Wednesday, July 27, 2005

Putikan sa Tarak


last weekend, we had a training climb sa Mt. Tarak sa Mariveles, Bataan. It was fun na mahirap :D ang kauna-unahang Training Climb ng OCMI X para sa taon na to.

kasama ko na si Tin sa climb, first time :) proud ako sa kanya kasi malakas sya for someone na first time umakyat at for someone wearing badminton shoes, magaling sya :)

Basically, hindi nasunod ung iprinapare na itinerary. Sumakay kami ng Balanga na bus imbes na Mariveles. Bumaba sa Balanga Terminal para lumipat ng bus na maghahatid sa Brgy. Alasasin. Sa may Baranggay Hall nagparegister at nagrepack. Nagdistribute ng mga load, nag-CR (sa mga nakasikmura ng amoy) at nagpicture-taking.

Nagstart na ang trek. Naglakad muna kami sa kahabaan ng mabatong daanan. At sa may tanggapan ng DENR kung san nagparegister ang grupo, nagsimula na ang tutoong trek. Una puro patag lang hanggang maging unti unti nang mabato na pataas. Matitibay ang mga trainees, dahil ang dalang ng mga rest stops pero go pa rin sila. Nagregroup muna sa may clearing bago ung isang assault paakyat sa isa pang clearing. At nagregroup ulit sa me pag-ahon dun sa matarik na lugar. Buhat dito tanaw na ang Corregidor Island. Sa bawat pagregroup syempre ndi maiiwasang magwentuhan at magpahinga. Makalipas ang clearing na ito, unti unti nang nakakasalubong ng grupo ang mga falls, batis at water sources. Mapuno at malilim na din ang trek. Habang naglalakad, nakikinig ako ng mp3. iniisip ko din si Professor Snape, iniisip ko pano na sya ngayon, sino nang magtatanggol at magtitiwala sa knya ngayon pinatay na nya si Dumbledore? Tinutugtog din nun ung Ever the Same ni Rob Thomas ng... plakda ang lola nyo! nadulas ako sa bato. hayy kung kelan patag. ayan, meron akong malaking pasa sa aking left butt cheek. naloka talaga ako. katangahan ko talaga.

At finally, nasa may paanan na ang grupo ng trail paakyat ng summit. Nagdesisyon na si EL Suzette maglunch, ng nagsimula nang bumuhos ang ulan, malakas na ulan. Bumigay na din si EL at pumayag nang dun na magcamp sa Tarak Ridge-Papaya River Junction.

Nanadya ba ang panahon? Pagkatapos naming kumain at makapagtayo ng mga tents, tumigil ang ulan. Nagsimula na ang HAPPY HOUR sa may Falls!!! ang ganda ganda sa falls. Medyo malakas nga lng ang agos ng tubig. umulan kasi. pero yung mga gantong tanawin ang mga bagay na ndi mo makikita sa Maynila. nag enjoy kami sa paglalaro dun sa falls at sa picture-taking. yan ung isang kuha ko ng falls. ung mga pictures habang naglalangoy kami sa falls wala pa. May mga pictures pa kmi ni Manny na pang-FHM sa ilalim ng falls. hehehe.

Ang mga trainees nagprepare na ng dinner (sinalaulang pasta as per Glenn Nieva, at Port Tonkatsu). Habang kami ay natulog dahil napagod sa pagtatampisaw sa falls. Matagal tagal din ang tulog ko.

Nagsocials na after dinner, walang inuman. Kasi iisang bote lng ang dala ni Marlo (isa sa trainees) at yung iba sa knila ay nahiyang magdala dahil training nga naman. Pero ayos na ding walang inuman, masaya ung socials. getting-to-know session with the applicants. nakakaloka kasi bawat sabihin nila sumisigaw ako ng "sinungaling, kumain ka ng tonkatsu" hehehe.

Maaga din kming pinatulog ni EL kasi maaga pang mag aassault ang mga trainees. So pasok na kmi sa aming mga kanya-kanyang tent. kaaliw ung tent namin, kasi tabi-tabi puro bobcat na dome. naglolokohan ngang "the bobcat village" daw.

