Tuesday, August 30, 2005

horoscope

my horoscope today.


It's up to you, yet again,
to bring balance back into your friends' lives.

Use your diplomatic skills
to help them work through their disagreements.

It'll make everyone's friendship stronger.



"Oh God with this mess that my friends are going through,
I wish this horoscope is true."

Monday, August 29, 2005

unplanned

last friday was a blast! grabe. gulat ako, kasi i didn't expect that something so good could happen that night. Akala ko i'd be hanging out with Tin and Dang sa starbucks at magwewentuhan lang. Nagka-ayaan na lng ng iba pang malalapit din dito sa office (si Manny at si Jing). Then, inaya ko si panget at si Ten (which is unexpectedly dumating).

Since it was not planned, we really don't know what to do that night. Syempre, inuman malamang, so ang ideal place to drink na mura is... W Grill! inuman lang (ndi ko alam kung nakailang bucket kami, basta naka 2 akong strong ice at 1 san mig light lang). At ung pork chops sarap!!!

Later that night, napagtripan ko ung camera ko. Eto na yata ang pinakamasaya at pinakamalalabong pics na nagkaron ako. anyway, eto ung ibang mga pics... ung iba pa hindi na pedeng ipakita kasi, ayaw namin ng iskandalo! :)


O di ba? ang sayasaya namin, wala pa yan sa kalingkingan hahaha.

Another, unplanned moment happened last saturday. Actually, it was previously planned but I never expected that it will push through.

We had fun playing sa TimeZone, then, dinner sa G4. Wentuhan at Y-sticks... then, we watched The Skeleton Key. The movie was... okay... nice twist, unexpected ending...

Nagtext pa nga si Jing sa kin, para sabihing, si Willy Wonka ang palabas sa Channel 23. Text back ko sa kanya, (dinidikta ng katabi ko!) nanunuod kami ng cne ng boyfriend ko. hahaha. alam ko alam ni Jing kung sino tinutukoy ko, kasi hindi na sya nagreply. hehehe.

Unplanned Moments... :)

ewan ko... may tumanim sa utak kong sinabi sa kin last saturday...
ako: akala ko ba 8pm ka pa? (7pm pa lang ng magkita kmi)
him: para ndi ka umasa...

Monday, August 22, 2005

mahapding balikat

yan po kami.

last weekend we had the last training climb for this training session for this year. ang kulit. ang haba ng intro. anyway, we had climb sa Gulugod Baboy. If you can still remember yung mga previous posts (titled: Hagupit ng Gulugod-Baboy at Contrary to my Previous Post) that was yung nag-recon kami, last saturday yung climb na talaga.

Kita kita kami sa may Buendia nung umaga, then instead na ung usual na bus papuntang Batangas ang sinakayan namin, ang sinakyan namin is van (napadouble take pa nga ako kasi akala ko un ung van namin e.) Sa byahe papuntang Batangas nabinyagan si Jun (OCMI X Applicant) ng IPE (minsan Philip) pano kasi hawig nya si Philip Salvador. Ayos naman kasi sumasakay sya. =) kulitan, kwentuhan kami sa van. hanggang makarating sa Batangas City kung san kami nagtransfer ng jeep to go to Anilao. Sa pier sa Anilao, sinundo namin sina Kula'z at Marlo. Bumili ng mga last minute na dapat bilihin, then off we go.

Bumaba kami dun sa may jump off point sa Brgy. Solo. Aba ang EL (expedition leader) Abet namin,
seryoso sa timbangan nya! True to his agenda sa IT, he weighed each one of the applicants and their backpacks, kelangan 1/3 of your weight! Bangis! lahat naman sila nakasunod. :) sekret lang to ha, 10kilos lng yung bitbit ko. gaan talaga ;-) natakot ako e. buti na lang member na ako :) Hindi na ako gaanong nahirapan sa sementadong daan, parang normal na mahirap na lang. Ika nga ni Leo "Hindi tumitigil na consistent ung pacing" ang kaso lang, mabagal lang ako. So far, ayos naman. tapos, umakyat na kami. may tinuro si abet na 2 spiders na kakaiba, I tried taking their pics kaso hirap. Basically, ok naman hindi naman mahirap. Ang tingin ko lng naging problema na is yung pagdating sa taas na rolling na. Ang tindi ng araw, walang hanging, mainit, kakaubos ng lakas. Tapos, nagsimula ung mga pahinga pahinga, ayun, hirap na ako ulit nung malapit na. tapos, sabi ni Leo, tambay muna kami dun sa ilalim ng isang puno na pinagpahingan, malapit na yun sa summit so ok lang. Dun muna kami ni Kula'z at Leo, palipas ng oras, at wentuhan.

