Thursday, June 30, 2005

SSDD...

Napanuod nyo ba ung Dreamcatcher? ung me book by Stephen King?

I got that SSDD from there.

yan din ang madalas kong status sa yahoo messenger.

Same Shit Different Day

in tamer term, Routine.

for those who don't know yet, I am reading the HP series again. at para sa mga nakakakilala sa kin, alam na agad nila, she's depressed.


DEPRESSED???

Yup, I am depressed. it's been 4 days now.

ndi ko alam kung gusto ko bang ielaborate.
ndi ko alam kung halata ba.
ndi ko alam kung tama ba.

but this is one of the longest week of my life.

BAKIT KA DEPRESSED???

maraming rason.
kasi SSDD na naman ang buhay ko.

nababato na ako sa trabaho ko, since Monday, halos 11am na ako dumadating ng opisina, and I am literally dragging myself. kanina gusto kong magleave as in whole day leave, kaya lng I need to do some responsibilities I have regarding our last climb. so pasok ako, pagdating ko dito, eto blog-hopping lng ang ginawa ko, check ko ang blog ni ina (which already starting to become a habit), blog ni tin, blog ni gail (na friend ni ina), check ng emails sa yahoo, gmail at ecnetwork. paminsan minsan sumasagot ng ym. gusto kong magbasa lng ng harry potter. para maiba lng. pero syempre, kelangan kong magpaka-AIDS (as if doing something). I am being paid, I have to work somehow.

and I am into this relationship that I just want to get out of!
oooppss, not really, i take that back!
kaya lng, nakakainis din kasi minsan e. napapagod din ako.
SSDD din kasi iba ibang babae lng e. parang ewan ko ba.
me gamot ba ang pagiging selosa? sakit na ata to e. ndi na ata simpleng pagseselos to e. ewan ko nayayamot ako. pagkanagselos ako, mawawala sa eksena ung gurl then iba na naman. cycle na, paulit ulit.

what can I do to stop my life from being SSDD???

I've tried mountaineering, I've tried changing work.
I've tried writing, I've tried watching movies, I've tried reading books.
I've tried blogging...
wala, lahat temporary. ndi pa ako tumatagal wala na ung excitement.

bkit kasi ang bilis kong mapagod, ang bilis kong magsawa. parang isa lng ang "hobby" ang nagtagal e, ung 5 years nang on-going. grrrr...

again... SAME SHIT DIFFERENT DAY...

Tuesday, June 28, 2005

harry potter...

I've just finished reading the Harry Potter and the Sorcerer's Stone (Book 1 of HP series) for the 8th time! hehehe. sabi ni Rache, freak ko daw.

BAKIT PAULIT-ULIT ULIT?

Actually, ung addiction ko sa Harry Potter started when the movie came out. samantalang ung sis ko nabasa nya na ang book 1-4 way before pa maipalabas ung movie. kababawan, i got attracted to the actor who played Harry Potter (Daniel Radcliffe). hahaha.

CRADLE SNATCHING!!!

ndi a. hehehe. wala aliw lng. then, I read the book. then watched again the movie twice. Then, the copies of HP has been sold out, ang hirap maghanap ha! hanap ako ng book 2 then, book 3. lumabas na ung hard bound ndi pa din ako nabili, paperback kasi ung nasimulan kong i-collect. then, my bestfriend from college gave me a softcopy collection. Grabe un, nag-oovertime pa ako sa office just to read it. bitin kasi kung ititigil.

then came the paperback edition of the books. syempre na kompleto ko un. I've been reading it for so many times, me nagtanong nga kung menememorize ko daw ba ung Harry Potter. hahaha.

What's with Harry Potter, anyway??? Bkit ba na 8 times ko na nabasa ang book 1, 6 times ko na nabasa ang book 2, 8 times ko na nabasa ang book 3, 7 times ko na nabasa ang book 4 at 5 times ko na nabasa ang book 5???

ewan ko, pero pag-depressed ako at malungkot, I find comfort reading Harry Potter series. dahil siguro I believe in magic? dahil siguro naaaliw ako sa adventures nya at higit sa lahat feeling ko nawawala ako sa mundo kong magulo pag nagbasa na ako.

Book 1 SOCERER'S STONE: maganda sya, kasi dito mo malalaman ung beginning e. kasabay ako ni Harry na nafamiliarize sa mundong gagalawan nya.

Book 2 CHAMBER OF SECRETS: medyo ndi ko sya masyadong like. ndi ko alam bakit, there is something about the story that I don't like. Maybe because of the professor in Defense Against Dark Arts (Professor Gilderoy Lockhart).