Umaga, the next day, sina Leo at Jeilenn nauna na silang bumaba. Niloloko ko pa nga silang sasabay na kming bumaba ni panget. Habang nag assault na ang mga trainees, natulog pa kami ni panget sa tent. Nang maramdaman naming me mga nagpreprepare na ng breakfast tumulong na kmi kina EL, Ava, at Vidal. Sarap ng breakfast!!! hotdog, fried rice at tirang tonkatsu. Ang bait nga ni Ava, kasi pinaggawa nya pa ako ng sunny side up na itlog just like i've dreamt nung gabi. hehehe.

Umulan ng malakas habang nagliligpit at naghahanda na kming bumaba. Ngunit dahil sa wish ni Vidal tumila naman ang ulan at nagkapagsimula na ulit ng trek pababa. Nung unang parte ng trail, naloka ako, kasi I don't remember that the trail is that hard. Narealize ko na parang puro pataas na ung trail. Pero nung makalagpas na kmi dun sa me clearing kung san kita ang corregidor ayun, madulas at sobrang maputik na.

Nagstop over kami dun para sa picture taking. ang kulit nga kasi nakapajama lng akong bumaba. nabasa na ksi ung dapat pangbaba ko.

DISCLAIMER: Ndi ko po syota o boyfriend ung kasama ko sa pic. Ndi din po ako nagpi-feeling syota nya o girlfriend for that matter. Maganda lang po talaga ung view dyan.

Tuloy tuloy lng ang pagbaba namin sa putikan, ok naman at ndi ako nadulas :) kaya lng ang trademark ko talaga, kung kelan patag at malapit na saka nadudulas. nawalan na naman ako ng balanse at nadulas na naman ako. bumibigay na ksi ung left knee ko kaya wala nang balance. tpos, pinipilit ko pa ring magdiredirecho. tapos, me nakakaibang nangyari, me nakita akong puting kuting! walang dumi ung kuting samantalang maputik. pagtingin ko ulit wala na. ewan ko kung sobrang pagod na lng ba un e. anyway, ndi ko na sya pinag isipan, nakiraan na lng kami. :)

Nagpahinga na lang kami sa may DENR office, uminom ng buko juice at nang maregroup na ulit, umuna na ulit ang iba sa may mga tindahang malapit sa baranggay hall kung san kami nagwash up. late na din ung lunch namin, pero ang dami kong nakain sobra! hehehe.

Then, uwian na... pero one last KAPAMILYA OCMI pic muna...

BAKIT NGAYON MO LANG ITO IPINOST?

hehehe busy ako kahapon paggawa ng climb report e. :)


KUMUSTA NAMAN ANG PAJAMA MO?

ayun, ang pajama ko ndi ko na maibalik sa dating kulay. hahaha.

Thursday, July 21, 2005

sabi ko na... sabi ko na...


hay nakuh, sabi ko na e. masaya masyado ang aking weekend para magtagal :( anyway, I am not really that malungkot, I STILL HAVE HARRY POTTER :D

HARRY POTTER NA NAMAN!?!??!?! ANUVAH!

well, I'm not gonna write about Harry here e (that is if I can help it).

dunno, something inside me is slowly creeping up to the surface. a long forgotten loneliness (not now please not now!!!).

Si Chame na bestfriend ko aalis na naman sa monday, balik na sya ng singapore. sa december sya ulit balik. pero twice palang kmi nagkakasama. so far pag nasa singapore naman sya parang ndi pa din naman malayo e, pero pagkanapapagod na akong mag type at magwento sa knya, the reality kicks in na I cannot call her. mas masarap makipag wentuhan ng me mga side comments with matching acting/actions. mahirap i-convey sa chat o sa email ang tutoong nararamdaman e.

Next bestfriend, si Sir Ronnie, aalis na naman sya sa July 29 puntang UK, ndi ko alam kung gano na naman sya katagal dun, pero namimiss ko din sya pagkaumaalis sya. masarap kasi syang kasama. kahit sinesermunan nya ako ramdam ko na love nya pa din ako.