Pagdating sa campsite, nag-asikaso at nagluto na. Nung una ndi na dapat magpupunta ng sumbrero island (masama na ang mukha ko nun) pero ginawan na lng ng paraan ni abet, kaya inannounce na nya ung dagdag na bayad. Tapos, nilabas na namin yung mga dala naming stuff animals, nagkakila-kilala na sina Ruperto Espanggol Y Capacete (ung big dog), Jolly Ellie Kelly Preston Lumpy Heffalump III (ung purple elephant), Panget (ung Rottweiler), Tigger, Rabbit, BlueBear-ni-Leo-na-bigay-ni-Jeilenn, Fish I (ung yellow fish), at Fish II (ung pink fish).

Of course, tinupad namin ni Tin ung mga plano namin. Magpicture-ran sa summit. Kaya lang, sad kasi hindi nakasama si Rachel, ndi sya makahinga, ang natuloy lang is ako, si Dang at si Tin plus the whole herd of animals.



Summit Scenes. Yan kaming tatlo: ako, si Tin at si Dang.
sa katirikan ng araw. naka-tripod.


Lunch lang kami sa campsite, at nagmamadali na kaming bumaba hinahabol ang accessibility ng Sumbrero Island.

Ratrat ako baba ng Gulugod. Sarap talaga ng feeling ng niraratrat ang gulugod pagkapababa. ewan ko siguro dahil un lang ung time at mountain na kaya kong ratratin. :) ... NG NAKAPALDA! yup proud ako kasi nakapalda akong bumaba, nagawa ko na din sya sa wakas! of course me cycling ako sa loob. Actually, kahapon, ang bilis kong bumaba, sabi nila Cloyd pinagtsitsimisan na daw nila ako kung gumulong daw ba ako pababa dahil ang bilis ko nawala. Ikaw ba naman nasa utak mo pag ndi ka nagmadali ndi ka makakapunta sa Sumbrero Island, magmamadali ka din. hehehe. kaso nga lang, hinarang ako ng aso, ayun, hinintay ko na sila. ndi na ako ang nauna, takot ko lang sa aso. hehehe.

Then, punta kmi sa pier para mamalengke ng baon papuntang Sumbrero Island. Tapos, nagbangka kami papunta dun. Ang sarap! Wentuhan kami ni Dang tungkol sa buhay-buhay naming dalawa, habang, si Cloyd, si Rachel at Tin nagbobonding na nagtatanggal ng damo sa pants ni Tin.










Sa Sumbrero Island.

Side wento lang, grabe dito sa Sumbrero Island, mala-Arayat ang singilan. tipong mapapasigaw ka ng "That's too much!". Nakikita nyo ba ung mga so-called cottages? 3 lang yan, pero ang halaga ng rent dyan is 500 pesos ang isa! malupet ano? tapos nung umulan nung umaga, butas ang bubong! di dyan nagtatapos yan, iba pa ang singil sa per head na 100 pesos (ok lng un, napaghandaan un e!) PLUS!!! 300 pesos daw ang bayad PER TENT na itatayo namin!!! DIOSMIOSANTABARBARIDA!!! napasabi nga si Leo na sana naghotel na lang daw kami. Medyo rude ding makipag usap ung katiwala na pangalan is Joseph minsan pede ding Jessie (bongga ang daming nickname!). Dahil dayo at mga may mga pinag aralan ang mga kasama kong mga barako, kinausap na lang nila ng "medyo mahinahon". Pinilit nilang mag-meet halfway. Nagnegotiate sila na kung pedeng wag na magbayad ng per tent. Tapos, ewan ko, in the end, mukhang nag init na din ang ulo ni Kuya Ipe, kinausap na nya ng mahinahon si Joseph, inilayo sa karamihan para makumbinsi. at ayun, buti na lng! :)

O balik sa original na wento, pagdating sa Sumbrero Island, gawa na, prepare na ng food, we had pasta, cake, chicken, hinihaw na isda for dinner!!! yummy! galing ni Glenn N. magluto! I discovered na pagmadaming madaming bawang kang hinihiwa after the third clove parang sinusunog na ung daliri mo. ang hapdi hapdi na ang init init. Anyway, nagkakantahan na din ung iba habang naggigitara si Abet.

