Friday, April 28, 2006

one for the road post

in a while, aalis na ako para punta ng bus station, punta na kaming pulag.

Potah! (sorry mukhang puro mura tong post na to!)

last night I was packing my things and it was crazy. I was crying... out of frustration! Naliliitan ako sa backpack ko!!! hindi kasya ung mga bagay bagay sa bag ko. Hindi ko naman kasi mawari kung bakit hindi namin naforesee nun bumili ng bag ko na dadating ung panahon na hindi sya makakasama sa mga multi-day na climb, na wala syang aasahan kong magbibitbit ng kalahati ng gamit ko. hay peste talaga!

If there is one thing I miss about travelling is my travelling companion... lalo na ung walang arte sa katawan, malakas ang loob na i-try ung mga delicacies sa mga lugar lugar kahit maiwanan pa kami ng bus! namimiss ko din ung katabi ko sa bus na pagkasobrang lamig na wala na kaming ibang gagawin kundi magshare ng jacket. Pagbored na kami sa traffic mag uusap na kami ng kung ano ano sa byahe. hayyy. tangina naman kasi.

di bale, ayos lang yan... kaya ko to...
nakaka lungkot lang kasi hindi ko kasama si panget... napilitan akong iwanan sya sa bahay pati ung buff ko kasi hindi na kasya sa backpack ko. umiiyak nga sya kasi pinangako ko sa kanyang sama sya pagnagpulag ako... si panget... ung panget na maliit ha?

sabi nila, there's always a first... at eto ang first time kong magmulti-day climb na mag isa lang ako. walang kabuddy... walang aabutan ng yosi habang nagluluto.

kung san ka man nandun sana naiisip mo ako... kahit hindi mo ako maisip basta sana masaya ka...

Thursday, April 27, 2006

cool!


Robelle Joyce

[noun]:

An immortal



'How will you be defined in the dictionary?' at QuizGalaxy.com

just got this from Yashko
nakakatuwa...

Monday, April 24, 2006

--hangin na lang ang kakainin

kasunod to ng post ko last time. hehehe

Anyways, last friday, as usual may lakad kami ng saturday, kaya overnight na kami kina Rache. Ako, at si Grasya, susunod na lang daw sina Ira at Chris. So nung dinner, natuwa lang kaming tatlo na mag-explore sa Burgos ng Korean Food. *may background music na "unti-unting mararating..."

After that tambay na kami kina Rachelle, wait for Ira and Chris para puntang 100 Islands, lintik akala ko nga hindi na kami matutuloy sa daming pabagobagong isip ang nangyari.

Anyway, just for reference...


340 - bus to alaminos, pangasinan (victory liner, cubao: 4:30am)

50 - tricycle to lucap (divided by three) *sarap magback ride!!!

200 - boat (to and from Quezon Island with island hopping; multiply by 5)

180 - dinner (sa Maxine's Resto; multiply by 5)

300 - accomodation (Villa Milagros, Lucap; multiply by 5)

50 - tricycle to bus terminal(divided by three) *sarap talaga magback ride!!!
339 - bus to Boni, Manila (victory liner: 12:00nn) yan expenses namin...

plus pasalubong na 560php (4 na keychain; 4 na tshirts; at bag na shells).


pag dating sa Quezon Island, nag-meryenda/lunch na lang kami then, simula na ng picturan.

Mag-Feeling Turista sa Sariling Bayan.

Mga Sexy: Grasya, Ichelle, Ira, Rache and Me.
Syempre, kahit maliit ang space pinagkasya ang tri-pod.


Wala akong planong mag lubog sa tubig.
Dahil namamaga na naman ang tenga ko.

Kaya ayan, sila lang may picture sa dagat.

Ang ganda kong kumuha no? hahaha.

Pakipot pa ako.
Ayokong mabasa ang aking
mala-birhen na costume hehehe.


Unfortunately, and Expectedly, ayan.
Nakalubog din. hehehe.
Nakatripod si S1,
at kanda subsob ako sa paghabol ng timer.


Featured ang 100 islands sa Rated K kagabi.
At sila ay nag-adopt ng island.


Gusto lang naming patunayang...
wala lang... hahahah


Ang aking kapangahasan...

Tambay kami sa ilalim ng tulay.
Mga takot silang mangitim.
Ako gusto kong makikain. hehehe.


Yan si Manuel L. Quezon (i think island nya to.)
hehehe. wala lang pose lang.


View buhat sa tuktok ng Quezon Island.
Breath-taking talaga!


Nag-island hopping kami bago uwi.
Eto ung Cathedral Island.
Maganda yan sa luob parang may altar.
Unfortunately, mabilis ung boat,
na-awestruck din si S1 kaya bagal nyang mag-react.

=======================================================
Sunset from the boat.
Ganda ganda no?

Had dinner at Maxine's Restaurant.
Sinigang na isda, Buffalo Wings, Inihaw na Liempo,
Pinakbet ang aming dinner.
Yummy!

Weird no?
Last Photo namin sa Alaminos is
ung Welcome to Hundred Islands!


Well, ayan ang trip ko sa hundred islands. Maganda talaga ang Pilipinas.