Next bestfriend, si Rache, nakanang, ayun nasa US na naman umalis last last week. sa 2nd week pa ata ng August ang uwi. wala tuloy akong makasama pag after office hours.

Daddy ko, kahapon umalis sya, balik ulit sya ng Saudi to work. ayoko ngang isipin kasi kahapon pa ako naiiyak. ewan ko bakit ganun, simula pa lng pagkabata tuwing aalis sya naiiyak ako. tuwing aalis sya para akong laging in-denial na aalis sya. either inaaway ko sya para wag kaming mag usap bago sya umalis, o kaya magiging cold ako sa knya.

madami naman akong mga friends... masayahin din akong tao kaya lng minsan tinatamaan talaga ako ng lungkot e. ewan ko ba... I don't even know if the real cause of my loneliness are these people... baka me iba pa... ndi ko lng din alam...

TAMA NA ANG DRAMA!!! MAGWENTO KA NA LNG ABOUT HARRY POTTER...

hehehe.

O NAKANGITI KA NA! SABI KO NA E...

si harry potter? natutuwa na ako ulit sa knya dito sa book 6, ndi katulad sa book 5, parang masyado syang attention-seeker. ngayon nagmamature na sya :)

me isa palang angle sa Book 6 na ndi ko magets bakit ganun.
nuon, si ginny (kapatid ni ron) me crush sa knya, pero ngayon sya na ung me feelings for ginny. bakit ganun no? ndi nagkakatagpo. hahaha. nakakarelate ako! although I still don't know the ending of the book kasi ndi pa ako tapos, pero as far as ung chapter na binabasa ko, nagseselos sya kay dean nung mahuli nila na nagkikiss sila ni ginny (at dean) :D hehehe.

si hermione at ron, ewan ko, ndi ko alam kung anong makakapag paamin sa knilang dalawa. ang masasabi ko lng mahirap yan! hahaha.

anyway, I feel better na. :) naisip ko na naman kasi si Harry e.

Secret lng natin to ha? Since Monday ndi pa ako nagtratrabaho ng maayos, kakabasa :D hehehe (wag sanang mabasa ng boss ko to!) :)

Monday, July 18, 2005

friday... saturday... sunday

FRIDAY Night... Videoke

supposedly nuod kmi sine ni tin (if only) tpos, si tiny dpat sinamahan lng nya akong mag intay kay tin. then, like a wave of a wand...

nagdinner kmi sa Kenny Rogers sa may Park Square. then, napagkasunduang mag inuman na lng. ewan ko si tin ata ang nagsuggest na mag VIDEOKE na lng. :) she recommended this place sa may Pioneer Center, it's called
Pelangi. It's 100 pesos per hour per room which accommodates 7 persons. ang mura noh? ayun, kantahan kmi. inom... kanta...

ganda ng boses ni tiny. galing. sobra!

SATURDAY... Rudy Project and Pinoy Blonde

since 3am na ako nakarating ng bahay namin, kinalimutan ko na ang plano kong by 7am dapat nasa powerbooks ako to get the Harry Potter and The Half-Blood Prince na pinareserve ko. I woke up at 11am. dumating mga pinsan ko sa bahay at sumabay na ko sa knila papunta ng makati. Diretso ako ng powerbooks to get ung pinareserve kong book (thank you sir arnel sa pagpapahiram mo sa kin). Then, met up with panget. punta kami ng Rudy Project to buy his shades. malupet! ang mahal 6K para lng sa shades? like duh! pero in fairness maganda naman sya :) inabot kmi ng 2 hours dun kakaisip kung bibili at kung ano ang bibilihin. well can't blame him, dapat worth un ng pera nya.

then punta kmi ng Expedition Plus sa mile long building para tingin ng mountaineering gear, pero... wala serado. balik kami ng greenbelt, pero naglakad na lng kmi. Nagulat ako, parang we're walking along the memory lane. take note sinimulan nya! :D hehehe. Kain kmi sa KFC, then watched kami ng Pinoy Blonde. hmmm...

BADUY NYO TALAGA!!!

ok... ok... it's not really baduy... actually, ok ung pagkakagawa. iba. kakaiba.