After dinner, binigyan kami ng mga party hats, pati sina Panget naka party hats then, nagpalaro si Ningning. kakaiba ung laro namin, parang pinagod nya lang kami at pinagod nya lang kami sa kakasawayaw ng macarena, otso-otso, at spaghetti. Pero malamang naserve ung purpose nya, dahil napasaya nya kami. :) Nagblow ng candles si Rachel sa cake nyang black forest na courtesy ni EL. yummy sya pero mas yummy kung red ribbon hehehe. =D EL sa birthday ko din ha! :)

Nag socials lang sandali, unting interview kay Kuya Ipe dahil ndi pa sya naha-Hot Seat (wala kasi sya sa Tarak). At yun na, inuman na. hmmm... ndi ako uminom pero medyo ndi ko matandaan ano ang tutoong pagksunod sunod nyan basta ang alam ko lahat yan nangyari. :)


anyway, natulog ako ng mga 12midnight, sakit kasi ulo ko. natulog ako sa hamok ni Leo. First time kong matulog sa hamok a. I woke up at around 3am. at ang mga tao lasing na at ang gitara ni Abet, warak (kung pano nawarak, un ay may koneksyon sa pagkahulog nya o ng gitara, ndi ko sasabihin hehehe!). anyhow, i resumed sleep after I sent Kula'z to his tent to sleep. sa hamok pa rin ni Leo katabi si panget, habang natutulog si Leo kasama ang iba sa sand. hehehe.

The next day, umulan, pero ang ganda ng sun rise (opo, sunrise ung pic na yan!). Hindi kami nakaligo agad nagbreak camp kami agad para wag maabutan ni Joseph. nagkapaglangoy langoy kaming girls for about 15 mins. bitin!

Hinatid kmi ulit ng bangka papunta sa ibang resort, Nita Casapao Beach Resort ung name, dito kami nakapag enjoy ng todo todo habang nakalubog sa dagat. hehehe.

Sa dami nang climb na nasamahan ko eto lang yata ang nakauwi ako ng bahay nang maliwanag pa. More picture to post pagnakakuha na ako pics kay Ningning at kay Leo.

yeah, namiss ko ung original na panget kasi walang may burn ointment, meron sya nun no! :( anyway, I still enjoyed the climb because of Tin, Rachel and Dang (sige na nga, with the rest of the guys too).

BAKIT MAHAPDING BALIKAT???

hehehe, tinatanong pa ba un? syempre dahil sa sun burn! :)

Wednesday, August 17, 2005

child-likeness


Minsan ang sarap ulit maging bata:

walang pakialam
walang problema
may sariling mundo
simple ang pamumuhay
walang utang
walang pananagutan
ndi nabro-broken hearted
madaling pasayahin
walang expectations
lahat kalaro
walang kaaway
lahat ka-bati
playground nya ang mundo

the innocence
the truthfulness of each step...


yan si denden, 3 years old na pamangkin/inaanak ko,
kinunan ko yan sa UP Diliman grounds nung Graduation ng kapatid ko.
ang gandang pagmasdan. worry-free ika nga.

Death.

Even at our birth, death does but stand aside a little. And every day he looks towards us and muses somewhat to himself whether that day or the next he will draw nigh.

sabi yan ni Robert Bolt. So basically, ke nalakad, nakain, natutulog tayo pede nya tayong kunin. kung kelan nya trip
. Hindi nya iintayin kung masaya, malungkot o galit ka. Madalas, wala sya sa timing. Kaya madalas, I just do want I want to do. lagi kong naiisip at least, I'd die doing what I want to do.


Tears are sometimes an inappropriate response to death. When a life has been lived completely honestly, completely successfully, or just completely, the correct response to death's perfect punctuation mark is a smile.

Yan naman ang sabi ni Julie Burchill, kaya
wish ko lang may pumunta sa burol ko, they don't have to cry basta me pumunta lang sa burol ko. As for those close friends ko na wala dito sa Pilipinas, ok lang ndi kayo makapunta, pagpray nyo na lang ako.


Oh god, I am so lonely, it makes me think about ending it.

Monday, August 15, 2005

Inspired by Ina...


Nacute-tan lng ako dito kay Agnes nung magpunta kmi sa Sabang Beach, Palawan last February.
Dramatic at napaka-candid di ba?
At dahil nainspire ako sa photoblog ni Ina, I tried experimenting with Photoshop.




