mong iisang lugar lang ang dinadaanan mo. Iisa lang ang hitsura puro bato!

Si Panget nga kung kasama siguro un nag aaway na kami sa pagod ko, kasi hindi na nga sya kasama nag aaway na kami sa text. Nalulungkot ako sobra kasi umiyak talaga ako. Pero nahiya naman ako kay Jing kasi bumalik lang sya sa Tapulao para maakyat ang summit. Na-sweep na naman ako!

May dinaanan naman kaming malumot (moss) kakaiba ung bundok na un, masyadong malumot. Madulas. Grabe ung experience ko dun, akala nga daw ni Nowell, susuko na ako talaga. Plakda lang naman ako, eagle-spread position na face-down! sakit, dun ako napasabi na ayoko na. Buti na lang lahat kami pagod na at walang camera, wala ngayong ebidensya hehehe. Bait bait ni Ningning at Nowell, sila tumulong sa kin.

Nakarating naman kami ng campsite past 5pm na un. ok pa naman ako, kaso ang lamig! natulog ako habang luto sila, ako na lang ang naghugas ng plato after naming kumain, sarap ulam, kaldereta na chicken at pork.

ok let's be fair here... Panalo ang View sa Tapulao! as in ganda! para kang nasa Ugu din, mas malamig nga lang sa dito sa Tapulao kesa sa Ugu. Ayos ung view, maganda! as in.

random views lang

Wala sana akong planong magsummit, kaso naisip ko, mukhang hindi ako na ulit aakyat ng Mt. Tapulao unless for special reasons at siguradong pag hahandaan ko un! At buti na lang hindi ako nagkamali dahil panalo sa summit, which is an hour trek from the camp site. Actually, ayos ung trail paakyat ng summit, kasi para na syang Makiling, kaya ayos lang, mabilis din kaming nakababa from the summit, actually picture-picturan pa kami nina chard, marlo at ako (clear ko lng ndi ko po sila highschool barkada, mga trainees po sila, kapangalan kasi hehehe) dun sa me patarik bago makarating sa camp.
Kami ni Rachel sa Summit 1

At last ang Summit ng Mt. Tapulao!


Photoshoot

Then, after na magbreakfast, umpisa ulit ng walang katapusang kalalakad!!! ayos naman nung una kahit na nadulas ako una pwet dun sa me malumot na lugar (ulit!). kaso, dumating sa puntong bumigay na ang tuhod ko, ung ankle ko twisted na kakaapak sa bato, at ung talampakan ko matigas na sa sakit. Eto ung last leg na ng trek, sabi ni jing 20 mins daw, pero inabot na kami ng sunset (ang ganda ganda ng view ala akong pic kasi ndi ako makahinto ng matagal baka lalo ako bumigay!) dumilim na at higit sa lahat, sinundo na kmi ni EL Manny at ni Ten.

Lahat na ata ng klase ng motivation nagawa ko na, andyan paulit ulit kong sinasabi na "me coke na me yelo sa baba"; andyang isipin ko nang nakakahiya akong trainor dahil ang mga trainees malalakas pa sa kin; andyang isipin kong baka ndi na ako paakyatin ng OCMI sa ibang bundok kasi ang kupad at ang hina ko; hiyang hiya na ako kay jing; at ang pinakahumiliating sa lahat is, ung mga tiga-san sebastian na iniwanan namin sa campsite, isa isa na silang nag oovertake sa kin! kahit anong pigil ko, tulo ang luha ko habang nag lalakad, nung una alam ko medyo mabilis bilis pa ako, kaso wala, gusto pa ng utak suko na ang katawan.

PERO IN ALL HONESTY... AMIDST EVERYTHING, NAG-ENJOY NAMAN AKO! :)

postscript:
someone makes me feel all giggly today. ;-)

Friday, October 14, 2005

calm down!

ok... ok... 3:45pm na. naprapraning talaga ako. ndi ko alam pero may two years na akong umaakyat pero ewan ko kung anong meron ang Mt. Tapulao at napapag-panic nya ako ng ganito. Kagabi pa ako hindi mapakali. Hindi ko alam ano dapat kong gawin.

ala si Panget, me kelangan syang asikasuhin. hmmm. ewan ko. basta. tuliro ako. naprapraning talaga ako. nawawala pa ang poncho (pontyo, pontso, pontio) ko! bibili pa ako mamaya, pano kung ala akong mabili?