Book 3 PRISONER OF AZKABAN: I so love this book. This where all the emotions are. Yung mga characters dito unti unting nabigyan ng background. ung mga events unti unting nabigyan ng rason bakit ganito, bakit ganyan.

Book 4 GOBLET OF FIRE: ma-aksyon ang librong ito. tipong pagnasimulan mo kung pedeng tapusin na tatapusin mo. kaaliw kasi unti unti nang nagkakaron ng love angle ung mga characters.

Book 5 ORDER OF PHOENIX: medyo disturbing sa kin tong book na to, parang ndi ko magets kung bakit ang daming angst ni Harry. pero galing din ng twist. sad ako kasi namatay si...

malapit nang irelease ung HP book 6. sa July 16. sana me bumili para mabasa ko na agad. mag iintay pa kasi ako ng paperback bago ako makabili. so sa ngayon. ireview ko ulit ung book 1-5. bukas start ko na ulit Book 2. :) lokaret no?

anyways... mischief manage. ;-)

Maulan, Maputik... Dirty!

hmmm... walang wenta ung climb last weekend. :D joke lng po baka mapatay ako ng EL namin.

actually, masaya ung climb, ang mga kadahilanan ay ang mga sumusunod:

a. naligaw kme. (naku, naririnig ko na ang mga boses ng mga elders, ndi daw kmi naligaw!) ok. in fairness, ndi kami naligaw. nagkataon lng na ung tinahak naming trail ay express paakyat sa summit, which is hindi naman un ang aming adhikain. nasayang ang aming mga lakas at oras.

Pero at least, nadiskubre ko na me ARAYAT pala sa PICO hehehe.

b. maulan. yup sobrang maulan na nung gabi, ndi pa tapos ang lahat kumain ng dinner, nagtakbuhan na kmi sa mga tent namin. ang iba, nagdinner sa tent, kmi nung EL namin, inuman session na lng sa loob ng tent (salamat kay Jing sa kanyang San Mig Light!).

Pero nakabuti pa un, at least maaga akong nakatulog dahil inaatake na ako ng migraine.

c. maputik. dahil maulan, maputik sobra nung pababa kami. kanda-dulas dulas kami.

Pero at least, kahit maputikan kami, mabilis namang nalilinisan ng tubig ung aming mga sapatos.

... naririnig ko na ung sinabi ni Jing "The pessimist complains about the wind; the optimist expects it to change; the realist adjusts the sails"

sa tutoo lng, I don't know san ako dyan, optimist? realist? pessimist? For those of you who knows me, sasabihin nyong, I am the pessimist, minsan sasabihin nyong ako ung optimist. but, I doubt kung me magsasabi sa inyong ako ung realist. ha ha ha. Funny!

ako ung idealist e. ako ung optimistic pessimist. I complain then I try to comfort myself by looking at the brighter side of things.

mali ba un? really? but who cares, I find comfort in doing that. If I don't complain, I'll go crazy. If I don't look into the brighter aspect of the situation, I'll never get to move on. tama ba?

ewan ko... senseless rambling na naman. natatamad na kasi ako sa work e.

anyway, mamaya na lng ulit. hanap ako ulit ng topic na pedeng ishare, isulat... i-blog....

Friday, June 24, 2005

emotional chuvahness

nababading na naman ako! hehehe.

hmmm. warning warning: baka maging emotional ng konti tong post ko to!

BAKIT!?!?!

wala lng. Naisip ko lng na ipost to para everytime I have a friend who needs some words of wisdom (nyuk-nyuk-nyuk!) i can just refer them dito sa blog ko. ok di ba? tumaas na ang hits ng visitors ko ndi pa ako napagod magpayo paulit ulit hehehe.

seryoso na. actually, madalas pag me mga kaibigan akong lumalapit sa kin for advice especially tungkol sa LOVE, i don't give the usual ka-iporkitahan na ndi dapat maging ganto, ndi dapat ganyan. kasi, naniniwala ako na walang ibang makakaalam ng dapat nilang gawin kundi ung mga sarili din nila. what I always tend to tell is: "andito lng ako, pag kailangan mo".