Using Water Color.










Using Color Pencil









Using Water Paper









Using Brush Stroke









Using Graphic Pen






wala lang napagtripan ko lang.
maganda kasi ung lighting nung picture.
maganda din ang colors.

Oh lord, I miss playing with Photoshop!
Again, thanks for inspiring me Ina. :)

Nagustuhan ni Mam Agnes ung ginawa ko sa water color, sabi nya papaprint daw nya at papaframe, touched ako! sana pagka may bayad na susuportahan pa rin nya ako. hehehe.

tibo ba ako?

hayyy ke aga aga, tinanong ba naman ako nung manong tindero kung tibo daw ba ako?

makatarungan ba naman un?

ok ok... mag wewento ako ng tutoo...

TIBO KA NGA???

sandali basahin nyo kaya muna.

Pagkagraduate ko ng highschool, meron akong boyfriend nun, nasabi ko sa kanya na magpapakatomboy ako pagdating ng college para hindi ako maligawan... para sa kanya lang ako.
nagbreak kami kakasimula pa lang ng school year na yun. hindi naman ako naging full pledge na tibo, actually, ganto lang talaga ako.

Brusko
Barubal
Batang Kalye

Hindi ko alam kung ganito lang ako talaga dahil natatamad ako gawin ung mga bagay na usual na ginagawa ng mga karaniwang mga babae... mag makeup, at mag dress up. naiisip ko kasi palagi, para que?

Hindi ko alam kung nakakaapekto din ung katotohanang panganay ako at lumaki akong laging nasa abroad ang tatay ko at nagtratrabaho. Nakikita ko ang mommy kong gumagawa ng mga gawaing-bahay na pangtatay, at wala din akong choice kung di tumulong.

Hindi ko din alam kung napapagkamalan akong tibo dahil, protective ako sa mga kaibigan kong mga babae, kakaunti lng kasi ung mga tutoong ka-close kong mga babaeng friends kaya ganun talaga ako.

Hindi ko din sigurado kung added factor din ung pagiging "one-of-the-boys" ko. Yun ang lagi kong image. Mas madami akong kaibigang mga lalaki kesa sa mga babae, dahil... naku ibang topic un. :)

Eto lang, I prefer to be comfortable most of the days that's why I'm always in jeans, rubber shoes and shirts. Strong lang din ang personality ko in comparison with other girls cause I was taught to be like that.

Pero what most of you don't know is, everytime I see a girl in jeans and shirt and rubber shoes and yet they still look so feminine and so girlie, I often find my self wondering, bakit pag ako ganyan mukha akong tibo.

Thursday, August 11, 2005

si Charlie at si Willy Wonka [part 2]

Kaninang umaga may bago akong natisod na usapan between, Willy Wonka at Charlie.
Tunghayan natin, mukhang nakapag isip na si Willy Wonka, so ayan...

Willy Wonka
: alam mo mahirap ung sinasabi mo sakin na gawin ko. pero i guess. useless na ung negotiation e. it will just become all talk and nothing more kasi sooner or later it will be back to the way it used to be. so, i am just considering pulling out some of the investments I made. pero not really totally backing out of the deal.

Charlie: basta give yourself a deadline, inform mo din sya about it. di kelangan na same ang deadline nyo, or na may deadline kayo pareho. pero at least there'll be one less person na maghihintay sa wala.
Charlie: if he/she/it doesn't meet the deadline, then move on. quits na kayo.
Charlie: at least that's something definite. unless magunaw ang mundo before the deadline. well.. at least miserable LAHAT ng tao, di lang kayo. hehe
Willy Wonka: hahaha.
Willy Wonka: alam mo, either Im so damn in love or what.
Willy Wonka: naka ilang deadline na pero nothing happens
Charlie: whatever makes you happy.
Willy Wonka: hayy
Willy Wonka: yan din ang problema e
Willy Wonka: once maging happy na ulit ok na ulit balik na ulit ang investments
Charlie: pero you have to think long-term. di na sine yan. sooner or later you have to get out of the theatre.
Willy Wonka: i know... i know
Willy Wonka: hirap

Sa ngayon, ano man ang maging plano ni Willy Wonka ndi ko pa din alam. Wish ko lang, ndi sya sukuan ni Charlie, at higit sa lahat wish ko lang malaman ko pa din ang magiging usapan nila para may maipost naman ako. Para na din sa ikakatahimik ni Willy Wonka, hangad kong huli na sana tong gantong klaseng usap between them.