KASO NGA LANG!?!!?!?!

...hmmm kaso nga lng, medyo walang storya. sobrang mababaw. parang talagang nag experiment lng sila. sabi nga ni panget, sayang pera. opinyon ko about this is sana yung mga gantong pelikula e maenhance pa ang story line. kasi (although medyo kinopya) maganda ung editting nung scenes. enhance pa ung dialogue, kasi medyo wala talagang wenta e.

SO ANG RATING MO AY????

1.5 stars hehehe... AYOS!

SUNDAY... ULTRA

akala ko ndi na naman ako makakapagtraining, ewan ko iba talaga ihip ng hangin ngayon. :D pero, ayun, nagjog kami sa ultra. at nagstair climbing pa dun sa mga bleachers. ok naman.

nung nagstair climbing kami dun sa me tuktok, overlooking sya. dunno but we got to talk... about some foolish things. kababawan. pero masaya.

... yan ang weekend ko... masaya... wish ko lng ndi pangit ang next weekend ko kasi me akyat kami nun! :)

Thursday, July 14, 2005

On being Alone

Pinost ko na to sa friendster bulletin before, pero hinanap ko sya ulit, dahil napag usapan namin ni tin kagabi. at lately eto din ang madalas kong gawin... nagcra-cramming kasi ako ng HP series para umabot sa pagrelease ng book6 e.

masarap mapag isa...

nakakagulat na sa isang Robelle Joyce mangagaling ang mga katagang yan, pero tutoo, masarap mapag isa...

walang masama sa pagiging "alone", minsan kelangan natin ng break sa mga tao sa paligid natin.

Madalas sa mga panahong ito masarap ka-date ang sarili. Maglakad sa walkway ng me pasak na earphone ang tenga. Maglibot sa Glorietta at Greenbelt at titingin tingin sa mga tao. Magkape sa Starbucks na ang tanging kasama ay ang ballpen, notebook at mp3 player. Manuod ng pelikulang tagalog kahit anong baduy pa nya.

Oo nga't ako ang tipo ng taong laging napapaligiran ng mga kaibigan, pero lingid sa kaalaman ng karamihan, I find peace of mind when I am alone... doing things on my own, in my own space and time.

Nakakapagod din namang kumain ng laging me kahuntahan, nakakapagod maglakad habang nakikipag wentuhan, nakakapagod manuod ng sine ng pinipigilan mo ang iyong mga luha at pagtawa dahil me kasama kang mababaduyan sa yo...

Ano ba ang perks ng pagmag-isa ako:
I often find myself lost in the books I read... in other words, natatakasan ko ang realidad...
Nakakapagdraw ako ng tahimik... walang kumukontra na tabingi ang mata, o ang kilay...
Nakakakain ako sa sarili kong phasing... na nanamnam ko ang pagkain ko...
I can cry openly sa movies... and I can laugh loudly sa movies... walang pakialamanan

ewan ko... nitong nakaraang mga araw, nagiging obsession ko ang mag isa... ndi dahil sa malungkot ako... kungdi kelangan kong maramdaman kung gano ako kasarap kasama.

ang masasabi ko lng sa mga taong takot mapag isa. hangga't ndi ka ONEGRY walang masama maging mag isa...



Courtesy of Dictionary.com
Main Entry: onegry
Part of Speech: noun
Definition: a state of being alone and unhappy
Etymology: one + (an)gry

Monday, July 11, 2005

pagod at sakit ng katawan

monday na monday ang nega ng title ng post ko. hehehe.

I'll tell you about my weekend. Busy ng weekend ko grabe.

nagstart na ang training ng OCMI X.

HUH!?!?!?!