ANG DRAMA!!!!

sabi ko sa yo e, pero oo nga, un lng naman ang pede kong magawa para sa mga kaibigan ko, para sa inyo. To be there to share you joys, laughter, pain and hurt.

iba iba ang mga tao:

1. me mga taong takot magmahal, sila ung mga taong ndi ko ma-gets bakit nila pipigilan ung mga sarili nila. its part of life. sabi nga sa kanta ni rob thomas:

Some people,
it's a pity they go all their lives and
never know how to love
or to let love go.


sila ung mga taong ang daming iniisip. I am not saying na wag muna kayo mag isip ng mga consequences. kaya lng, sa dami ng mga iniisip nila, they tend not to savor the feeling of being truly happy. dapat, kung masaya ka, let it be that way... forget about getting hurt. one emotion at a time. ndi mo kasi masasabing MASAYA AKO, kung ndi mo sya buong-buo na nararamdaman. so what kung masaktan ka. so what kung iiyak ka after, ang mahalaga, naging masaya ka.

BAKIT BA KELANGAN GANUN???

hmmm... kasi pag masaya ka, dun sa happy memories na un mo huhugutin ung courage na harapin ung sakit e. at dahil naramdaman mo pano maging masaya dun mo makukuha ung HOPE na everything will turn out all right.

2. me mga taong takot. takot sumabak sa "unknown". pero kung ndi mo i-tetake ung risk, how will you ever learn? madalas if things don't turn out as we want them to be, we tend to "charge it to experience". Medyo mahal nga lng maningil si experience, pero if only you know how to make the most out of it, YOU WILL ALWAYS TURN OUT TO BE A WINNER!

3. me mga taong magaling magbigay ng advice... ok na sana kung ndi mo nga lang alam na "WALA NAMAN SYANG EXPERIENCE". hahaha, parang nakipag usap ka sa isang taong kung idescribe ang planet mars ay, me magagandang falls, me magagandang bundok, when in reality ndi pa naman sya nakakapunta dun, papaniwalaan mo ba? tanga mo na lng kung maniwala ka. para ung sa mga taong takot, they give sound advice, but then again, it's just the brain that's doing all the work.

mas masarap magbigay ng advice kung galing sa puso.
mas masarap makinig sa mga taong "been there, done that".

galing kong magsalita no? ha ha ha... ndi ka naniniwala?
nakita mo kasi ako pano ako ngumawa ng dahil sa LOVE.
nakita mo din kasi ako kung pano gumuguho ang mundo ko.

pero...

nakita mo din ako kung pano ako maging masaya
naramdaman mo din kung pano ako tumatayo (ng may ngiti) sa bawat pagkakadapa
at higit sa lahat

alam mo na some how I made sense!

o ano? tigalgal ka na dyan? basta, kung me problema ka, dito lng ako,
alam mo yun, tested and proven.

o sige, enough na muna ngayon, gagawan ko na lng to ng part 2 pag me maisip na akong bago. =)

Thursday, June 23, 2005

better

I feel better than yesterday na :) khapon, parang pagod na pagod ako, ewan ko ba bakit ako nagkakaganito. Then, we planned to jog sa fort kagabi, kasama ko ung barkada ko nung college at si rache, kaso sabay bumuhos ang malakas na malakas na ulan! baha ang flyover ng buendia papuntang fort!!! so, nagtuloy na lng kami sa Market Market at nag ikot ikot sa tiangge!

malupet talaga si rache, nakamagkano na naman sa kakashopping. ako? bra strap lng nabili ko, at 2 t-shirt para sa barkada ko at sa kapatid ko. mabait na kaibigan at ate hehehe.

Narealize ko din ang katangahan ko, una nawala ko ung singsing ko na binili namin sa baguio, marahil sa kakasukat ng mga damit na ndi naman kakasya. pangalawa, ung headband na knitted na worth 25 pesos sa baguio ay 50 pesos dito sa manila! bakit katangahan? simple lng, kasi ndi ako bumili sa baguio dahil namahalan ako!

NAMAHALAN!?

oo namahalan ako dahil ung mga cute na sleeveless at mga backless sa baguio na knitted ay 50 pesos lng, ung kakapuranggot nahead band is 25 pesos. di ba? ndi naman ata bagay ung presyo? hehehe. so ayun, nagsisisi tuloy ako, parang gusto ko na ulit bumalik ng baguio at bilihin ung pendant na cross sa ibay's, bilihin ung headband kahit mga 3 lng, bumili ulit ng rico's lengua de gato dahil paubos na ung stock ko, at higit sa lahat, magpicture-taking sa burnham park which is ndi ko nagawa dahil naubos na ang panahon ko sa kaka-ukay ukay!

ang weird ko no? feeling ko pagod na pagod na ako pero ang nasa utak ko pa rin ay ang paglalakwatsa! sabagay, me akyat pa nga kmi sa pico de loro sa saturday e. which reminds me that i have to do the marketing tonight para sa food.

o sya, habang me enerhiya pa ako kelangan kong samantalahin at tapusin ang mga dapat tapusin. Malamang mamayang hapon, nilalagnat na naman ako o di kaya'y nalalata na naman ako!

sa ngayon ang masasabi ko lng sa yo... Have a great day ahead!!!