Disclaimer: Ang Charlie at Willy Wonka ay hindi nila mga tunay na pangalan, nainspired lang ako sa pinanuod namin ni Tin kagabi na Charlie and the Chocolate Factory. Panuodin nyo at maganda ang aral na mapupulot nyo kay Charlie.

si Charlie, si Willy Wonka at ang mga Gray Areas

Kagabi, natisod ko tong conversation na to...
and I gave it some thought...
of course it made sense...
so share ko lang....

Willy Wonka: ndi ko na alam sasabihin ko
Willy Wonka: ndi ko na alam mararamdaman ko
Charlie : akin lang to ha:
Charlie : i don't need to know the whole story, basta simple lang ang concept ko dyan...
Charlie : pagka ganyang mga "gray areas" na pinaguusapan...
Charlie : kelangan mo i-black & white, meaning it SHOULD be either of 2 things...
Charlie : good or bad, maganda feeling or hindi, tama or mali...
Charlie : you know.. opposites.
Charlie : then you start thinking OBJECTIVELY...
Charlie : meaning, at sa kahit anong relationship 'to ha...
Charlie : think of it as an INVESTMENT...
Charlie : ang tanong e do you BOTH GAIN from it or LUGI..
Willy Wonka: ndi ko masagot
Charlie : lugi in the sense na pag isa lugi...
Charlie : that's bad business. exploitation ang tawag dun.
Willy Wonka: ndi ko masagot
Charlie : pag nadeduce mo na lugi (e.g. more bad than good), then you start thinking on how to cut back on the losses...
Willy Wonka: pano kung me mga araw na ndi lugi me araw na lugi
Charlie : not necessarily i-call off yung "deal", pero siguro kelangan mag "re-negotiate" ng terms.
Charlie : gets ba?
Willy Wonka: pano kung minsan na kayong nagnegotiate tapos, you end up na akala mo mas ok un pala ndi
Charlie : e di negotiate ulit. as long as you feel na salvageable yung deal. kung hindi, move on. dumadampot ka lang ng batong ipupukpok sa ulo mo.
Charlie : remember also that negotiation is NOT compromise.
Charlie : in anything at all, as in BATAS to ha, you could quote me on this:
Willy Wonka: pano kung takot ding magback out sa deal o bitawan ung deal
Charlie : "NEVER SETTLE FOR SOMETHING THAT YOU FEEL YOU DO NOT DESERVE"
Charlie : so unless martir ka, or masochista ka, or wala kang kaplano-planong lumigaya EVER...
Charlie : tuloy mo lang yung luging investment.
Willy Wonka: andun ako sa martir, at tanga level
Charlie : as for yung "takot" na minention mo, kaya nga kelangan iblack & white muna bago mo iassess yung deal.
Charlie : kung ganun. then it's just a question of up to when you plan to stay at that level, if may plans ka of changing levels at all.
Willy Wonka: bkit sa gantong bagay natatanga na ako
Charlie : ikaw lang makakasagot nyan. remember, di ko alam at di ko gusto malaman yung buong kwento.
Willy Wonka: sana ganun lng kasimple
Charlie : keep in mind: ikaw yung nalulugi. do not expect someone who's earning from an investment to change the deal.
Charlie : in short, sa'yo rin manggagaling yan.
Charlie : kelangan kasi natin isimplify.
Willy Wonka: onga
Willy Wonka: tama ka dun
Charlie : kasi variables yan. sabi nga sa math, too many variables renders the equation unsolvable.
Charlie : give it some thought.

Wednesday, August 10, 2005

what ifs

five years ago, year 2000. mga gantong panahon un, wala akong trabaho, kakaretrench ko lang from my first IT job. I was depressed, but not to the point of breaking down, someone's holding me and keeping me from falling apart. Ndi ko naramdamang wala akong trabaho dahil lagi akong may pera. Sa tuwing magkikita kami aabutan nya ako ng allowance sabi nga nya "para pag gusto kitang makasama may pamasahe ka papunta sa kin." Ndi ko din naging problema ang pang load sa cellphone, isang text lang papadalhan na nya ako ng load, "para makakatawag ka sa kin kung kailangan."