OCMI X is what we prefer to call the latest batch of trainees ng OCMI (Ortigas Center Mountaineers, Inc.). Kaya OCMI X kasi batch 10 sila. madaming trainees this year, sana lang magtuloy tuloy silang lahat para masaya.
Last Saturday na ung first day ng BMC 1 (Basic Mountaineering Course). Jog sa ULTRA nung umaga. grabe namiss kong mag jog sa ULTRA, it's been 7 months since I last jogged there. then, lecture wentuhan session na ang sumunod. By lunch time, kumain kami sa Aysee, ung isang lugar dun na famous sa mga taong laging nasa ULTRA. yup, I agree masarap ang kanilang sisig, although antipatiko ang nagserve sa min, nag enjoy pa rin ang lahat nung lunch. after nun diretso na kmi sa HQ sa Mandaluyong gym. Dun na tinuloy ang lecture. nakakaantok, natulog ako sandali para makapahinga hehehe. Nagagawa ko na un ngayon dahil ndi na ako applikante. hahaha. after all the topics have been covered, bonding time na. in OCMIs terms, INUMAN na. getting-to-know session sa mga bagong mukhang kasama namin. :) I would have enjoyed that kung ndi lng nakaset ang utak kong me lakad ako. anyway, after two shots of vodka, wala na talaga ako sa mood.

Muntik nang ndi ako umattend ng sunday... nilunok ko na lng ang pride ko after somebody texted me. although, he didn't say sorry, ramdam ko naman, kaya nagpapilit na ako. a little past 11am, nasa Robinson Galleria na ako to meet up with Glenn. Tuloy na kami sa QC Circle. Ate lunch bago kami sumunod sa grupo. I was glad to find Tin there. si tin ung nakilala ko through Abet's blog, at talagang desidido na syang mag apply. :)
Tumuloy na kami sa Campo Uno where we stayed sa tower. ang babangis ng mga trainee. panay ang talon. na-addict na din! hahaha. ndi na ako dapat tatalon dahil me bayad, wala na akong budget talaga, ewan ko pano nagawan ng paraan ni kula'z pero sabi nya, sya na daw ang bahala basta kung gusto ko tumalon, talon lng daw ako. Standard rappell lng naman ang ginawa ko. as usual parang nung first time, me kabog sa dibdib, kaso naisip ko papatalo ba ako sa mga trainees? hehehe. so, rock off na. siguro na 2 talon muna ako bago ako nacomfortableng magkick hehehe. then, nagbreak muna kmi, inom buko, pagbalik, glenn and I had a bet, mag ascending kami at paunahang makarating sa taas. grabe un. dun ako napagod hahaha.

ung ascending akyat ka ng tower using rope at me dalawang prusik o prussik (isa sa paa at ung isa ung nakakabit sa harness). simple lng naman sya, nakatungtong ung isang paa mo sa isang prusik then adjust mo pataas ung prusik na nakakabit sa harness mo. pagkaadjust mo pataas, upo ka then adjust naman ung prusik sa paa mo. then, pull your body to standing position, para maadjust yung prusik na nakakabit sa harness mo. o di ba? ang simple lng! kaso, ang bigat ko!!! huhuhu, kaya sya humirap! ndi kinaya ng powers kong mag-internalize na ako si Lara Croft kahit pa ang tugtog ko sa MP3 ay paulit ulit na Elevation ng U2. ayun, talo ako sa unahan. :(

I appreciate two people because of this experience.

Si Manny. si Mr. M. dati na syang mabait sa kin. pero ewan ko mas naappreciate ko sya last sunday. lalo na nung nag aascend ako. tapos, nung hinug nya ako after. natuwa ako. parang sinabi nyang ok lng un.

at si Glenn Nieva. ung trainee naming magaling pa sa min :D aliw ako sa kanya. kasi magaling sya. tapos, pagseryoso, seryoso talaga. pero naknakan din ng kulit. hahaha. sana nga pumasa na sya e :)

Nung uwian na, talon kami lahat. nagparescue na lng ako kay glenn wala, nakakatawa kasi...

btw, I have a new backpack. binili na ni glenn ung promise nung bday gift sa kin last year. 35-40 liters ata un. panel loading. naninibago ako kasi medyo mukha syang day pack. pero walang fit sa king 45 liters e. lahat sobrang malaki. ayun... excited na ako para sa next climb. magagamit ko na ang bago kong backpack :)

Wednesday, July 06, 2005

Repost from Friendster

last friday (May 6), bago ang whapakk moment ko (ulit!) a friend told me na, dapat sa susunod mas mahal ng lalaki ang babae...