Tuesday, June 21, 2005

rico's lengua de gato

have you been to baguio? dun sa me palengke nila? where you can buy pasalubongs? ung merong chocoflakes, peanut brittle, strawberry jam, lengua de gato at marami pang iba... un na un!

merong ibang tinitinda na 4 for 100php
merong 3 for 100php
pedeng assorted
pedeng iisang klase lng ang bilin mo...

pero last november, 2004 me natuklasan akong masarap na lengua de gato dun...

RICO's Lengua de Gato

hindi ako mahilig sa lengua de gato pero kakaiba tong isang to.

last sunday, i bought 2 small jars for me lng. ndi ko maintindihan pero once na masimulan ko na syang kainin at magsimula syang matunaw sa bibig ko, nakakaramdam ako ng contentment, at nasasabi ko na "eto ang heaven na matamis ;-)"

meron pa akong isang maliit na garapon dito, pero ndi na ako mamimigay ndi ko na ikaw aalukin, kasi baka magustuhan mo din agawan mo pa ako! sorry, selfish talaga ako sa mga simple pleasures of my life like this ;-)

punta ka na lng baguio... at ngayon alam mo na kung anong papasalubong mo sa kin ha? don't forget...

Monday, June 20, 2005

ang blog bow!

alam mo ba... sinisipag akong mag post ng mag post. pano kasi, I have been reading other people's blogs that one or the other inspires me.

iba iba ang topic, iba iba ang personality...

me ibang masarap lng basahin kasi kakaiba,
me ibang masarap balikbalikan kasi parang ako din ang nagsasalita,
me ibang kelangang i-visit para updated ka sa buhay nila.

bkit nga ba nauso ang blogging???

ganito na nga ba ang panahon ngayon?
lahat na lng ng bagay sa computer mo na lng nasasabi... hoping someone or somebody will read it. samantalang dati, pagme gusto kang iwento, gagamitin mo ang telepono para kausapin ang matalik mong kaibigan... o talagang tamad na talaga ang mga tao ngayon? oo nga naman, isang wento lng marami ka nang pedeng pagwentuhan, kung ivivisit lng nila ang blog mo. pano kung hindi? e di magwewento ka pa rin? hahaha.

ok din ang magblog, minsan kasi gusto mo lng magsabi ng magsabi, parang ayaw mong me kokontra sa mga katangahan mo, so choice mo na lng kung babasahin mo o hindi ung mga comment nila. at saka ung mga friends mo mahihiyang awayin ka sa mga comment nila, kasi mababasa un ng madla hehehe.

ako, bakit nga ba ako nagbla-blog?
hmmm... para pagkanatatamad na ako sa office, me gagawin akong kakaiba.
para pagkagusto kong me makausap at busy lahat ng so-called friends ko, me kausap ako.
para wala lng. compilation ng thoughts ganun...

ikaw? bakit ka nagblog? bakit ka nakikiuso sa pagbla-blog?
bakit gusto mo ding makipagrelasyon sa computer mo?

di bale, kung me blog ka din, sabihin mo lng sakin at babasahin ko. para tumaas naman ang hits ng mga visitors mo :) at wag kang mag alala, kung magustuhan ko sya sa una ko palang pagbisita, asahan mong sa tuwing gusto kong makasama ka babalik balikan ko ang blog mo... :)

sige happy blogging na lang po...

fathers' day special

baguio! dun namin cinelebrate ang Father's day, kasama ang 3 ama ng pamilya Bicerra/Becerra.

Si Tito Peping ang ama ng mga ama ng pamilya Bicerra/Becerra
Si Daddy ko ang ama ng pamilya Becerra-Cairo
at si Kuya Jaymoun ang ama ng nakakabatang pamilya Bicerra

sabi ng tita ko magprogram daw kmi nung breakfast ng linggo, naloka ako, nakornihan! pero syempre, kunyari lng un, kasi ayokong umiyak. wala akong nagawa, itinuloy ang program. diosmeyo, para bang nagsusulat ako ng testi para sa tatay ko. dinaan ko na nga lng sa patawa.

nakakatuwa lng din, na kahit pano me mga naiyak sa knila (pati pala ako naiyak din sa huli hehhe).