Magkita kita man kami ng mga kaibigan ko from college, ndi pa rin nawawala ang presence nya. Kunting ibot lang nakatext ako sa kanya para sabihing nag eenjoy ako, pagnag simulang dumilim nakatext sya sa kin nagtatanong kung ndi pa ako uuwi, at nang may 30 mins akong hindi nagtetext dahil nabyahe ako, tumatawag na sya, nag-aalala.

Madalas din nuon, sinasabi nyang "what will i do without you."

Madalas din nuon, sasabihin nyang, "ang dami na nating pinagsamahan, pakasal na kaya tayo." Dumating din ung panahon na sinabi nyang "hindi matutuloy ang kasal ko kung wala ka, dahil ikaw ang bride."

May isang pagkakataon pang nag-leave sya sa work, magkasama lang kami, magkita lang kami. Dati, sasabihin nyang "i love you" ng paulit ulit ulit hanggang di ako sumasagot ng "i love you too." kahit mukha akong tanga sa pagkakangiti ko sa jeep. Hahawakan pa nya ang aking kamay at sasabihin nyang "pahawak nga ako sa girlfriend ko." Aakbayan nya ako at tutuksuhing, "ang ganda talaga ng girlfriend ko", magagalit pa ako nuon at sasagot sa kanya ng "walanghiya ka, may girlfriend ka na pala, bestfriend mo ako pero hindi mo sinasabi." sabay ngingiti sya at sasabihing "di ba ikaw ang girlfriend ko pagkasama kita?"

Limang taon na ang nakalipas, hanggang ngayon bestfriend ko pa rin sya. Pinanindigan ata ng mokong ang pagiging magkaibigan namin.

Minsan tuloy hindi ko maalis maisip,

what if umoo ako nung ayain nya akong pakasal?
what if tuwing sasabihin nyang girlfriend nya ako pinapatulan ko?
what if natuloy kami nuong lumipat sa Pampanga?
what if...

ang daming what if... nakakalungkot isipin... na sa dami ng kinalokohan kong lalaki na lagi kong pinapairal ang puso ko ay bukod tanging sa kanya lang ako hindi umamin agad agad. Bakit kasi sa kanya lang ako nag isip bago nakaramdam?

san kaya aabot ang aking pag sisisi. Mahal ko sya, at alam ko minahal nya ako nuon... ngayon? ndi ko na alam kung mahal pa nya ako. Pero siguro okay na rin un... sabi nga may dahilan lahat.

Maybe just maybe... In God's time...

Tuesday, August 09, 2005

apparently...

Ngayon natuwa lng akong itry.... nakuha ko lng to kay Abet,
gusto ko lang ding malaman kung kakaiba ang lalabas...


Straight


70%

Gay


70%

Lesbian


65%

Bisexual


60%

Are you Bisexual, Straight, gay/lesbian?
created with QuizFarm.com

apparently... I'm happy, GAY and STRAIGHT!!!

hehehe... me aangal?

Monday, August 08, 2005

back at Cambridge


hirap ng me gusto kang ipost at ndi mo ma-ipost. hayyy kung ano ano tuloy naiisipan kong ipost.

ka-chat ko (syempre while working!) ung isang officemate ko from CUP (Cambridge University Press). I suddenly miss those makukulit guys! hayyy.

eto nga pala kami when we visited Cambridge.

L-R. Tammy, Jason P., Arnel D., Jerry, Mawi, Roy, Me, Arnel L., JC, Philip,
Darwin, Jayson G., Happy, Sir Ronnie
Next Row: Gilbert, Jayson A., Keytan, Miki, Hanamel, Jojo, KC, and Edong.

... sa aming mga panaginip.

Nice work Jay! :) miss ko na kayo!!!

substitute post

may gusto akong ishare. may gusto kong iwento, but i'd rather not. so here's my substitute post.

kung baga sa mga chain letters, eto ang "you've been tagged".

First this is from Gloria:

1. What are the things you enjoy doing even when there's no one around you?
sa mga previous posts ko nasabi ko na to pero ok...
there are times...

I enjoy eating out...
coffee break at starbucks...
watching Filipino Movies...
shopping...
(lately) trekking...

alone.