Can someone kill me now? ang tigas din kasi ng ulo ko e, ndi ako nakapagtrain the whole week! isang beses lang nung monday lang! ewan ko ba, may more than 1 month para magtrain tapos isang beses lang ako nakapagtrain. nak-ng-tinokwang. hayyy. tapos puyat pa ako dahil hindi ako makatulog. Pagkagising ko pa, sira na ung memory card ng cellphone ko! Hindi ko na ma-access ang messages sa memory card. anak-ng-pitumpung pitong puting tupa!!!

Lintek, maalala ko, may ieedit pa pala ako sa artik ko para sa OCMIScene! shonga ko talaga. sige. Pagdasal nyo na lang na sana... wag umulan, wag umaraw, tama lang ung malilim! :)

whew! breathe joyce, breathe!

Monday, October 10, 2005

mahaba-habang usapan

grabe, oonga ang tagal kong alang post dito sa blog ko. hehehe. last week pa naman is so eventful. madaming na-stuck na wento. so, be warned! long post po talaga to!

First of my topics is my first visit to Capones and Camara Islands last October 1-2, 2005. At last, narating ko din ang Capones sa Zambales, buti na lang at ung examinations ng trainees namin sa OCMI dun ginawa! I was really excited.

Leo, Vidal, Ava, Ning, Nowell, Jing, Suzie and I met up sa Victory Liner Terminal sa Pasay at around 4:30am, then, sumakay kami ng bus papuntang Iba, Zambales. I slept the whole trip, kasi ndi ako nakatulog ng ayos sa pagkaexcited! hehehe. Sa San Antonio kami bumaba then sakay tricycle to Nora's Beach Resort at Brgy. Pundaquit. Sa resort pa lang tanaw na ung Capones at Camara Islands. Dun daw sa Camara Islands (ung me sand bar) nagshoot ng MTV for Get Me ng MYMP. Boat ride kami papuntang Capones Island. Grabe talaga as in wow!
Pag dating namin, gusto na namin agad mag-swim ni Vidal, but we have to get hold of ourselves, hehehe, so sabi ko mag-lunch na muna kami. so, tambay kami dun sa me malaking bato para malilim. At ng masayaran na ng pagkain ang lalamunan, nag-swim na kmi, habang iniintay ang pagdating ng mga trainees at nina Glenn, Abet at Manny.

Nakahiram ako ng pangsnorkel kay Leo, nag enjoy ako kasi ang daming fish, iba iba ung kulay. me stripes, me yellow, me batik. Then, finally, dumating na ang mga trainees at sina Panget. hehehe, nakakatawa, kasi praning ung mga trainees, pinatapon kasi sa knila ni Big Leo ung mga backpacks nila sa tubig. oh well, exam un e. hehehe.

Tambay-tambay na muna kami sa may ilalim ng bato, kumain na ako ng sausage mcmuffin with egg (inorder ko kay panget, nung tumambay sila sa mcdo sa olongapo). Wentuhan, tawanan, asaran, kantyawan. At nang medyo ok ok na ung mga trainees, sabak na sila ulit sa mga pagsubok, etong camp manager namin na si Richard naghanap na sila ng pag-camp-an (which kinagulat ko hehehe kasi honestly for me, the best na ung kinalulugaran namin! hahaha). Pagbalik nila, start na ulit ang mga exams, habang nakahiga ako sa tyan ni panget at nanggugulo sa mga trainees. Ang bangis ni Dang at ni Ten, ang galing sa ropemanship!!!

After ng practical exam sa ropemanship, nagstart na kaming magmove papunta sa kabilang island kung saan nakita ni Richard ung "ideal" camp. Nagbigay ng si Big Leo ng one-hour break para ma-enjoy naman ng mga trainees ang beach. But, they opted to spend the one-hour break studying or discussing the presentation of their batch jingle. Oh well, mga seryoso sila talaga. Basta kami, we grabbed the opportunity to swim. Kalungkot lng kasi dalawa lang ung fish na nakita namin sa side na to ng island, malakas ang alon at sobrang mabato, pero... that didn't stop us to enjoy ourselves! Nung mag-alisan na sina Jing, at naiwanan kami ni Panget, nag try kaming magbuild ng sand castle, na nauwi lng sa fort, kasi inaabot ng alon. Hindi namin kita ung sunset from this side of the island, pero I have a very nice pic of the dusk sky. kaso, sa katamaran kong tumayo kahit nakaharang si Big Leo kinuhanan ko pa rin, aba, look at it, artistic pa din naman di ba?