At ngayon, --hangin na lang ang kakainin ko. Sa Friday ng gabi, papunta naman ako ng Pulag hanggang May 1.

Kuracha sa lakwatsa ang lola nyo!
------------------------------------

postcript:
bad trip, bakit parang 16 years
ang 4 na oras na byahe
samantalang dati, ung 6 na oras
parang 6 minuto lang. hayyy.

Monday, April 17, 2006

buhangin na lang ang kakainin

hayyy... grabe talaga.

eto share ko lang...

Holy Wednesday... April 12... wala kaming pasok dito sa office, declared holiday sa min. Since galing ako kina Rachelle (
natulog kami dun ni Suzette sa kanya, after ng dinner sa Blue Ginger sa GB3 at coffee sa Gloria Jeans sa Glorietta.). Then, sumama ako sa birthday celebration ni Aprille dapat sa Dencio's pero nalipat sa Gerry's.

got this from the Bday Girl, Aprille.yan kami... si Dhol, ako, si Mitch, si Aprille at Ayie, the birthday girls, at si Cris.

After that lunch with them, Rache and I bought a two-piece bathing suit at Tomato. No Pics yet, dahil bawal magpapic sa luob ng Ace Water Spa. Yup, nagwater spa kami ng Thursday afternoon with Ira, Chris, ako, si Rachelle, si Grasya, Ruben at yung pamilya nila.

kami ni Rache, after ng water spa.


After the Spa, we ate at KFC then went to pray at Sto. Domingo Church along Quezon Ave.

In fairness, umuwi naman ako at Good Friday, I spent the whole day at home. SLEEPING... and THINKING... hehehe. Then, nung gabi, umalis ako ulit to sleep at Rachelle's house. Ang paalam ko is manunuod ng prusisyon sa Poblacion (ang isa sa mga bagay na namimiss ko dun sa lugar na kinalakihan ko)

Prusisyon, mga pics na nakuhanan ko.

yung head nung mga "mumu" hehehe.
nakakatuwang makita na karamihan ng mga mumu ngayon
is mga "next generation" bagets na...


After the Prusisyon, natulog ako ulit kina Rache para maaga kami for the next day, sasabit kasi kami sa pamilya ni Ira sa Island Cove, sa Cavite.

Saturday, andun na kami sa Baywalk, antay ang ate ni Ira.

Nagandahan lang ako. Although I didn't give it much of a justice.

Ira, me and Rache: while waiting at Figaro, Baywalk

Natuwa lang ako sa kanila. hehehe.

Nasa Island Cove na kami ng 6:30am only to find out na 8:00am pa pala ang bukas nya. so... pic pic muna...

Chris, Ira and Rache: sige na pose na muna...

Bored? Magtulak tayo ng canyon!

sub muna ako kay Ira, pagod na daw sya. tibay ni Rache.

Napagod ako dun ah!

Pretty pa rin!!! hahaha.

si Justin at si Mama ni Ira: ang cute cute ni baby...

kita nyo ung slide!?
umakyat lang ako dyan
para kumuha ng pics nila habang nag-slide.
Ako, I didn't bother to try. tried it once.
No point in proving something to myself.

sa takot talaga ako magslide e.

Sa taas ng slide, bago sila mag-slide down.
yup, tyinaga ko yan. hehehe.

Galing talaga ni S1,
nandun ako sa taas ng slide
when I took this pic.
parang ang lapit no? :)


Me, Ira and Rache: Sa pool.

Mga winning FHM poses! :)

Playtime sa Pool: trip trip lang...
Nang mapagod na kaming maghanapan ng piso.
Ako, si Ira, si Chris, at Si Rochelle na sis ni Ira.
Si Rache ang kumuha. :)

At Easter Sunday, April 16... Family Day... punta kmi sa Sta. Rosa sa Tita ko. Then punta kmi sa SM Sta. Rosa.

si Odeng, Mommy ko at ako: trip trip
lang sa van papuntang Sta. Rosa.

So far, yan ang nangyari sa kin last long weekend.

at sa weekend, pupunta kami *sana* ng Hundred Islands... so ika nga ni Grasya, Buhangin na lang ang kakainin namin sa dami ng mga lakad namin. pero malamang sa kawalan ng pera, hindi na kami makakaabot pa sa mayrong buhangin, baka dumila na lang kami sa semento. hehehe.

Yup, I am soooo busy... but it still finds it's way to attack when the least I expect it.

Share ko din ung sermon ng pari dun sa Balibago Complex church... sabi nya

Dream... dapat may pangarap tayo... may goal

Believe... hindi lang dapat kay Lord tayo naniniwala kundi higit sa lahat sa sarili natin... para may mangyari sa buhay natin. Minsan daw nasa atin na ang pagkukulang kung bakit hindi binibigay ni Lord ung mga hinihingi natin.

Survive... dapat daw mag MOVE ON. kasi iwanan man daw tayo ng mga asawa, boyfriend o mawalan man tayo ng trabaho, o malugi man ang ating mga negosyo, andito pa din naman tayo at nakatayo, so... MOVE ON... we have to survive... we have to fight.

...un lang... medyo tinamaan ako sa sinabi ni Father a! =)