2. What lowers your stress/blood pressure/anxiety level?
ay sus... syempre si Harry Potter! :) like yesterday, I watched all the 3 movies of HP. It felt good. parang gusto ko nga ulit basahin ung book 6 e. :D
Hanging out with friends.
Laughing Trip with soon-to-be-friends.
Look at some pictures... the pictures that will remind me that minsan na akong naging masaya, magiging masaya ako ulit. :)

=====================================================================================
Second, this is from Tin (ang haba!):

Seven things that scare you:
1. fire
2. lightning and thunder
3. dentists, hospitals, blood
4. to be old and onegry
5. ma-O.P.
6. ipis
7. (last weekend lng), magkaboyfriend.
Seven things that you like the most:
1. MAGLAKWATSA
2. nature (sunsets, sunrise, mountains, falls, beach etc. etc.)
3. photography
4. Chocolates
5. pillows and huggable stuffs
6. starbucks
7. spending time with friends
Seven important things in your room:
wala akong kwarto nakakalat lng sa kusina ung mga gamit ko.
Seven random facts about you:
1. Ndi ako marunong mag bike
2. Maraming nagagandahan sa mata ko na 450 ang grado
3. Kumpleto ko ang W.I.T.C.H. na comics, Charmed pocketbooks, Sleeping Beauty series ni Anne Rice, at ang Shopaholic series.
4. Dati, iba ang edad (age) ko sa bahay at iba sa school (mas matanda ako ng isang taon sa school)
5. Lakas ng insecurity ko
6. Topakin ako
7. I almost died the moment I was born
Seven things you plan to do before you die:
1. TRAVEL, TRAVEL, TRAVEL (pinakamahalagang marating ko ang Cairo, Egypt)
2. write a novel (and publish it too. kahit ung mga Pinoy Pocketbooks lng)
3. sky dive, bungee jump at rock climb mala-Lara Croft
4. sumali at manalo sa isang prestigious photo exhibit
5. magkipags*x sa ibabaw ng billiards table, sa elevator, at sa beach under the stars.
6. matutong mag-bike
7. makaranas humawak at gumamit ng tutoong baril
Seven things you can do:
1. make a knot out of a cherry stem using my tongue. Good Kisser daw e. hehehe.
2. Participate in a "chocolatiest kiss" contest. Licking off chocolate syrup in a complete hunk stranger's body in front of an audience.
3. be a love doctor. and give sensible advice.
4. a good friend... any time, any how, with any one.
5. sleep in a garbage bag
6. sing in front of an audience
7. a datebook, a diary and an address book.
Seven things you can't do:
1. ride a bicycle
2. masindihan un haring araw
3. makapagsindi ng stove sa bundok ng walang tumutulong
4. stay focus long enough
5. can't understand and speak the languages my sister can (italian, spanish, and french)
6. swim in deep waters
7. ung ibang styles ng rappelling (spider, lizard and australian, pero tatry ko pa rin)
Seven things that attract you to the opposite sex:
1. firm butt
2. his eyes
3. good sense of humor
4. good conversationalist (someone whom I can talk with for hours and hours)
5. lips
6. sensitive, sweet, thoughtful, loving and pasensyoso
7. utak-bata para kaya nyang sakyan ang mga trip ko
Seven things you say the most:
1. hala...
2. uyyy...
3. p*tangina.../ pucha.../ tang*na...
4. sus...
5. fine...
6. whatever...
7. i don't care...
Seven celeb crushes (whether local or foreign):
1. Angelina Jollie
2. Tom Cruise
3. Brad Pitt
4. Daniel Radcliffe (HARRY POTTER)
5. Piolo Pascual
6. Drew Barrymore
7. Ryan Agoncillo (The Pinoy Harry Potter)
Seven people you want to see to take this quiz:
1. Gloria
2. Aprille
3. Rachelle
4. Chame
5. Ina
... wala na...

Wednesday, August 03, 2005

Contrary to My Previous Post

hayyy sabi nila a picture paints a thousand words. kaso, pagnakita nyo na tong mga pics namin sa Gulugod last Sunday, sasabihin nyong nagsisinungaling ako sa last na Post ko titled Hagupit ng Gulugod-Baboy.

Oh well, anong magagawa ko kung basta me camera ngiti ako agad, at nawawala ang aking pagod. heheheh.



sa may talahiban, wala nang trail. kanya-kanyang sagasa sa mga talahib.
kita nyo si Abet? ang layo ng pagitan no?


Look at me!!! Yan itsura ko habang nagtretrek. Hilahod na.

Thorns! Ang mga malulupet na Tinik na titira sa yo pag akyat.
isang baling sanga nyan ang naupuan ko. Aray!