Nagdinner na kami, then nagpresent ang Batch 10 ng kanilang jingle. After that, nag "exam" sila ng How OCMI are you? Malupit ang mga tanong, ultimo kami hindi namin alam ang mga sagot. bwahaha! Pero I guess, they enjoyed the consequences naman!

The next day was scheduled for their written exam, I tried taking the exam, 3 mistakes lng! hehehe, ang dali lang actually ng exam e. hehehe yabo ano? wala lng, naaliw lng ako na kilala ko ang lahat ng trainees (maliban kay kuya ipe!) samantalang sila sila ndi nila alam ung mga buong pangalan nila. After their written exams, nagprepare na ng breakfast at nagbreak camp na. Lilipat kasi kami ulit dun sa bato at maraming fish, malapit kasi dun ung pag-rappell-an nila. Paglipat dun, habang nag laland-nav ung mga trainees, nagse-setup sina jing at leo ng para sa rappelling, nagswiswim ako, si panget, si suzie at manny, dami talagang fish!

Nagpicture picture din kami. Share ko lang ung pic namin ni panget, ndi ko na lalagyan ng disclaimer, kabisado nyo na ung disclaimer na un e.

Ang cute ko dito sa picture na to. hehehe, kaya proud lng akong ipost, masama ba? hahaha.

Nakigulo ako sa mga trainees habang nag rappelling sila, ala lng, parang ang saya kasi. over-hang na bato ung pag-rappell-an. Ang tagal kong naghintay sa taas, pinauna ko na ung trainees, pero sa tutoo lang ninenerbyos ako especially nung tumiwarik si dang at si cloyd. at makita ko ung mga sugat ni marlo.

Si Ava na ung nagtetake ng pictures ng mga trainees, at tama bang takutin akong kelangan kong ulitin dahil nag-battery empty ung camera ko? hahaha, naisip ko nga, mauulit ko kaya un? hehehe. Look at me, ang macho macho ko! tama ba naman kasing magrappell ng naka-pangswim at nakapaa. hehehe. Si Ten ang nag-belay sa kin. Sumadsad lang ung tuhod ko, kasi ang hirap nung rock off e.

After this, nagligpit na kmi ng gamit, at umalis, may 2 bangkang maswerteng nakabisita sa Camara Islands, ako, si panget, si ning, si nowell, ava, vidal, jing at suzie. Sandali lng kami nagstay dito, nagpicture-ran lang, dahil kumuntak na si Big Leo na may additional daw na bayad kung dadaan pa sila sa Camara Island.

Pag balik namin sa resort, nag late lunch na kami, sinigang na lapu-lapu, at inihaw na liempo. sarap! Pabalik ng Manila, natulog na kmi ni panget sa bus, nakakapagod pero masaya. I've never been this at peace for a long time. :)

Second and last topic is my birthday week! Last October 6, Thursday, nagcelebrate na kami ng bday ko dito sa office. Hindi ko ubos akalaing tutuparin ni Ira ung gusto kong hotdog na me marshmallow na nakatusok sa repolyo! Labor of love nga daw un nila ni joy, kasi nung umaga they have been preparing that. tapos, meron akong cake.


Yan ang aking handa dito sa office. And that is my cake!

My Friends. Rache, Joy, Aprille, Zalds, Tiny, Ira, Grace and Mawi


Regalo nila sa kin is black starbucks tumbler! hehehe ganda!

October 8, birthday ko tlaga, me deliberation kami nun. Bday din ni Doriedel, sa bahay namin nila cinelebrate ung bday namin. Kahit nastress ako sa deliberation masaya pa rin naman. Suzie gave me a bouquet of flowers, Master gave me dreamcatcher necklace. Daming food! :) at me cake ulit!




Then, October 9, Sunday, Family day, sa house bili lang ng food at nagsalo salo kaming mag-iina. :)
That's my birthday week. grabe, at me ginawa din akong bagay for the first time. :) hehehe