Friday, March 31, 2006

stick with you

a long time ago, everytime I have out-of-town trips without you, you usually hug me or get something from me para masigurado mong babalik ako (as you put it)... ngayon... you don't even know that I'll be going to places (as in far away places...)

I miss you so much...

...but I am ok... I just miss you...

Wednesday, March 29, 2006

what's wrong with the world?

I was not able to join the Kairukan Climb last weekend. Sorry talaga Kuya Richard.
- reason... hindi ako nagising. ewan ko ba anong pumasok sa kukote ko at hindi ako nagpagising sa ibang tao (e.g. kuya richard). I was trying my damnest best not to be dependent to other people na when it comes to waking up early specially pag climbs. Wala na kasi yung official tiga-gising ko. Feeling ko talo ako. Naiyak talaga ako sa sama ng loob ko sa sarili ko dahil nakapagpack na ako nun at excited na ako sumama. Sorry talaga kuya Richard. Next time papagising na ako sa yo. Syet sana me next time pa!!!

==========

Then, it was Monday. Na-ticket-an ako sa kanto ng buendia at Edsa. Naticket-an ang beauty ko ng hindi man lang ako nagdadrive!!! Offense? LITTERING!!! first time kong nagtapon ng wala sa lugar dahil sasakay na ako ng jeep at wala nang trash bin na malapit. Hindi ko malaman kung matatawa ako sa nangyayari o hihimatayin lalo nang malaman kong ISANG LIBO ang kelangan kong bayaran sa Munisipyo ng Makati kung ayaw kong lumitaw sya sa NBI Clearance at Police Clearance ko. Watdapak!
ung ticket ko...

At eto pa, sa sobrang bait ko nang humingi ng ID nagbigay naman ako. Nung pinadictate ung address ko dinictate ko ung tama. At ang pinakamatinding kabaitan (a.k.a. KATANGAHAN) ko mali na yung sinulat nyang spelling ng middle name ko kinorrect ko pa!!! hayy shonga talaga.

==========

Then, it was Tuesday. hayyy, I received a text from one of my friends from highschool, her grandma passed away na. when I finally got in touch with her, she requested na punta daw kami ng friday night at mag overnyt daw kami for the libing ng saturday morning. walang kaso sana, kaso, me lakad na akong na-oo-han ng friday. for once, kelangan isa lang ang piliin ko, hindi kaya ng powers ko na pagbigyan pareho. ung lakad ko sa pioneer (mandaluyong ata un) at ung burol ay sa tondo. hindi ako pedeng sumunod lang sa burol dahil hindi ko alam ung lugar. once again may hindi na naman ako mapapagbigyan, me matatapakan na naman akong damdamin. I need to give up yung gimik, dahil yung si mamu close sa barkada namin un eversince naging magbabarkada kami ng apo nya. hayyy. Alam ko na may magtatampo kasi minsan ko na syang na-set aside in favor of another friend.

It was not an easy decision for me, ako pa? Kung pedeng lahat na lang pagbigyan pagbibigyan, kung pedeng maging masaya ang lahat maging masaya ang lahat.

It's not about being second best... it's never about being set aside...

I know that I promised na gagawan ko ng paraan na makasama dun sa gimik na yun, and I really did. Mas gusto kong kumanta at maging masaya than to stay in a wake. pero di ba naman, minsan lang mamamatay ang tao at higit sa lahat hindi ko naman inischedule na mamatay sya this week.

Ndi din ako nagdadahilan, cause that's the last thing nagagawin ko para lang makaiwas sa lakwatsa. oo nung una I was hesitant dahil nagsayang nga ako ng isang libo. pero kung pera lang ang problema ko at gagawa pa ako ng dahilan para lang makaiwas sa gastos, hindi nyo ako kilala. wala akong rason para magdahilan wag lang makasama sa gimik na yun.