Syempre, ang tagal ng inintay ni abet bago ako nakalapit sa knya.
pero syempre, all smiles pa rin :)

Si Panget at si Abet, sa summit. ganda ng view no?
yan ang maganda sa Gulugod, kahit hilahod ka na, ang ganda ng rewards sa taas.

Pose lng ng pose :) Sa likod ko tanaw po ang Sumbrero Island.
Pangarap kong marating yan, sana mabigyan katuparan ni Abet un. :)

Yan ang itsura ng jogging pants ko pagdating sa summit.
parang porcupine dahil sa mga damo.

Kami ni Panget.
DISCLAIMER ULIT: Ndi ko po syota o boyfriend ung kasama ko sa pic.
Ndi din po ako nagpi-feeling syota nya o girlfriend for that matter.
Wala pa lang kaming picture magkasama.

Yan ang pinaka-summit ng Gulugod-Baboy!!! I feel so free!!! I feel so light!!!
It felt like flying!!! (ano ba yun, parang naka-droga hehehe)

Naisip ko lng. kaya pala walang picture habang nahihirapan akong umakyat. baka nahihirapan din si panget kumuha ng picture? hehehe. =D

Monday, August 01, 2005

Hagupit ng Gulugod-Baboy

Kahapon, Linggo, nag-recon kmi sa Gulugod-Baboy via brgy. Solo (sulo? o solo? whichever!) kasama ko si panget at si Abet.

Saturday pa lng ng gabi magkakasama na kami at nag overnyt kina Kulaz sa Balayan.

6:30am ng linggo naligo na ako, nakaalis kmi kina kula'z mga 8:00 at nasa Brgy. Solo na kmi ng 10:00am, nakipaghuntahan pa dun sa me bahay ni kapitan dahil naghahanap kmi ng mag-gaguide sa min. 10:30am nagstart na kmi ng trek... dios ko ndi ko alam kung pano ko iwewento to nang maayos.

Parang galit sa kin ang gulugod. hirap na hirap talaga ako dun sa climb namin. I cannot describe the exact feelings I have yesterday. ang trail kasi is compose of sementadong mga 45-50 degrees which I climbed for 45 mins, that is without the usual BACKPACK na malaki at mabigat.

kakaiba talaga. parang masisiraan ako ng ulo sa pag push ko ng sarili kong maakyat un. I've been blaming myself pero si panget, sinasabi nyang puyat lng ako. sabagay, come to think of it sa loob ng 4 na araw ang total number of sleep ko lang ay 8-10 hours. but I don't want to think of it that way.

instead, I found myself,
blaming the endless number of y-sticks for all the times that I am so stressed.
blaming the days when I am too lazy to train.
blaming the 6 pounds I gained for the past 2 months.
... I blame myself for
lack of self-discipline.

pakiramdam ko sasabog ang puso at ang dibdib ko. ndi na ako makahinga ng maayos. parang ang hirap hirap ng bawat hakbang. it was crazy... to the point I am begging them to just leave me, na daanan na lng nila ulit ako pagbalik.

Matinik. pag upo ko pa nga me naupuan akong tinik, tusok ang wet-paks ko! wala din kaming dalang matinong pagkain sa taas, nova at v-cut lng. Nag away pa nga kami ni panget, again dahil napaka selfish brat nya. pero syempre he did make bawi naman. :)

pagdating sa summit, stay kami dun ng mga one hour. picture taking at wentuhan. Ang Gulugod-Baboy talaga ang isa sa mga me magagandang view sa taas. 360 degrees kasi ang view. at higit sa lahat mahangin sa taas.

nung pababa na, sa awa ata sa kin ni abet, he decided na mag Philpan side na lng kmi. ayun, nakuha lng namin ng 20 mins. :) ang bilis no? ang galing. tapos un, uwian na kmi.

pangatlong akyat ko na to sa gulugod-baboy, pero masasabi ko lng, madaming mga sorpresang nag iintay sa isang mountaineer sa bawat pag akyat nya sa bundok. Tingin ko sa kanya ngayon mahirap pa sa Mt. Arayat. :( ewan ko...

promise ko sa sarili ko:
BEHAVE na ako.
MAGTRAIN na ako.
MAGDIET na ako.

at si panget, wala na talaga akong masabi, laki na ng inimprove nya. kaya na nyang sumabay kay abet sa akyatan.

sa mga trainees namin, well... magtrain kayo... dahil ang papatay sa inyo ay ung sementadong daan na un!