Dapat mas mahal ng lalaki ang babae? I strongly disagree... bakit??? simple lng... ang pagmamahal ay hindi nasusukat. ang intensity ng pagmamahal ay depende sa interpretasyon ng mga tao... ng mga taong nakakaramdam nito at ng mga taong pinag uukulan nito.

Frankly, I find it unfair na madalas feeling ng mga babae, mas mahal nila ung mga boyfriend nila o ung mga asawa nilang mga lalaki. Unfair, kasi napaka-one sided. Ano bang basehan natin para masabi nating mas mahal tayo ng boyfriend (o asawa) natin kesa tayo sa knila? dahil pagkabinibigay na sa ating mga babae ang kanilang oras at lahat ng ating hilingin? basehan ba yun?
nah, I don't think so. nakapa-superficial.

Ndi ibig sabihing ndi showy ang mga lalaki, ndi na nila tayo mahal. hindi porket hindi ka masundo at hindi sya laging nasa tabi mo e ndi ka na nya mahal. Give them some credit naman.
ang akin lang, kung lagi lagi nating iisipin kung anong mapapala natin pagkanagmahal tayo, ndi yan tunay... ndi wagas...

para sa kin, mas masarap pa ring magmahal ng buo at todo-bigay... walang expectations...

ndi ako santa, nag-eexpect din ako... at yan ang rason kung bakit ako madalas masaktan dahil may mga expectations na madalas na nagca-cause lng ng frustrations. Guys may not meet our expectations but that doesn't necessarily means na ndi nila tayo mahal in their own ways... :)

wala lng... epekto ng pakikinig maghapon kay Nina. hehehe

Monday, July 04, 2005

Make-up... Sex... Relationships... and Harry Potter...


Make-up...

wala lng, natuwa kasi ako sa officemate ko, pinansin nyang nakamakeup ako today. nothing fancy naman, eye makeup lng hehehe. actually, nakakaaliw ang mga lalaki. kasi sila pa ung nakakapansin. last wednesday, nakaragged clothes lng ako pero nagkaeye-makeup ako, nagulat din ako nung mapansin sya nung bestfriend kong lalaki. mga ndi kasi sanay sa kin na nakamakeup. wala lng. nashare ko lng.

Sex... Relationships...

hmm... i don't know how to start on this. last friday night, we had some gurly session sa may starbucks leviste. I'm not claiming that I am such an expert on these topics, nagkataon lng na hindi ako ang nasa hot seat. what's my view on this...

hmmm, relationship is not all about sex. and sex doesn't necessarily means a relationship (a true and lasting one for that matter).

let's all be mature about this. I am not an advocate of pre-marital sex, nor I am against it. My stand on this is that when it is presented to you, it's always up to you whether to do it or not. And once you have decided to do it, you have to be prepared for the consequences (untimely pregnancy, unrequited love, trauma, disease and so on... and so forth).

having sex doesn't mean having a relationship, for relationship is another issue. having a relationship is no longer about yourself, it is already about two people... you and your partner.
are you ready to share your space?

are you ready to give way?
are you ready to accept things your partner is offering (or is NOT offering) to you?
are you ready to be stupid just for the sake of making THE RELATIONSHIP work?

... some people are lucky enough to find their THE RELATIONSHIP before doing the IT thing.
... some people are not so lucky to find themselves doing IT prior to THE RELATIONSHIP.
... some people are stupid enough to be doing IT without THE RELATIONSHIP.
... some people are just plain clueless... and I pity them...

san ako dyan? dunno.
the "plain clueless"?
nah, I don't think so!


Harry Potter...

I'm on my third book na ulit. Nakahanap na din ako ng taong bibili ng Book 6 para mahiram ko. hehehe.

last saturday, i bought a new book, yung magical world of harry potter. nakalagay dun ung mga bagay bagay kung san san pinagkukuha ni J.K. Rowling ung mga names sa HP series. haven't started on it yet. saka na.