Wala din akong sinasabi na wala syang kwentang kaibigan. in fact, naiintindihan ko yung friend ko sa nararamdaman nya. kaya lang ganto talaga ako e. I have always been a responsible friend. hindi ko naman hahayaan ung mga kaibigan kong in need, oo in the process I may be sacrificing some other friends, pero bago naman yun i make sure na in good hands sila bago ako sumaklolo sa mga kaibigan kong in need.

syet. I hate letting down people i love. I hate making my friends feel that they are just second best... dahil lahat sila best para sa kin... kaya lang isa lang ako e madami kayong kaibigan ko.

sorry...

Friday, March 24, 2006

wala lang

last night I was with Tin, I can't remember how it started but we had this silly conversation about my death, my funeral and my "habilins".

minsan sa bilis tumakbo ng utak ko hindi ko mahabol. hahaha. bigla na lang akong natawa, I found myself thinking na "tin, itext mo ako pag umiyak si TuuuuuTTTT sa burol ko." hahaha. tapos, parang kung ano ano nang naisip namin ni Tin. Sabi nya i-fully charge daw nya phone ko bago ipahawak sa bangkay ko. ewan ko... hanggang sa mauwi kami sa ang suot ko daw is ung "banderitas", tapos andyang maglalagay daw ng chocobanana shake sa loob ng kabaong. Umabot pa nga kami sa puntong lahat ng dadalaw dapat naka-two piece at naka-fish net. hahaha.

wala lang. trip ko lang ishare, natatawa kasi ako e.
=)

Tuesday, March 21, 2006

tinted weekend

last weekend I was at Puerto Galera. We had a blast, me and my blogmates and Agnes. We were able to meet new set of friends (officemates of Tin).

I am totally not aware that this pic exists.

kaming mga magaganda dun sa Puerto

kasama namin ang mga officemates ni Tin
(Ren, Erlyn, Agnes, Tin, and Me
sitting in front: To-Lits, and Brian
standing at the back: Marvin, Cher, and Jon)

hanging out sa shore after the Mindoro Sling drink courtesy of Ren

Pauwi na.

Just visit Cher's blog (http://beybikulet.blogspot.com) for details.

I don't wanna discuss the details. All I know is I HAD A GREAT TIME. :) as in!

why "tinted weekend"?

we went snorkelling last saturday, and in the hope of a cheaper price, we invited Tin's sister's group. Sina Oui, Jessica, Wael at Walter. But that was the only activity we did together the whole trip. After snorkelling, our groups have went on our different ways na. Until Tin learned what happened to them by Sunday afternoon.

They were having a good time riding the flying fish when an unfortunate accident happened. This accident cost a life... Walter's life. I don't know the exact details, but it really makes me sad... and I must admit, I am scared too.

It was so sudden.

Rest in Peace, Walter...

Tuesday, March 14, 2006

together again...

I am so happy!!!

I had my Shota Number 1 (S1) back!!!

hehehe that's what I call my canon S1iS camera, si S1 (pedeng sweetheart number 1) hehehe.

I had him back after giving him up to Marivic (thanks, mavic!) para mapagamot sya.

I learned one valuable lesson from this. Marami sa inyo ang may alam kung gano ko kamahal si S1 sobra sobra to the point na halos gumuho ang mundo ko nung masira sya. Na halos dami naming napagsamahan, dami naming pinuntahang iba-ibang lugar. My constant companion. Pagkamagkasama kami nakakalimutan ko ang oras at higit sa lahat, S1 helped me see things in a more beautiful setting. Pero nung araw na kailangan ko na syang ipagawa alam kong kelangan ko syang i-let go at hayaang maiconfine sa service center. At nung araw na yun, halos ayokong bitawan sya. BUT I KNOW I HAD TO.

I'm glad I did. ayun ayos na sya. :) makakasama ko na sya ulit. more memories to capture. :)

a lesson learned...

I am so happy!!!

Thursday, March 02, 2006

First Time Weekend

Nung Monday pa ako nangangating mag post, kaso I don't wanna post anything na walang pics. So kahapon, I met up with Cloyd (na syang may ari ng camera! Thanks!).