hmm... maliban sa dramahan sa baguio, me iba pa naman kaming ginawa... nag-ukay ukay kami! malupet! I've bought 1 long black dress (na sana ay may magpaparty ng magamit ko sya); 1 semi-dress; 4 skirts (ung isa parang tela ng payong at military ang concept; isang diesel na palda na natisod ako sa kipot; isang brown na simple pero pakikay ang dating at isang gypsy looking na manipis na palda). Naging masaya ang U.K. - U.K. session kasi bonding session ng mga kadalagahan. at ang best part of it is the fashion show pag uwi ng bahay. Kanya-kanyang sukat ng mga napamili, terno terno, mix and matches with matching photoshoot.

ano pa ba??? un lng, bonding pang-pamilya. sabi nung ampon ko masaya naman daw. mukha ding nag enjoy sya.

alam mo ba, ung kambal ko palang pamangkin, grade six na!!! diosmeyo! ang tanda ko na pala! pero nakakatuwang isiping kahit malalaki na sila mahal pa din nila ang knilang tita joyce! :)

... at ung mokong naming EL para sa Pico?!?!? ayun, mag isang nagpunta ng Nasugbu, nakahanap naman ng contact para sa jeep at bangka. proud ako sa knya kasi ngayon lng sya bumyahe ng malayo na mag isa, at feeling importante ako kasi, panay ang text sa kin sa pagtatanong ng mga directions! hehehe. o rereact ka pa! oo na, he really can't live without me aminin man nya o hindi. :)

Friday, June 17, 2005

Torn(?)

Hay nakuh, kakaiba talaga. bkit ba ganto? sagutin mo nga ako!!!

ganto kasi un... punta ako ng baguio ngayong gabi. hanggang linggo kami dun. pamilya naman ndi pang-tropang lakad, kaso gusto ko talaga punta dun.

KASO!!???!?!!!

eto ang kaso, ung magaling naming EL para sa climb ng Pico, may problema (actually problema nya lng un, ewan ko bakit ko pa prinoproblema!) sa transpo ung susundo sa min sa baba ng pico at maghahatid sa min sa Kutad Island. ngayon ang plano ng mokong ay magpunta ng Nasugbu, but demn! he is counting on me!!! ewan ko bahala na.

at alam mo ba? mang-asar daw ba ang aking horoscope!!!
Don't commit to any big plans; you might end up just wanting to relax with someone you're close to.

ngayon, ndi ko na alam. ayoko nang mag isip! sige ikaw ano sa palagay mong dapat kong gawin? alam ko na kaya! sige sama ako sa Baguio (kasi kung ndi baka paluin ako ng nanay ko!) tapos kung maaga kami makakauwi ng linggo, linggo na lng kmi lumakad ng mokong naming EL! brilliant!

Thursday, June 16, 2005

Revisiting Pico De Loro

me akyat na naman kami next weekend! excited ako, kasi babalikan namin ang aking most favorite bundok! yup tama ka, sa Mt. Pico de Loro.

bakit ko nga ba paborito tong bundok na to? hmmm... sa aking pagkakatanda, ndi ako masyadong nahirapang akyatin kasi rolling lang sya hanggang base camp. At nag enjoy ako sa pag ilag sa mga kawayan nung assault sa summit.

At sa summit, breathtaking talaga! ndi ung tipong breathtaking na pagod ka na. hehehe. maganda sya sa taas. parang ang laya laya ng pakiramdam. ang luwang, lahat kita mo. kita mo ung pic ko sa profile? pico de loro yan. bangis no!

nung pababa naman kami, umuulan, un nga lng maputik. andyang mabaon ang paa mo at maiwanan ang sandals mo sa putik, pero ok lng, inimagine ko na lng na nasa giyera ako, at tumatakas sa mga kalaban habang karga ko ang sanggol kong anak (hehehe me hawak kasi akong 1.5 liters na tubig). Matindi ung imahinasyon ano? Ang mas matindi, may sumakay sa ilusyon ko, at sumisigaw ng "dali dali ayan na ang mga kalaban" hahaha.

Click mo ung link sa title ng post kong to, kita mo ung pics? bangis no? ano inggit ka na? sama ka na din kaya? sige attend ka na lng pre climb meeting namin sa Mc Donalds St. Francis Square o kaya sa Jollibee Park Square. Bitin sa details? tawagan mo ako ng magka-wentuhan naman tayo. Ü

Tuesday, June 07, 2005

weird

today, june 7, I am undergoing a certain mood... the weird kind. I cannot understand why I am being like this.

restless... hopeless... helpless...