Saturday, February 25, 2006. First Attempt to Row.


Akala ko hindi ako mag eenjoy. Pano, on time sana ako kaso maling Figaro ang napuntahan ko. Anyway, buti na lng, sinundo ako ni Abet. hehehe. Nagstart na silang magwarm-up nung nakarating kami sa Figaro sa CCP.

Masayang mag row. Panalo ang mga tao. Panalo ang form. ang hindi lng panalo, medyo mabilis akng mapagod. so, the first 5 na hagod medyo in-synch with the rest, kaso the next na mga hagod, nagkakahampasan na kami ng oar nung nasa likod o nasa harap ko.


After naming mag-row bago dumaong medyo lumayo layo kami ng kunti, parang naghanap sila ng medyo malinis na parte ng Manila Bay. Then, apat kaming newbies: si Terrence & Marns (on their second week na) Clarence (on his third week) at Ako (na first time talaga). Pinalubog kami sa Manila Bay. nakakaaliw. :D

After makaligo, kinukulit ko sila Kuya Richard, Cloyd at Abet na turuan akong mag-Bike, at since hindi ko abot ang mga bike nila, nagpicture-taking na lng kami.

OCMI Rowers that day: Cloyd, Abet, Me, Clarence, Ava and Kuya Richard


since I don't know how to bike, daanin na lang natin sa porma!

Magrorow pa ba ako ulit??? Of course! pero... I don't think ka-career-in ko sya.

========
Sunday, February 26, 2006. First Time sa Kairukan, Morong, Bataan.

Kahit nagsisimula nang sumakit ang likod ko ng dahil sa pag-row, sumama pa rin ako kina Kuya Richard mag-recon sa Mt. Kairukan, Morong, Bataan. Ang aga ko pa ngang nagising sa sobrang excitement e. Kaso due to some uncontrolled factors tulad ng bus, nalate ako. :(

Anyway, we started our trek at around 11:40am and we reached the campsite at around 2:15pm. Grabe hirap na hirap ako (as always!) I don't know if I should blame the fact that I am not eating properly lately and dahil pagod na din ako ng saturday. The trail reminded me of Mt. Susong Dalaga sa Talim Island, Rizal. Dalawang paahon lang na mahahaba na walang malinaw na trail dahil natatabunan sya ng mga tuyong dahon. Bago dun sa may gitna na nabinyagan ng "pinagsukahan" binitbit na ni Cloyd yung backpack ko.

Sa campsite, may falls. kumain lang kami sandali at dahil naghahabol ng oras, nagsipaglusungan na kami. Picture-picture na walang katapusan.

sa hanging bridge bago makarating sa may community

ang tatlong magigiting na lalaking kasama ko: si Kuya Richard (EL); si Cloydie-Cloyd (me ari ng camera); and si Pareng Abet (ang may mapa)

Huntahan muna habang nakain

Ganda no?

Playtime sa Falls

Pang-poster!

Diosko! nahiya pa kayong tatlo!

Kita nyo si Kuya Richard!? ayun sya o, nagsasalok ng trail water sa falls.

self portrait. sariling sikap.

Pagbaba namin nagpapicture pa kasama si konsehala.
(konsehala sya di ba? dahil nasa olongapo si kapitana)

Tired but still very pretty, indeed!
ha-ha-ha

hanap nyo away?!?
nah, pacute lang ako. Last shot before leaving.

Hindi masyadong easy yung experience ko sa bundok na to, sumusuko na ako pero buti na lng ineencourage ako ni Cloydie-cloyd at saka hiya ako kay Kuya Richard. Nung pabalik ayos naman na, ikaw nga ni Cloydie-cloyd, nadaan daw ako sa wento. hahaha (actually nakakain na kasi ako e.)

Galing ni Abet, sya ang aming navigator, sya may dala ng mapa. impressive!

Babalik pa ba ako dito sa bundok na to??? hmmm... yup... I will definitely be visiting back... unless...